MISHAEL
TYAGA at pasensya ang inabot ko sa paghuling muli sa puso ng babaeng aking pinakamamahal. I promised her, again, that I will do everything for her to take me back. Not just friends, but as the love of her life.
Alam kong mahirap pero I need to face the consequences when I left her without even saying a proper goodbye or explanation kung bakit nga ba biglaan akong nawala na parang bula. Inabot pa ng sampung taon bago ko magawa ang lahat ng yun. Karuwagan, ‘di ba?
Anyway, past is past. I need to move on at bumawi sa present na Yaci.
"Hale?" Tawag sa akin ni Kit, na nakapagbalik sa diwa ko. Nakatayo ito sa pintuan ng aking opisina. Tinignan ko lamang sya. "Nandito na si Mr. Duran."
"Let him in. Thanks, Kit," ang sinabi ko. Tumango lamang si Kit.
Maya-maya nga ay pumasok ang hindi naman masyadong katandaan na si Mr. Duran. Isa ito sa mga bagong kliyente ko.
We greet each other at pinag-usapan na ang kaso nya. Sangkot ito sa isang libel case. Isa itong politician, a vice governor to be exact. So much for that, I can't disclose any further information.
Nabusy na ulit ang utak ko dahil sa trabaho at saglit na nakalimutan ang tungkol kay Yaci.
Pagkatapos ng meeting namin ni Mr. Duran ay sunod-sunod na rin ang mga paperworks at pag-aaral ko sa kaso nito. Another client came in, kaya buong araw akong naging busy but I did not forget to text Yaci and remind her to eat every meal time. Kahit alam kong hindi naman nya papansinin ang mga text or calls ko minsan. Bahala na. I will still make her feel that I'm always here. Baka maunahan pa ako ng iba.
Though I know the real deal between Yaci and Paula, hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-isip ng advance dahil let's admit the fact na mas matagal silang nagkasama at matagal akong nawala. So, I missed all the fun and tears sa buhay ni Yaci.
Napabuntong hininga ako sa naisip ko. Nabitawan ko tuloy ang ballpen na hawak ko na bumagsak lang naman sa umbok ng files na pinag-aaralan ko. Napaupo ako ng maayos at napatingin sa ballpen.
Nang dahil sa ballpen na yun, may napagtanto ako.
"Para rin pa lang ballpen ang puso ko. Kung walang humahawak ng matino, hindi nakakapagsulat o nagagamit ng maayos." Napangiti ako. Kinakausap ko na naman ang sarili ko. "Gaya ng ballpen, hindi rin titino ang puso ko kung walang humahawak ng maayos. Iisang tao lang naman ang pwedeng humawak ng puso ko ng maayos. Si Yaci lang."
Cheesy. Pwe! Kontra ng isipan ko.
"Oo nga," sagot ko sa sarili ko at nangilabot ako ng saglit sa aking ginawa. "Hay, makapagtrabaho na nga lang ulit," ika ko, sabay dampot ulit ng ballpen at nagsimulang magpakalunod sa pag-aaral ko sa aking bagong kaso.
Hapon na rin ng matapos ako sa aking ginagawa. Hindi ko pa mamamalayan na hapon na pala kung hindi ako niremind ni Kit. Nagkukumahog akong nagligpit dahil gusto kong makita si Yaci. Ilang araw ko rin kasi syang binigyan ng space pero patuloy pa rin ako sa pagpapadala ng flowers and chocolates. But this time, hindi ko na sya kayang hindi masilayan.
I tried to call her and text her many times pero wala akong nahitang sagot mula sa kanya. Alam kong iniiwasan nya ako pero I promised her that I will win her back. Kaya kahit masakit man ang mga pambabalewala nya sa akin, na wala naman akong dapat ireklamo dahil alam kong mas nasaktan sya sa ginawa ko noon, pupuntahan ko sya at kakapalan ang mukha ko. Aayain ko syang lumabas at susuyuin ng mabuti. Bahala na.
Nag-aayos na ako ng aking gamit para umalis ng marinig kong bumakas ang pinto ng aking opisina, revealing her highness, Dorothy Aquino.
"Attorney, what I can I do for you?" Natigil ako sa pagliligpit. Nanatili akong nakaupo sa aking swivel chair.
She flashed that creepy smile. Don't get me wrong, Dorothy Aquino is a gorgeous, career driven woman. She is a good catch. But in my case, I have the person that I'm going to love till eternity.
Bakit ko ba sinasabi 'to? May gusto ba si Atty. Aquino sa akin?
The answer is, yes. Wala na itong ginawa, simula ng pumasok ako sa Magiting-Puno Law Firm, kundi ang landiin ako. I just find it so scary kasi boss ko sya, number one reason yun. Number two, may Yaci na ako. I told her that pero hindi pa rin sya tumitigil sa kakalandi sa akin.
"Well, you can help me by going out with me tonight," ayan na naman ang sagot nyang yan. Nakasandal pa rin ito sa pinto ko, crossing her legs to show her toned sexy legs.
Kung nasa Brazil pa siguro ako, hindi ko palalampasin ang ganitong pagkakataon. Look at her. Look at Dorothy Aquino. She's so... hot. Hot talaga, man. But I have to focus because Yaci is the main reason why I am back here in the country.
Lumunok muna ako bago sumagot. I have really changed. I love Yaci so much na kahit binabalewala nya na naman ako'y heto at nagpapakaloyal pa rin ako sa kanya.
Kasalanan mo rin naman kasi kung bakit ganyan ang trato nya sa'yo! I know, brain. I know.
"Uhh, I love to but---"
"Wait, you love me now? Ang bilis mo naman." Her creepy smile is taunting me. I just said that it's creepy but it's actually sexy. Kung hindi lang talaga kita mahal Yaci. Naku. "Joke lang," sabi nya ng makitang tumahimik ako. "Know what, loosen up a bit. Kalimutan mo muna yung nililigawan mo. Sama ka sa akin, party tayo." Lumapit ito at umupo sa silya na nasa harap ng table ko. She's eye raping me again. Ghad! My pervert boss.
"Hmm, I have never expected you as a party person." Easy, pal. Easy. Ilang months na nga ba akong walang s*x? Wait, ano bang iniisip ko?
"I am. I'm the life of the party," seductive na sagot nya.
May siren na tumutunog sa aking isipan.
"Sounds great but I'm sorry, I really can't go with you today. I have a date with her." Saglit kong nakitaan ng disappointment ang magandang mukha nito pero saglit lang talaga and she's all smile again.
"It's okay. She can have you today." Tsaka ito tumayo at inayos ang skirt na medyo tumaas. Ang taksil kong mga mata ay hindi napigilang mapatingin sa mayaman nyang umbok sa baba na nahalata nung tumaas ng konti ang skirt nya. Agad kong binawi ang aking tingin at kunwaring may hinahanap sa drawer ko. Hindi ko alam kung nahuli nya akong nakatingin. Ang panalangin ko na lamang ay sana naman ay hindi. Nakakahiya ako.
"I'm going then. But if you change your mind," Napapitlag ako dahil hindi ko namalayan na nasa side ko na pala sya at bumubulong sa aking tenga. "Call me." tsaka nya hinipan ang tenga ko na nagbigay sa akin ng goosebumps. Nakaalis na ito tsaka ko naisipang lumunok. Damn.
Dali-dali na akong umalis baka maisipan pa ni Dorothy na bumalik at tuksuhin ako.
Ang ganda mo rin 'no? Alam ko, brain.
I was in my way out ng makasalubong ko si Kit. Nagulat pa ito ng muntik na kaming magkabanggan.
"Alis ka na?" she asked.
"Yeah. I need to go," I told her.
"O-okay. Ingat ka." Tumango lamang ako at lalampas na sana sa kanya but she moved in the way where I'm going to walk. Hanggang sa isang minuto siguro kaming parang nagpatentero at tuluyan akong nakaalis sa opisina.
Nakahinga lamang ako ng maluwag ng nasa kotse na ako. Tumawa ako na parang baliw. Tinatawanan ko ang aking sarili. Ano nga ba ang nangyayari? Ewan. Makipagkita na nga kay Yaci para hindi maging weird ang araw na 'to.
I drove off to TMS. Excited na makita si Yaci but that excitement filled with jealousy when I saw Yaci and Paula, naghahabulan na parang bata, at sumakay sa sasakyan ni Paula. Ouch, man. Ouch.
Hindi pa nga ako nakakapark ng maayos at yun agad ang nakita ko. I was stunned for a moment and I don't know what to do. Ang sakit. Sabi nya kaibigan nya lang si Paula pero hindi ko pa rin mapigilang magselos. But I brushed it off. I called Yaci.
It took a lot of rings bago nya sinagot. Pinilit kong maging masaya ang aking boses of course. Kahit na nasasaktan pa rin ako.
"Yes?"
"H-hi. Mabuti sumagot ka. Hmm, anyway, I wanted to ask you if you're free this evening? Dinner sana tayo?"
"Uh, I can't," I heard Paula giggling on the other side. "I'm busy."
"Well, uh, let's order food na lang. I wanna be with you, Yash. I miss you so bad." That took Yaci to answer long enough. "Yash?"
"I really can't. I'm really busy. I have to go."
"O-okay. I lo---"
Toot, toot, toot.
Buntong hininga. Naiiyak na ako pero hindi ako susuko. I love Yaci. She's going to take me back.
Tumambay pa ako ng ilang minuto sa parking ng TMS ng tumunog ang cell phone ko. I answered it.
"Ayala, do you still have the file of Mrs. Pineda?" si Dorothy.
"Yes, Atty. Aquino. I still have it."
"Good. I need it in the morning, okay?"
"I'll let Kit know and send it to you."
"Okay. Have a great night."
"Wait, uh--- the--- The invitation earlier?"
"What about it?"
"Can I come? I mean, to the party."
"Of course you can. Meet me at this place," ssaka nya sinend ang address. "I'll see you, Ayala," then our conversation ended. I know this is not a good idea but I can use some chill tonight.
I went to the bar where Dorothy asked me to go. Sinabi ko lang sa bouncer ang pangalan ni Dorothy and pinakita ang ID ko ay agad na akong pinapasok. Pleasure Bar is really for pleasure dahil napakaganda at laki pala nito sa loob.
Hindi naman ako nahirapang makita si Dorothy dahil sinabihan na nya ako kung saan ko sya pupuntahan. Tinago ko na lamang ang tawa ko ng makitang dalawang chicks pa, magkabilaan sa mga braso nya, ang nilalandi nya. Iba rin 'tong si Dorothy.
Nasa isang cubicle kami na medyo malayo sa crowd. A perfect place to do your thing. You know what I mean.
"There she is! My favorite lawyer," sabi nya ng mapansin nyang nakatayo na ako doon. Medyo lasing na ata si Dorothy. Nakatingin na silang tatlo sa akin. I think this will be fun. "Sit down, Ayala."
I did what I was told. The waiter came in and I ordered for my drinks. Mabilis lang dumating ang order ko and I found myself drowning in alcohol. Ang sakit pa rin.
"Do you want any of my girls, Ayala?" maya-maya ay tanong ni Dorothy. Napansin nya rin ako pagkatapos nyang pakitaan ng landian nila ng dalaw pa nyang chick. Nung una, hindi ako apektado. But looking at these sexy girls, and I haven't had s*x for I don't know how long, plus the alcohol kicking in, I'm f*****g warm.
"No, thanks," I declined. For the nth time.
"How about me instead?" Ayan na naman po sya. Mas bold na ngayon ang lasing na Dorothy. I just snickered then drink up. Yun yata yung queue ni Dorothy kaya pinaalis nya ang mga chicks nya.
"Leave us." Mabilis naman umalis ang mga ito. Tsaka ito lumapit sa akin na muntikan pang masubsob sa upuan. She's drunk. "Oops, why in the world the place is shaking? Is there an earthquake?"
Lasing na nga si Dorothy. Inalalayan ko pa ito ng malapit na sya sa akin dahil mabubuwal na naman sya.
She flirted. All through the night with me but I have fought all the temptation. If Yaci would be here, she will be proud of me kasi nalabanan ko ang lahat ng tuksong inihain ni Dorothy. If I'm not inlove with Yaci, papatusin ko talaga 'tong si Dorothy. But I love Yaci. I love her so much that I can't cheat on her kahit na wala pang kami.
"Let's dance," ang sabi ko kay Dorothy. Imbes na mag-enjoy ako tonight ay parang naging yaya na tuloy ako ng lasing na babaeng 'to. Hindi ko naman sya pwedeng hayaan. She's still my boss.
"Oh, now you wanna dance with me. I like that," sabi ng lasing na boss ko. "Let's go!" At nauna na itong tumayo, hila ang isa kong kamay. Umaalalay lang din ako dito. Honestly, natamaan na rin ako ng alak. Hindi ko namalayang naparami na pala ako ng inom.
We are at the dance floor. Kunwari reserved pa akong sumasayaw na napakaalive na hinahain ng DJ pero katagalan ay nagloosen up na ako. Si Dorothy? Hala, party person nga ito. Sayaw lasing pero she still looks sexy na nagpahirap sa akin dahil lapitin sya lalo ng mga manyak na lalake at babae.
Nakapagpahinga lang ako ng magkaroon ng slow music. Isang makalumang tagalog song about heartbreak. Perfect. Just perfect.
"Hug me, Ayala. Dance with me slowly," sabi pa ni Dorothy at nakakapit na itong parang tuko. Nakasandal pa ang ulo nito sa aking mga balikat. Yeah, mas matangkad ako sa kanya.
"Bakit kung sino pa, ang syang marunong magmahal, ang syang madalas maiwan, nang di alam ang dahilan..."
Sinabayan pa yun ng kanta ni Dorothy. Natawa ako kasi hindi ko maimagine na alam ni Dorothy ang kantang yun.
Alam mo rin naman, ah? Tumigil ka nga, brain.
Muntikan uling mabuwal si Dorothy ng mabangga sya ng isang lalakeng nakikipagsayaw sa bote nya. Lasing na rin ata ito. Humingi naman ito ng tawad ng paulit-ulit. Lasing nga.
"You know what, I'll take you home," ang sabi ko kay Dorothy.
"No. I wanna dance with you pa." Mas lalo pa itong pinulupot ang kamay sa aking leeg. Ang nagagawa nga naman paglango sa alak.
Ilang beses kong kinausap si Dorothy pero every time na inaaya ko syang umuwi, mas hinihigpitan lang nito ang yakap sa akin. I'm afraid that she's gonna fall kaya hinayaan ko na lamang ito. Baka bukas sa opisina ay pagalitan pa ako dahil pinabayaan ko sya. Baka magkaroon pa ito ng mga gasgas at pasa na sa sobrang kalasingan nito at papagalitan ako dahil hindi ko sya inalalayan ng maayos.
"Hale?" I heard my name kaya ako napalingon. Then I saw that familiar face but more mature and handsome now.
"Crisco "Coco" Lopez," I said ng makilala ko ito.
"Yes, it's me, Mishael "Hale" Ayala," he said. I am really happy to see him. I would really love to hug him but I have a Koala Bear with me right now.
"How are you? You're back. Wow." At pinagmasdan nya akong mabuti.
"Yeah. I actually was gonna call but I've been caught up. Oops..." ang nasabi ko kasi muntik na akong matumba dahil sa biglaang pagbigat ng kasama ko. Nakatulog na ata si Dorothy.
"Oh, lasing na lasing ang jowa mo ha," he said.
"Jowa?" Then he looked at Dorothy. "Ah, no. She's not. She's my boss at sinamahan ko lang uminom."
"Ooh... she's hot," he commented. Ngumiti lang ako ng pahapyaw. Too hot. I wanted to say pero buti na lang hindi ko sinabi yun. "Well, it's nice seeing you, Hale. Invite sana kita to have more shots with us nila Yaci pero mukhang busy k---"
"What?" Ano daw? "Yaci's here?" Kinabahan ako. Sheyt!
"Yeah," he answered."She's over there." At tinuro nito ang bar counter kung saan nakatingin nga si Yaci sa akin. Not only tingin, she's throwing daggers on me now while drinking her shot. She took one more shot at bigla itong umalis sa kinatatayuan. Damn!
"Please hold her." Bastang inabot ko na lamang si Dorothy kay Coco at determinadong sundan si Yaci. Nawala ata kalasingan ko ng makita ang nagbabaga nitong mga mata. She's jealous, right? That's a good sign, right?
"Teka, anong gagawin ko sa kanya, Hale?" narinig ko pang tanong ni Coco.
"Bahala ka na. Iuwi mo," ang sagot ko tsaka ko sinundan si Yaci.
I'm doomed, I know. But if she's looking at me like that, that means she still cares for me. She's still jealous. And yes, that's a good sign.