Chapter 6

1255 Words
"Drake nasaan ka?" tanong ko habang iginagala ang tingin sa paligid pero hindi ko mahanap si Drake. Malalim na ang gabi pero hindi parin ako dinadalaw ng antok kahit na ilang araw na akong di nakakatulog. "Drake!"muling sigaw ko ngunit katahimikan lamang ang sumalubong sa akin. Nakailang ikot na ako sa kwarto pero hindi ko parin siya mahanap sa silid. Gusto kong matakot dahil nag-iisa lang ako dito pero pinilit ko paring kalmahin ang aking sarili habang hinahakbang ang aking mga paa papunta sa labas. Agad naman akong sinalubong ng malamig na hangin kaya napayakap na lamang ako sa aking sarili pero nagulantang ako ng bigla na lang may nagtutok sa akin ng isang patalim. "Subukan mong gumawa ng ingay at malalagot ka sa akin." Pagbabanta ng lalaki kaya napalunok ako ng aking laway. Tanging pagkabog lamang ng aking dibdib ang aking naririnig habang unti-unting nawawalan ng pag-asa. Pero sa dulo ng daan ay mabilis kong natanaw ang isang lalaking papalapit sa amin. Pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko habang papalapit siya sa amin. Gusto kong humingi ng tulong sa kaniya pero hindi ko alam kung siya ba ay kakampi o isang kaaway. "Handa kana bang mamatay?" Tanong ng lalaking nasa aking harapan. Agad namang nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Drake. Gusto ko siyang yakapin kaso may lalaking tumutok pala sa akin ng kutsilyo. "Bitawan mo siya!"Sigaw ni Drake pero nagmatigas parin ang lalaking nagtutok sa akin ng patalim kaya sinuntok ito ni Drake. Sa isang banda naman ay napapikit na lamang si Drake dahil nasugatan na pala siya sa kaniyang braso hanggang sa sinikmuraan na siya ng lalaki. Mabilis naman siyang palibutan mga di kilalang lalaki habang sinisikmuraan kaya agad akong nanlumo. "Drake!"Sigaw ko habang humahagulgol. Hindi ko na kasi alam ang gagawin dahil pinagtulungan na siya at sa pagkataranta ay pinulot ko ang baril na nakita ko sa isang tabi. Nanginginig man ay itinutok ko parin ang baril sa mga lalaki habang nakapikit. Mabilis ko itong kinalabit kaya nagulantang naman silang lahat pero bago pa man sila makatakbo ay sunod-sunod ko na silang napatumba. Sunod sunod na putok ng baril ang maririnig sa paligid hanggang sa kaming dalawa nalang ni Drake ang natitirang buhay. "Ang akala ko talaga mawawala kana." Humahagulgol kong saad sa kaniya pero niyakap parin niya ako. Halos hindi na siya makilala dahil sa sugat na natamo niya pero nagawa niya paring ngumiti sa akin. Gusto ko siyang pagalitan pero alam ko na ginawa niya lang naman iyon para iligtas ako sa kapahamakan. "Malakas yata 'to!" pagmamayabang naman nito habang sinuntok ang kaniyang sarili. Napakayabang talaga kahit kailan. "Sa susunod huwag ka ng lalabas ng gabi ah." sabi naman nito kaya mabilis akong tumango pero napuno parin ng ako ng kuryusidad sa kanilang lugar pero umiling na lamang ako. Agad ko naman siyang napansin na paika ikang naglalakad kaya inalalayan ko na siya. "Kaya ko ano kaba!" Nakangiting saad nito habang nakangiti pero umiling lamang ako sa kaniya. "Maawa ka naman sa sarili mo Drake!" nakasimagot na saad ko sa kaniya. Masyado kasi siyang ma pride kaya kahit na nahihirapan na siya ay ipipilit parin nila ang gusto niya. "Oo na!" nakangiting saad nito habang napapakamot sa kaniyang ulo. Nahawak ako sa kaniyang balikat habang ang kaniyang kamay ay nakahawak sa aking leeg. "Napaaway na naman ata." "Balita ko marami raw napatay iyong kasama nung lalaki." "oo nga eh! nakakatakot." "Tara na! umuwi na tayo." rinig kong bulungan ng mga taong nakakita sa amin. hindi naman nakawala sa aking mga mata ang pagsara ng kaniyang kamao habang ito ay galit na galit na nakatitig sa mga taong pinagchi-chismisan kami. "Huwag mo nalang silang pansinin." sabi ko naman dito kaya nagsimula na kaming naglakad pero agad din naman kaming napatigil ng makita ang ina ni Drake. "Anak anong nangyari sayo?" natatarantang taong ng kaniyang ina habang pinagmamasdan ang kalunos-lunos na kalagayan ng kaniyang anak. Mabilis naman siyang dinala sa hospital. Hindi na nga nila napansin ang presensiya ko pero kahit na ganon ay nanatili parin ako sa tabi ni Drake. Ilang oras na ang nakalipas ng madala siya sa hospital pero hindi parin siya gumigising. Pinilit kong matulog sa kaniyang tabi pero hindi parin ako dinadalaw ng antok kaya tinitigan ko na lamang siya. Napakaamo ng kaniyang mukha pero sa likod nito ay nakatago ang kaniyang nakakatakot na anyo. Mabilis naman akong umiling ng maalala ang hitsura ng mga taong napatay ko. "Hindi ko sinasadya!" Sigaw ko sa aking sarili pero nagulantang ako ng pumasok ang mama ni Drake sa kwarto. "Ayos kalang ba iha? tanong nito sa akin kaya mabilis akong tumango habang pinipigilan ang pagpatak ng aking luha. Gusto kong magwala dahil ayaw kung matulad sa kanila pero mas malala pa pala ang kaya kong gawin sa kanila. Hindi ko kabilang kung ilang tao ang nalatay ko kanina pero alam kong higit sila sa sampu. "Magpahinga ka muna iha, ako na muna ang magbabantay sa anak ko." sabi naman nito. Gusto ko sana siyang tanggihan dahil hindi ko alam kung kakayanin kong lumayo kay Drake lalo na sa ganitong sitwasyon. Dahil maraming mga taong nagbabanta sa buhay ko at hindi ko alam kung ligtas paba ako sa lugar na ito. "Tita pwede bang dito nalang ako matulog?" tanong ko sa mama ni Drake. Noong una ay nakakunot pa ang noo nito pero sa huli ang akala ko ay hindi Ito papayag pero maya-maya ay mabilis naman itong tumango. "Salamat po tita." nakangiting saad ko at hindi napigilang yakapin siya. Mabilis naman akong humiwalay dito nang mapagtanto ang aking nagawa. "Pinapahiya mo na naman ang sarili mo Claire." bulong ko sa aking sarili habang pilit na ngumiti sa mama ni Drake. Gusto ko nalang magpalamon sa lupa dahil sa aking nagawa pero pinilit ko paring tumungo sa kabilang kwarto. "Ughh!Bakit hindi ako makatulog!" inis na sigaw ko habang nakatingin sa kisame ng kwarto pero agad na nanlaki ang aking mga mata ng mahulog sa aking mukha ang isang butiki. "Mapapatay kitang bwisit ka! dadapo kapa sa maganda kong mukha hayop ka!" Sigaw ko habang pinapalo ng tsinelas ang butiki na dumapo sa akin. Humiwalay na ang buntot nito hanggang sa gumapang na ito sa kung saan. "Asan kanang hayop ka?" Sigaw ko habang hinahanap ang butiki na dumapo sa aking mukha. Agad ko naman itong nakitang papalabas ng pinto kaya sinundan ko lang ito pero hindi ko napansin na may nabunggo na pala ako. "Hala ano to?" Bulong ko sa aking sarili ng mauntog ako sa malambot na bagay. Pinipisil ko pa ito pero agad akong napaayos ng aking pagkakatayo nang marinig ang boses ng mama ni Drake. "Anong ginagawa mo iha?" Galit sa sigaw nito kaya agad akong napakagat ng aking labi. Nahawakan ko na pala ang dibdib nito ng di ko namamalayan susmaryosep! Lagot ako neto! Drake gising! Sigaw ko sa isip ko dahil katapusan ko na ngayon. Parang hindi na ako aabutan pang buhay ni Drake dahil sa ginawa ko sa mama niya. "Sorry po tita nahawakan ko po ang dede niyo. Hindi ko naman po sinasadya. Paghingi ko ng tawad sa kaniya habang nakaluhod. Ibubuka palang sana niya ang kaniyang bibig ng mapatingin kami kay Drake ng bigla itong nagsalita. "Anong nangyari?" tanong nito habang nakapikit ang kaniyang mga mata. "Drake binugbog ka, ang hina mo kasi eh." bulong ko sa aking isip kaya bigla nalang silang napatingin sa akin dahil nasabi ko pala ng malakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD