Trisha Ngayon lang siya nakarating sa basketball court na malapit sa bahay nila Jasmin. Mukhang inaabangan ang laro dahil maraming miron. Napansin niyang madaming kadalagahan ang naroroon at kanya-kanyang tingin sa mga mukha ng mga lalaking player. Tulad ni Jasmin, maganda din ang mukha ng 2 kuya nito. Gwapo at matatangkad. Pero nataob ang mga ito ng tumabi kay Kevin. Kaya ang mga kadalagahan ay panay ang pa-cute kay Kevin dahil ito ang pinakagwapo sa lahat ng player. Nagpa-condition muna ang lahat ng manlalaro sa pamamagitan ng stretching habang pinapanood ng lahat ng miron. Nang matapos ang conditioning ay isa-isa nang tinawag ng tumatayong announcer ang pangalan ng mga players. Nauna ang kalabang team tawagin. "Hey Trish,"ani sa kanya ni Kevin ng bigla itong sumulpot sa harapan n

