Day 29
Pangalawang araw na ng usapan nila ng mommy niya. Marami silang napagusapan ni Dave kahapon and it bring back the times na masaya pa ito sa piling niya and now she need to think something para maibalik niya ang babaeng mahal ni Dave. She really wish for his happiness gusto niyang maging masaya ito at iyon ang gagawin niya sa mga araw na nanatili siya sa bahay nito.
France
***********
" Where are you going?" Nagtatakang tanong niya sa binata.
Nakapustura kasi ito at may dala dalang outing rosas.
" You want to go with me?" Nakangiting tanong naman nito sa kanya.
" Saan?" Balik tanong niya rito.
" I want to visit Mrs. Crisanta naalala mo pa ba sya?"
Ngumiti siya rito at tumango. Sino na naman ang makakalimot sa teacher nilang pasaway noong highschool. Ito pa ang nagtuturo sa kanila noon tungkol sa mga kalokohan na dapat nilang gawin.
" Sure magpapalit lang ako ng damit " akmang babalik na sana siya sa kwarto niya ng pigilan siya no Dave.
" Ok na yan France " nakangiting sambit pa nito sa kanya.
Kinunutan naman niya ito ng noo at akmang magrereklamo ng bigla nalang siya nitong hatakin palabas ng pinto.
" Magpapalit ako Dave " pamimilit pa niya rito.
Tinaas naman nito ang kamay niyang hawak hawak nito.
" Pumayat ka " kunot noong sambit nito sa kanya.
Napasinghap naman siya at pinilit na ngumiti rito.
" Dave ganyan ang uso ngayon I need to look sexy " pagbibiro nya pa rito sabay kindat.
Umiling naman ito at binitawan ang kamay niya.
" Hold this " inabot nito ang hawak nitong punpon ng rosas sa kanya. Pagkatapos ay kinuha nito at cellphone nito at tinapat sa kanya.
" Smile France " masayang utos pa nito.
Ngumiti naman siya at inayos ang pose niya.
" Ok na "
Tumango naman ito at binalik na ang cellphone nito sa bulsa nito pagkatapos ay kinuha uli ang mga rosas sa kanya.
" Para saan ang picture?" Nagtatakang tanong niya rito.
" Mrs. Crisanta want to see you, sinabi ko kasing kasama kita " pagpapaliwanag nito sa kanya.
" Bakit hindi mo sya tinawagan mas maganda kung video call "
" Mas maganda kung personal France let's go " kinuha uli nito ang kamay niya at inalalayan siyang sumakay sa sasakyan na pumarada sa harapan nila.
Pinaupo siya ni Dave sa likod ng sasakyan habang ito naman ay tumabi sa driver sa harapan.
" Bakit hindi ikaw ang magdadrive Dave?" Takang tanong niya rito.
Alam kasi niyang gustong gusto nito ang pagmamaneho.
" I don't want to think about it France" malungkot na sagot nito sa kanya.
Tumango naman siya at pinili nalang na libangin ang sarili sa tanawin na nakikita niya sa labas ng bintana. Kahit papano ay nakaramdam siya ng sakit sa sinagot ni Dave. Sa unang pagkakataon may bagay itong ayaw ibahigi sa kanya. Ngayon ramdam na niya ang pagkalayo nito sa kanya. Siguro pinipilit lang no Dave na pakisamahan siya.
" France where here " napalingon siya kay Dave na nasa labas na ng sasakyan. Sa lalim ng iniisip niya hindi na niya namalayan na nakarating na pala sila.
Binuksan naman niya ang pinto at lumabas na rin.
Pagkalabas niya ay kaagad siyang sinalubong ng isang babaeng kilalang kilala niya. Kasing edad na ito ng mommy niya pero kitang kita pa rin ang ganda nito.
" France ija ang ganda ganda mo " masayang sambit pa nito sa kanya.
Pinaikot pa siya nito at pinakatitigan.
" Thank you Mrs. Crisanta "
" Hindi ka pa rin nagbabagong bata ka Mrs. Crisanta pa rin ang tawag nyo sa akin, halika pumasok na tayo sa loob"
Sabay silang naglakad papasok sa loob ng bahay habang nanatiling nakasunod lang sa kanilang dalawa si Dave.
Huminto sila sa sala at pinaupo siya sa isang sofa ni Mrs. Crisanta.
Nilibot naman niya ang paningin niya at napangiti siya sa nakita niyang nakadisplay na picture sa sala nito.
Picture iyon noong graduation nila at kasama nila roon ang anak ni Mrs. Crisanta si Elise.
" Nasan na po pala si Elise?" Nagtatakang tanong niya rito.
Napansin niya ang pagtingin ni Mrs. Crisanta kay Dave.
" Ma'am para po sa inyo " tumayo si Dave at inabot kay Mrs. Crisanta ang dala dala nitong bulaklak.
" Maraming salamat Dave "
" Nasan po si Elise?" Ulit niya sa tanong niya. Pakiramdam kasi niya y sinusubukan ng mga ito na iligaw ang usapan.
" Elise died months ago " malungkot na sagot sa kanya ni Mrs. Crisanta.
Nakatulalang napatitig nalang siya sa malungkot na mukha nito.
" I'm sorry " mabilis na hinging paumanhin niya. Alam niyang nalulungkot pa si Mrs. Crisanta sa pagkawala ng anak nito and Elise is a good child.
" It's ok France may iniwan naman siya sa amin bago siya umalis "
" Sorry po talaga hindi ko po alam "
" It's ok, hindi mo kasalanan gusto mo bang magmiryenda ipaghahanda ko kayo "
Akmang tatayo na ito ng mabilis niya itong pinigilan.
" Ok na po ako, Dave ikaw?" Baling niya sa binata na nanatiling nakamasid lang sa kanila.
" Ayos lang din po ako "
Umayos nalang uli ito ng pagkakaupo at humarap sa kanya.
" Masaya akong naisipan nyong dalawin ako, kaylan ang kasal nyo? Sigurado akong matutuwa ang anak ko kapag kinasal na kayong dalawa " biglang tanong nito sa kanilang dalawa ni Dave.
Naalala nya pa noon ng tuwang tuwa si Elise sa kanilang dalawa ni Dave dahil ang ganda daw ng love story nila and she also want to have that kind of love pero hindi niya inakala na wala na pala ang kaybigan. Ang dami talagang nabago sa loob ng tatlong taon.
" Wala na po kami ni Dave " nakangiting imporma niya rito.
Isang katotohan na kahit siya ay ayaw niyang tanggapin. He want to stay in Dave's life pero alam niyang wala na siyang karapatan at kahit na kaylan hinding hindi na niya mababalik ang sinayang niya and that's is the truth. The truth that she want to became a lie.
Day 29
Ngayon ko lang nalaman na wala na pala si Elise. Pareho kami ng sakit ni Elise at kagaya niya sinubukan din ni Elise na mamuhay ng normal at alam niyang sinubukan din ni Elise na lumaban at ngayon lalo niyang napatunayan na tama si Dr. Simon. Nang makita niya ang mukha ni Mrs. Crisanta ng tanungin niya ang tungkol kay Elise. Alam niyang sobra ang sakit na nararamdaman nito. Alam niyang nagluluksa pa rin ito at habang buhay pa rin itong magluluksa dahil walang makakapalit kay Elise. Walang makakapalit rito sa puso ni Mrs. Crisanta at habang buhay na nitong dadalhin ang sakit ng pagkawala ng anak.
France