Trisha Maraming bagay talaga siyang hindi naiintindihan. At anumang mayroon sa kanila ngayon ni Kevin ay isang napakalabong bagay. Hindi niya naiintindihan si Kevin. Walang linaw ang intensyon nito sa kanya. Kaya lalo siyang naguguluhan. Ano nga ba ang ipinaparating nito? Sinulyapan niya ang kinaroroonan nina Kevin at Jasmin. Magkatabing nakaupo ang dalawa habang nasa tapat sina Vanna at Tina. Naglalaro ng scrabble ang mga ito. Ramdam niyang sinasadya ni Vanna na huwag siyang isali sa mga laro. Wala naman siyang pakialam. Mas gusto niyang nag-iisa. Nagtawanan sila Jasmin nang matalo ulit si Kevin. Pang-ilang beses na ba? Tatlo, apat o panglima? May parusa ang talo. Pipitikin ang nakatikom na kamao ng tigsasampu. Very Childish. Humihiyaw si Kevin kada pitik ni Tina. Malalakas ang

