Trisha Forget it." sabi ni Kevin na parang galit. "Halos mabaliw ako nang ipakita ko iyon sa iyo pero di mo pala nakuha." Umangat ang kilay niya sa tinuran nito. Sana kung may gusto itong sabihin, dapat dinerekta na lang siya. Hindi siya magaling manghula o magaling magdecode. Decode. Decode. Umalingawngaw sa isip niya ang salitang iyon at may pumitik sa utak niya. ILU means I like you Or I love you? Kinilabutan siya sa naisip. "O bakit namumutla ka Trisha?"sita sa kanya ni Vanna. Katapat lang nila ito ng upuan kaya mapapansin ang itsura niya kung titingnan siya nito. "Excuse me."sabi niya bago tinungga ang baso ng tubig ni Vanna na nasa harap nito. Nahihirapan siyang huminga. Nahihirapan siyang idigest ang sinabi sa kanya ni Kevin. Ang bigat naman kasi ng katapat ng mga sali

