MISHAEL "YASH! Wait up!" humihingal na tawag ko sa kanya pero wala itong lingon-likod na mabilis na naglakad palabas ng bar. Nang makita kong papunta ito sa kotse nya ay mas lalo akong nataranta. Ang sakit na ng paa ko dahil sa heels ko pero mas binilisan ko pa ang pagtakbo. "Yaci! Wait, please!" malakas pa rin na sigaw ko. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao sa labas. Si Yaci rin ay walang pakialam na sumakay sa kotse nya pero maagap pa rin ako dahil naabutan ko ito at nakasakay ako sa kotse nya. "What the hell are you doing?" sigaw nya sa akin. Dahil naghahabol pa akong ng hininga ay hindi ko ito agad nasagot. "Get out!" muling sigaw nya. Damn, hindi pa rin bumabalik yung hininga ko. Hinihingal ako ng malala. "Bingi ka ba? I said, get out!" Aray, ang sakit sa ten

