Trisha "Hindi ko siya mapapatawad dahil binastos niya si Trish."ani Kevin na tumatahip ang dibdib. Nasopresa siya sa sinabi ni Kevin maging si Diego. Tiningnan siya ni Diego pero iniiwas niya ang mukha dito. "Bakit ako?"hingi niya ng paliwanag kay Kevin. Kalmado na ito kahit madilim ang mukha. "Itinuro ka niya habang hinahamon ako."anito. Hinubad nito ang suot na jersey at isinampay sa balikat. "At nagpaapekto ka naman? Alam niya sigurong kapatid mo ako at para sirain ang diskarte mo sa laro dahil alam niyang matatalo na sila kaya niya sinabi iyon! Stupid! Inaasar ka lang, pinatulan mo naman."pagalit niya kay Kevin. Napayupi siya nang tingnan siya ng masama ni Kevin. "You're my girl Trish, at anong ini- expect mo, manahimik ako habang sinasabi niya ang perverted thoughts niya patungk

