"Claire huwag mo akong iiwan." bulong nito sa akin. Ang akala ko nung una ay gising siya pero nang pagmasdan ko siya ay nakapikit na ang kaniyang mga mata habang ito'y may butil ng luha.
"Hindi kita iiwan Drake." Nakangiting saad ko rito. Kahit hindi niya ako naririnig ay ipaparamdam ko parin sa kaniya na manatili parin ako sa kaniyang tabi. Madilim na ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko.
Tanging ingay na lamang ng kuliglig ang maririnig sa paligid. Nakakabinging katahimikan pero wala akong magawa kaya naisipan ko nalang na maligo pero hindi pa man ako nakarating ng banyo ay bigla na lamang akong bumagsak sa sahig.
"Drake hindi ko maramdaman ang mga paa ko!" nanginginig na sigaw ko. Tanging takot na lamang ang nangingibabaw sa akin habang nakahawak sa aking tuhod. Mabilis naman niya akong inalalayan papunta sa kama pero patuloy parin akong humihikbi.
"Paano kung hindi na ako makalakad? Hindi ko na alam ang gagawin ko Drake." sigaw ko kaya agad naman itong napasabunot sa kaniyang buhok. Hindi niya rin alam ang kaniyang gagawin kaya inalo niya nalang ako.
"Magpahinga ka muna Claire bukas na bukas pupunta tayo ng hospital." Sabi nito kaya aagd akong tumango. Mabilis naman akong nagtalukbong ng kumot habang tahimik na humihikbi.
"Panaginip lang ito diba?" tanong ko sa aking sarili pero naramdaman ko ang pananakit ng aking pisngi ng kurutin ko ang aking sarili.
"Hindi kaba makatulog?" tanong sa akin ni Drake kaya agad ko siyang hinarap. Mabilis naman akong tumango sa kaniya kaya agad niya akong kinarga. Mabilis siyang humakbang sa kakahuyan habang karga ako na para bang isang sakong bigas. May mga iilang mababangis na hayop sa kagubatan ngunit ito hindi niya ito alintana.
"Sigurado kabang dito ang hospital?" tanong ko sa kaniya ng makarating kami. Maraming mga taong duguan sa labas na tila ba kagagaling lang sa bakbakan. Maraming sandata ang nakakalat pero ang aking atensiyon ay nanatili sa babaeng may maitim na aura.
"Mama ko nga pala." pagpapakilala ni Drake sa babae. Agad naman itong nakipagkamay sa akin pero agad din naman akong bumitaw dahil nabahiran na ng dugo ang aking kamay.
"Pasensiya kana iha." sabi naman nito kaya nginitian ko na lamang siya. Mabilis naman silang lumayo sa akin dahil may pag-uusapan paraw sila kaya tumango na lamang ako.
"Iha gusto mo ba talagang makalakad?" tanong sa akin ng babae kaya mabilis akong tumango.
May iilang bagay silang ipinakita sa akin hanggang sa dalhin ako sa isang kwarto. Patay sindi ang ilaw sa kwartong iyon kaya napakapit ako kay Drake.
"Drake huwag mo akong iwan." natatakot na saad ko dahil may itinurok sila sa akin na kung ano. Gusto kong magpumiglas pero unti-unti kong naramdaman ang panghihina ng aking katawan hanggang sa mawalan ako ng malay.
"Drake? Nasaan ka?" tanong ko habang iginagala ang aking paningin sa paligid pero ibang tao ang aking nakita. May dalawang mag-ama na parehong umiiyak sa kabilang kama.
"Patawarin mo ako anak." Maluha-luhang saad ng matandang lalaki sa kaniyang anak. Mabilis namang tumango ang babae habang niyayakap ang kaniyang ama.
"Tanggap ko naman na pa." sabi ng batang babae sa kaniyang ama pero umiling lamang ang matanda.
"Masyado kayong madrama! Ilabas ang lalaking yan!" utos ng ina ni Drake pero hindi parin bumibitaw ang mag-ama kaya kinuryente na nila ang matanda. Mabilis na sumigaw ang batang babae habang humahagulgol pero wala itong magawa dahil pinapahirapan parin nila ang kaniyang ama.
"Mga wala kayong awa!" Sigaw babae kaya agad na nagalit ang ina ni Drake kaya nasampal niya ito. Pero maya-maya lamang ay tumungo ito sa akin na para bang walang ginawang kahayupan sa mag-ama kaya napalunok na lamang ako.
"Handa kana ba iha?" tanong ng ina ni Drake sa akin kaya mabilis akong tumango. May itinurok din sila sa akin pero hindi na ako tumutol dahil gustong-gusto ko na ulet na makalakad. Pero sa isang banda ay nakita ko kung paano nila putulin ang paa ng babae. May mga dugo pang tumilamsik sa aking mukha pero hindi ko ito magawang punasan pa dahil sa panginginig ng buo kong katawan. Gusto kong tumakbo pero agad kong napagtanto na hindi ko mailakad ang aking mga paa.
"Bakit niyo siya pinatay?" galit na sigaw ko pero ngumiti lang sa akin ang ina ni Drake.
"Diba sabi mo gusto mong makalakad?" tanong sa akin ng babae kaya napalunok na lamang ako. Hindi ko kasi alam na sa ganitong paraan pala nila kukunin ang paa ng babae. Bakit kailangan pa nilang pumatay ng inosenteng iyon?
Gusto kong maiyak sa aking nasaksihan pero habang rumerehistro sa akin ang mukha ng babae ay gusto kong lumapit sa kaniya. Gusto ko siyang iligtas pero wala akong nagawa. Pinanood ko lang kung paano siya pinatay. Alam ko na nagawa lang naman iyon ng ina ni Drake dahil sa kagustuhan kong makalakad pero bakit kailangang makuha sa brutal na paraan?
"Claire ayos kalang ba?" tanong sa akin ni Drake pero nanatili akong tulala. Hindi ko napansin ang kaniyang pagdating dahil iniisip ko parin ang nangyari kanina. Tanging ingay ng mga taong humingi ng tulong ang aking naririnig. Siguro sila iyong mga inosenteng pinatay na hindi nabigyan ng hustisya. Gusto kong umuwi nalang sa bahay pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Drake ang lahat.
"Claire! tumingin ka sa'kin." utos nito kaya bigla na lamang akong napaluha. Mabilis niya naman akong niyakap habang inaalo ako sa aking likuran.
"Pinatay nila iyong babae Drake." bulong ko sa kaniyang tenga. Alam ko na wala na akong magagawa pero kung sakaling siya ang kakausap sa kaniyang ina ay ititigil na nila ang pagpatay sa mga inosenteng tao.
"Hayaan mo kakausapin ko si mama." sabi naman nito kaya agad akong napatango rito. Mabilis naman itong umalis pero narinig ko parin ang kanilang pagtatalo. Mabilis kong tinakpan ang aking tenga habang sumisigaw.
"Tama na! please lang!" Sigaw ko habang patuloy na nagwawala hanggang sa may mga taong pumigil sa akin. Hindi ko na maintindihan ang aking sarili. Para akong baliw na nakawala sa aking hawla. Pero agad din naman akong napatigil ng makita ang duguan katawan ng babae. Para akong natatakam na tikman ang dugo nito pero pinigilan ko ang aking sarili pero agad din naman akong napatigil ng may iturok ulet sila sa akin na kung ano hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay.