Day 33
Pang limang araw na ng kasunduan nila ng mommy nya and she's living her life right now. Dave is always with her. Kahit saan ito magpunta ay lagi siyang usinasama nito and she hope everything will last forever but her forever is uncertain right now.
France
**************
" France you need to eat that " napanguso siya habang nakatingin na ng masama kay Dave. Kalong calling nito si Triton habang kumakain sila sa kusina.
Pinipilit nitong ipakain sa kanya ang okrang ayaw na ayaw niyang nakikita sa hapag.
" Dave I hate you " asar na diklara niya rito.
Tumawa naman ito at kinuha nalang ang okrang pinapakain nito sa kanya. Binalik nito ang okra sa plato nito.
" I know you don't hate me France you love me "
Napahinto siya sa pagkuha ng pagkain niya at napatitig kay Dave. Ramdam niya ang panunuyo sa lalamunan niya at ang pagbilis ng pagtibok ng puso niya. She need to calm her self. Huminga siya ng malalim at kumuha ng tubig. Mabilis niya itong ininom.
" Relax France bakit ka kinakabahan? You love me right because I'm your best friend " masayang pagpapatuloy pa nito.
Narinig pa niya ang mahinang pagtawa ni Triton. Napahinga nalang siya ng malalim at sinamaan ng tingin si Dave.
" Asar " mahinang sambit pa niya matapos niyang maubos ang isang basong tubig.
Nilapag niya ang baso sa lamesa at akmang tatayo na ng pigilan siya ni Dave.
" France " tawag nito sa pangalan niya pero hindi na niya ito nilingon. Kaylangan na niyang makaalis sa harapan nito bago pa ito makapagsalita ng kung ano ano. Hindi pwede sa kanya ang sumosobra sa emosyon.
" I need to rest Dave " mahinang sagot niya. Malapit na siya sa pintuan ng maramdaman niya ang paghawak nito sa palapulsuhan niya.
Napaharap siya rito.
Karga karga pa rin nito si Triton habang nakahawak naman ang isang kamay nito sa pulso niya.
" You want to go somewhere? " Maya maya ay tanong na nito.
" I'm tired " kunawari ay pagod na sagot niya pero sa loob loob niya ay gusto na niyang matatalon sa tuwa.
" Pumapayat ka France "
Mabilis na inalis niya ang kamay sa pagkakahawak nito. Ngumiti siya rito at umayos ng tayo sa harapan nito.
" Ganyan talaga Dave I need to maintain my figure " alanganing sagot pa niya rito.
Kunot noong napatango naman ito
" You need to eat more France, sumama ka sa amin no Triton may alam akong bagong kainan "
Napalingon naman siya sa batang buhat buhat nito. Napangiti pa siya ng ngumiti sa kanya ang bata at kitang kita ang malilit na ngipin nito sa harapan.
" Kaya tumataba si Triton kung ano ano ang pinapakain mo"
" He loves to eat right Triton manang mana sya sa mommy niya na walang ginawa kung hindi kumain " nawala ang ngiti niya ng banggitin ni Dave ang tungkol sa asawa nito.
Right bakit nga ba nawala sa isip niya. Nasa process palang ng annulment so Dave at may asawa pa rin ito.
" How's your wife Dave?" Lakas loob na tanong niya rito.
Gusto niyang subukan ang sinabi sa kanya ni Tita Matilda she want to know everything about that woman.
" She's happy " masayang sagot nito sa kanya.
" Sabi ni Tita Matilda nasa process ka daw ng annulment mo"
Napakunot naman ang noo nito.
" Annulment?" Takang tanong nito sa kanya.
" Yes, iyon ang sinabi sa akin ni Tita nuong unang araw ko dito "
" Right I forgot " alanganing sagot nito.
Siguro ayaw nitong pag-usapan ang tungkol sa kasal nito.
" I'm sorry kung naungkat ko " alanganing sambit pa niya.
Tumawa naman ito at umiling lang sa kanya.
" It's alright France mabuti para makabawi ka sumama ka nalang samin ni Triton, alam mo naman na gustong gusto ka nya "
" Sige tutal naman wala naman akong gagawin ngayong araw, magpapalit lang ako ng damit "
Tumango naman ito at hinayaan na siyang maglakad papunta sa kwarto niya. Pagpasok niya sa loob ay kaagad niyang nilock ang pinto.
Mabilis na dumeretso siya sa cabinet niya at kumuha ng damit mula roon.
Kinuha niya ang isang asul na t-shirt at maong na pantalon.
Pagkatapos ay dumeretso na siya sa banyo para magpalit ng damit.
Mabilis lang siyang nagayos at lumabas na ng kwarto. Pinakaayaw kasi ni Dave ang pinaghihintay ito kaya sa tuwing aalis sila noon ay nakasanayan na niya ang pag-aayos ng mabilis. Wala rin namang problema sa kanya dahil hindi naman siya mahilig mag-ayos kagaya ng ibang babae. Kaya niyang umalis ng bahay na walang kolorete sa mukha.
" Your done " masayang tanong nito.
Nakaupo na ito ngayon sa sala habang kandong kandong si Triton.
Nakangiting tumango siya at naglakad palapit rito.
Tumayo naman ito at nabigla pa siya ng hawakan ni Dave ang kamay niya.
" Dave " mahinang tawag niya sa pangalan nito.
" Sorry " hinging paumahin nito sabay bitaw sa kamay niya. Sabay nalang silang naglakad palabas ng bahay. Hanggang sa loob ng sasakyan ay walang nagaabalang magsalita sa kanilang dalawa.
Si Triton lang ang kanina pa tumatawa habang kandung kandong niya. Nilalaro nito ngayon ang suit suot niyang kwintas.
" Nasayo pa pala yan " maya maya ay tanong na sa kanya ni Dave.
" Oo naman Dave regalo mo sakin to remember "
Niregaluha siya ni Dave ng kwintas nuong huling anniversary nila.
" I thought you trow it away " malungkot na sambit nito.
" I will never do that Dave " never. Kahit na sa panaginip hindi ko kayang gawin yon Dave dahil ikaw ang buhay ko. Sayo ako kumakapit at sayo ako kumukuha ng lakas.
" Thank you France for keeping our memories " mahinang pasasalamat nito.
Magsasalit pa sana siya ng ipark na nito ang sasakyan. Napatingin siya sa labas at hindi niya maiwasang mapangiti ng mamukhaan kung nasan sila.
Minsan lang siyang dinala dito ni Dave nuong college days nila. Naalala pa niya nuong galit na galit si Harold at Elise dahil may exam daw ang mga ito pero s*******n silang isinama ni Dave.
Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at lumabas mula roon. Kaagad naman siyang sinalubong ni Dave kinuha nito si Triton mula sa kanya.
Napapikit nalang siya at ninamnam ang sariwang hangin na nalalanghap niya.
Sariwa pa sa ala-ala niya ang masasayang araw niya sa lugar na ito.
Ang bawat hampas ng alon. Ang masasayang tawanan nila at ang mga pangako ni Dave na binitiwan nito sa kanya sa mismong lugar na ito.
Ang mga pangako nitong alam niyang siya mismo ang nagbasura.
Day 33
Dinala siya ni Dave sa lugar na hindi niya inakalang mababalikan pa niya. Isa ang lugar na iyon sa gustong gusto niyang makita uli because it hold so much memories hindi lang sa kanilang dalawa ni Dave kundi pati na rin kay Harold at Elise. Pinuntahan din nila ni Dave ang restaurant na madalas nilang kainan and the taste of the food it's still the same nothing change and at that moment while there enjoying reminiscing the past she want to ask Dave. Gustong gusto nya itong tanungin kung bakit nito ginaw ang mga bagay na ito. Dinadala siya nito sa mga lugar na may ala-ala nilang dalawa. Sa mga lugar na naging saksi sa pagmamahalan nila. She want to ask Dave but she don't have that courage to do so...
France.