Trisha Masama and gising niya. Halos madaling araw na siya nakatulog dahil sa kakaisip kay Kevin at sa kalokohan nito. May bilog siyang kulay itim sa ilalim ng mga mata niya dahil sa puyat. Nadatnan niya si Kevin sa salas na may kausap sa cellphone. Narinig niyang binanggit nito ang salitang 'mom' kaya hinablot niya dito ang cellphone. "Mommy?"paniniguro niya na ang Ina ang nasa kabilang linya. Tumalikod siya kay Kevin nang tangkain nitong agawin ang cellphone na hawak niya na ngayon. Magkamatayan na ngunit hindi niya basta iyon ibabalik dito hanggat di niya nakakausap ang mommy nila. "Trisha?" Lumawak ang kakaiba niyang ngiti ng makilala ang tinig nang ina. "Mom, gusto ko nang bumalik ng Manila." demand niya. Wala siyang dalang pera maliban sa pocket money niyang 250 pesos na big

