Chapter 3

1014 Words
"Nag-enjoy ka naman diba Claire?" bulong nito sa akin kaya tumango na lamang ako sa kaniya habang pareho naming hinahabol ang aming hininga pero hindi parin ata ito napapagod dahil dinala niya ako sa may bath tub. Pero ngayon ay ako naman ang inutusan nitong pumatong sa kaniya. Hindi ko alam ang aking gagawin kaya inalalayan niya nalang ako. Nakahawak siya sa aking bewang habang ang aking mga kamay ay patuloy na nanginginig pero pinilit ko paring gumiling sa kaniyang ibabaw kaya mabilis din naman itong umiling. "Nakakapagod." bulong nito sa akin habang ito ay nakapikit. Pareho kaming nakasandal sa bath tub nang bigla na lamang itong ngumiti habang sinisilip ang aking mukha. Yakap ko ngayon ang aking hubad na katawan pero bigla niya nalang akong hinigit papalapit sa kaniya. Sinisinghot nito ang amoy ng aking buhok pero hindi ko nalang siya pinigilan. "Nilalamig na ako." nanginginig kong saad habang nakatingin sa kaniya. Mabilis naman itong kumuha ng tuwalya habang binababot sa akin. Ang akala ko ay papabayaan niya ako pero may konting malasakit parin pala siya sa akin. "Ok na?" tanong nito sa akin pero nanatiling tikom ang aking bibig habang nanginginig kaya umalis ulet siya. Inabot siya ng ilang minuto bago bumalik sa banyo at pagbalik niya ay may dala na itong malukong. "Kainin mo na habang mainit-init pa" sabi nito habang nakahawak sa aking noo. Pero napansin nitong hindi ko ginagalaw ang malukong dahil ramdam ko parin ang aking panghihina ng aking buong katawan kaya ito nalang ang nagsubo sa akin. "Kumain ka ng marami ah." pagpapaalala nito sa akin kaya tumango nalang ako. Mabilis ko namang naubos ang lugaw na nasa malukong kaya binigyan niya narin ako ng gamot. "Salamat." bulong ko sa kaniya habang nakapikit. Para kasing umiikot ang nasa piligid kaya kahit na nakahiga ay hindi ko magawang kumilos. "Gusto ko munang magpahinga." bulong ko nang maihiga niya ako sa kama. Natanaw ko kasi siya sa aking tabi na nakatitig parin sa akin habang nakaupo sa gilid ng kama. Agad naman itong ngumiti sa akin habang ginugulo ang aking buhok. Akala ko ay aalis na siya pero tinabihan niya parin ako. "Baka mahawa ka." sabi ko sa kaniya pero niyakap niya parin ako. Agad naman akong napatitig sa kaniya. Akala ko kasi tuluyan na siyang nagbago pero hindi pala. Siya parin iyong lalaking mahal ko at mamahalin ko. "D-Drake." garalgal ang boses ko habang binabanggit ang kaniyang pangalan. Agad naman niyang iminulat ang kaniyang mga mata habang aligagang hinahanap ang aking gamot. "May masakit ba sayo? Wait lang hahanapin ko lang iyong gamot mo." tanong nito sa akin pero umiling lamang ako sa kaniya. Sapat na siguro iyong makita ko siya na nasa tabi ko. Wala eh ang rupok ko, mahal ko kasi iyong tao kaya siguro ako nagkakaganito. "Lagi mo nalang akong pinapaiyak." inis na sabi ko kaya bigla na lamang itong nalungkot. "Sorry." maiksing tugon nito sabay talikod sa akin. Bigla ko naman siyang niyakap sa kaniyang likuran. Hindi niya naman ito inaasahan kaya hinawakan niya ang aking mga kamay. "Gusto lang naman kitang mahalin pero nasasaktan na pala kita." garalgal ang boses nito habang binibitawan ang mga salitang dumurog sa akin. Ang akala ko ay ako lang ang nasasaktan pero nagkamali pala ako. Nasasaktan din pala siya. "Mali bang mahalin ka?" tanong nito pero agad akong umiling. "Walang mali Drake." bulong ko sa kaniya kaya ngumiti ito sa akin. Mabilis naman itong humarap sa akin kaya minabuti kong punasan ang kaniyang mga luha. Nasaktan mo lang ako dahil sa labis na pagmamahal mo sa akin. "Akala ko kasi iiwan mo na ako." dagdag pa nito kaya muli ko siyang niyakap habang pilit siyang pinapatahan. Para kasi siyang batang inagawan ng kendi. "Bakit ko naman iiwan ang isang gaya mo?" tanong ko sa kaniya. Agad naman itong ngumuso habang ang kaniyang mga mata ay nangungusap. "Dahil sa ugali ko." bulong nito habang nakatitig sa sahig. "Ang drama mo, alam mo ba iyon?" tanong ko sa kaniya kaya napatitig na ito sa akin habang nakakunot ang kaniyang noo. "Hindi ka galit?" tanong nito habang nanlalaki ang kaniyang mga mata. "Hindi kaba matatapos sa kakatanong mo sa akin?" nakangiting saad ko kaya ngumiti na lamang ito sa akin "Tumingin ka sakin." utos ko sa kaniya ngunit pumikit lamang ito. "Umayos ka nga!" utos ko sa kaniya pero agad din naman akong napalunok dahil bigla na lamang itong tumitig sa akin pero ang aking mga mata'y nakatitig lang sa kaniyang mapupulang labi. Agad naman akong napailing dahil sa iniisip ko pero bigla niya na lamang akong kinurot sa aking tagiliran. "Inlove kalang sa akin eh!" pang-aasar pa nito sa akin kaya umiwas kaagad ako ng tingin sa kaniya. "Topaking panget!" pang-aasar ko sa kaniya kaya agad akong tumakbo pero sa hindi inaasahan pangyayari ay nadulas ako sa sahig. "Ang clumsy mo naman, kaya siguro nafall ka sa'kin." dagdag nito habang inalalayan ako. Seryoso siya nang oras na iyon pero hindi ko siya pinansin dahil ramdam ko na parang binibiyak ang aking ulo. Agad niya naman itong napansin kaya inihiga niya na ako sa kama. "Magpagaling ka ah, mamahalin pa kita." nakangiting saad nito sabay kindat sa akin. Mabilis naman akong tumango sa kaniya hanggang sa maramdaman kong muli ang kaniyang labi sa akong noo. "Ang sarap mo namang magmahal." bulong ko na naging dahilan ng kaniyang pamumula. Ramdam ko na pinipigilan niyang kiligin pero hindi iyon maitatago ng kaniyang mga mata. Dahil nakatingin siya sa akin. Sa babaeng mahal na mahal niya. Pero mabilis din namang nawala ang ngiti sa kaniyang labi sa sinabi ko "Sinaktan mo kaya ako." bulong ko kaya napasimangot naman ito. Alam maling ipaalala ko pa sa kaniya ang mga bagay na iyon pero sa tuwing nawawala siya sa kaniyang sarili at patuloy niya akong nasasaktan pero namanhid narin ata ako dahil sa pag-ibig nayan. "Pero wala eh! kahit na paulet-ulet mo akong saktan nandito parin ako." dagdag ko kaya mabilis niya akong niyakap ng mahigpit habang umiiyak kaya niyakap korin siya pabalik
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD