CHAPTER 1
" Valeria, Francheska Aragon "
Napanguso siya ng banggitin ng binatang kasama niya ang buong pangalan niya. Kasalukuyan silang nasa mall ngayon at pinagtaguan niya ito kaya ang ending pumunta ito sa information desk na kung saan ay pwede mong ipanawagan ang hinahanap mo.
" Sir ilang taon na po ba ang hinahanap nyo?"
Lalong napakunot ang noo niya ng magtanong ang maharot na babaeng bantay yata roon. Halata namang gusto lang nitong makausap si Dave palibhasa kasi gwapo ang mokong.
" She's already 25 " nakangising sagot naman ng kababata niya.
Nabigla naman ang babae at ang mga taong nakarinig rito. Sino ba namang mabibigla saan ka nakakita ng twenty five years old na maliligaw pa sa mall. Maliban na lang siguro kung sira ang utak nito.
" Sir hindi po kaya umuwi na ang kasama nyo " suhestyon uli ng mahaderang babae. Hindi naman kagandahan.
" No she will never go home alone, hindi ako iiwan ng babaeng yon Fance sweetie let's go home I already saw you " seryoso ng sambit nito habang nakatingin na sa direksyon ng pinagtataguan niya.
Napangiti nalang siyang lumabas sa pwesto niya.
" Ang hina mo Dave dapat kanina mo pa ko nakita " asar na sambit pa niya rito.
Umalis naman kaagad ito sa pwesto nito at lumakad palapit sa kanya. Kinuha nito ang kamay niya at pinaglaruan ang mga daliri niya.
Napatingala naman siya rito. Kahit kaylan talaga hindi niya pagsasawaan ang gwapo nitong mukha. Mas matangkad sa kanya si Dave at sa tuwing tumatayo siya sa tabi nito ay umaabot lang siya hanggang sa balikat nito. He also have a pair of eyes na kapag tinitigan niya ay para siyang nalulunod sa kadiliman noon.
" Kahit saan ka magpunta France mahahanap at mahahanap pa rin kita" tinaas nito ang kamay niya at dinala sa mga labi nito.
He's always doing that to her at gustong gusto naman niya.
" Uwi na tayo " yaya niya rito.
" Right let's go home love " mahinang bulong nito sa kanya.
Let's go home Dave.. I want to get home with you.. Dave... Dave .. Dave...Dave... I want to get home with you..
" Fance wake up, France Darling wake up "
Napabangon siya mula sa mahihinang tapik sa kanyang pisngi. Napalingon siya sa taong gumawa noon sa kanya.
" Mom "
" Your dreaming again Darling "
Right dream, it always a dream..
Napalingon siya sa paligid niya. Pangilang beses na ba itong nangyari sa loob ng isang taon.
" Do you feel anything nahihirapan ka bang huminga, may masakit ba sayo?" Tuloy tuloy na tanong sa kanya ng mommy nya.
" I'm ok mom, I'm really ok "
" Are you sure Darling, napanaginipan mo nanaman ba sya?" Nagaalalang tanong uli nito sa kanya.
" I did "
" Don't be sad France "
" I'm not sad mom I know one day we will see each other again at ayaw kong makita nya ko sa ganitong ayos"
Hindi na sya kagaya ng dati. Ibang iba na ang itsura nya ngayon. Pumayat na sya at alam niyang hinang hina na rin. Minsan na rin siyang muntikang mawala but the doctor made it.. Nagawa siya isurvived ng mga ito and now kumakapit pa rin siya sa pagasang gagaling siya at magkikita sila muling dalawa.
" He's waiting for you Darling " pageencourage pa ng mommy niya sa kanya.
Napangiti nalang siya bilang tugon rito. Kababata niya si Dave they grow up in each other side. Sabi nga nila kahit nuong diapers days pa nila ay hindi na sila mapaghiwalay.
They are best friend kahit saan magpunta ang isa dapat nadoon din ang isa.
Lagi silang ganon kahit nuong elementary days nila. Dave is her first love at naging sila nuong highschool pa sila until she grow up. Alam ni Dave ang sakit na meron siya noon bata siya naduon ito nuong first operation niya at iyon ang ayaw na niyang maulit muli.
Kitang kita niya ang takot sa mga mata ni Dave. Madalas ay lumiliban ito sa klase para lang mabantayan siya at kapag nagkakaatack siya alam niyang halos maubos na ang luha nito sa kakaiyak para sa kanya.
Ayaw na niyang makita uli ang side na iyon ni Dave masyado itong napagod ay nangayayat rin noon kakaalala at kakaalaga sa kanya.
Kaya ng magkaroon siya ng first attack sinigurado niyang hindi nito malalaman. Ang alam ni Dave at nagpunta siya sa ibang bansa para sa trabahong meron siya. Hindi alam ni Dave ang kalagayan nya ngayon but she know he will understand.
Mahal siya ni Dave at alam niyang hinding hindi siya nito kakalimutan at darating ang araw na magkakasama uli silang dalawa.
Bubuin nila ang pangarap nilang matagal na nilang binubuo sa isipan nila. They will get married at magkakaroon pa sila ng anak..
Bibigyan nya pa ng masayang pamilya si Dave that's why kaylangan niyang lumaban.
She need to fight for her life..
She need to hold for longer time..
Naniniwala siyang gagaling siya..
Naniniwala siyang makakabalik siya sa piling ng lalaking mahal niya..
Dave will wait for her and they will continue their love...