bc

What Went Wrong

book_age16+
61
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
independent
decisive
sweet
mxb
lighthearted
city
office/work place
office lady
passionate
like
intro-logo
Blurb

Toni doesn't believe in insta-love. Pero yun ang nangyari nang makilala nya si Matt. From being the arrogant guy she hated, he becomes the most important person in her life. But as reality hits, so do conflicts. Magtatagal nga ba ang relasyon na nagsimula sa insta-love?

chap-preview
Free preview
Simula (Pagbabalik)
If not for my very insistent friend, I wouldn't be here. Sino ba namang gugustuhing bumalik sa isang lugar na ang daming pangit na alaala? Plus, it took me almost 13 hours to arrive to this island. The traveling time wasn't that bad, pero sobrang uncomfortable matulog sa sasakyan. If only I was able to book a flight, edi sana di ko na kailangan magsumiksik sa masikip na bus. I look around. Marami na nagbago mula nang huli akong umuwi. How long has it been? 10 years? 11? Tagal na rin. Pumara ako ng habal-habal driver at agad na sinakay ang mga bitbit ko. My grandma's house isn't far from here pero dahil ang tagal kong nakaupo sa byahe, pakiramdam ko pagod na pagod ako. They don't even know na uuwi ako ngayon. I only told my Tita Beth. Biglaan kasi ang uwi ko. I came back after a long time just to attend a reunion. I studied here when I was a high school sophomore. Actually, itinapon ako dito. I was quite a headache to my mom before, so she decided to send me here- to my father's side. Baka raw magtino ako. My mom and dad separated when I was just 5. Mula noon, naging complicated na lahat para sa'kin. I was always torn between them growing up. I didn't want to choose sides and no one actually asked me to. It just felt that way. Eventually, I ended up spending my adolescent years with my relatives. My younger brother has always been a mama's boy. Not the spoiled type, though. He just grew up with our mom, so mas malapit loob nya dito. Huminto ang habal-habal sa tapat ng pulang gate. Dating blue ang kulay nito. Di na ako nagtaka na pati itong bahay ay nagbago na rin. Agad akong sinalubong ni Tita Beth kasama si Lola Mary. "Tonya!" Salubong ni lola sa'kin. Ewan ko ba bakit Tonya tawag nya sa'kin samantalang Toni ang palayaw ko. Napangiti ako. "Akala ko pa naman masusurprise si lola." Humalik ako sa pisngi nya. "Lola, Toni po," nangingiting pagtatama ko pero alam kong tatawagin nya pa rin ako sa gusto nya. "Alam mo namang ang hirap magtago ng sikreto sa kanila," natatawang sabi ni Tita Beth. "Kumusta ang byahe?" "Medyo nakakapagod but I missed the smell of the ocean, so okay na rin," nakangiting sagot ko. Tinulungan nya akong dalhin ang bagahe ko papasok ng bahay. "Si Lolo Ben?" Tanong ko nang makita kong wala si lolo sa bahay. "Nasa bukid. Kukuha raw ng buko para sa'yo. Nasabi ko rin kasi na darating ka," natatawang sagot ni tita Beth. Si lolo talaga! Alam na alam ang gusto ko. "Hinanda ko na yung kwarto mo. Magpahinga ka muna," sabi ni lola. Umiling ako. "May kailangan akong kitain lola eh," sagot ko. "Agad-agad?" Si Tita Beth. Tumango ako. One week lang kasi ako maglalagi doon. Kailangan ko agad bumalik ng Manila dahil sa trabaho. I work as an HR Supervisor sa isang multinational company. I can only afford to be away for a week. Pumunta lang ako ng kwarto para magpalit ng damit at saka lumabas ulit. "Tita, bukas pa rin ba yung auditorium?" "Oo. Gusto mo ihatid kita?" "Wag na 'ta. Maghahabal na lang ulit ako," sagot ko. Tinext ko si Rina, dati kong classmate at punong-abala sa reunion namin. Sinabi ko na papunta na ako ng auditorium. Ano na kayang itsura ng lugar na yun? Some of my most memorable moments here happened there. Pagbaba ko ng habal, napansin ko yung tingin ng mga taong nandun sa akin. Malamang kinikilala nila ako. Maski ako, kinikilala ko sila. Maliit lang ang bayan na yun kaya halos magkakakilala ang mga tao. Pumasok ako sa loob at naupo sa bench nang may napansin akong grupo na pumasok at palapit sa direksyon ko. "Toni?" Tanong nung babaeng nakapulang T-shirt. Agad ko syang nakilala. "Rina!" Nakangiting bati ko. Sya ang nagpumilit sa akin na umattend sa reunion dahil raw ang tagal na mula nang huli kaming nagkita-kita at ako lang ang hindi na ulit nagpakita sa kanila. "Ang ganda mo!" nakatulalang sabi nya. "Ano ba 'yan! Nahiya naman ako bigla!" Sagot ko. I was kinda expecting that reaction from them. Ang laki rin kasi talaga ng iniba ng itsura ko. Maitim, payat at tighiyawatin ako noon. Kaya nga siguro di ako nagustuhan ni Andrew noon, my first love. I was an ugly duckling then. Now I can say I became somewhat of a swan. I've gotten fairer and fit. Wala na rin ang mga sumpa sa mukha ko. "Natatandaan mo pa ba kami?" Tanong naman ng nakayellow na damit. Tinitigan ko silang maigi dahil ayaw kong mapahiya. "Oo naman! Monique, Cherry, Lino, and Kevin," isa-isang turo ko sa kanila. Napangiti sila. Pumasok kami sa kwarto sa tabi ng auditorium at doon nagplano. Apparently, dito sa auditorium gaganapin ang reunion. Meron nang sapat na budget at kailangan na lang logistic work. They assigned me on the decorations dahil daw laking Manila ako which is not very relevant pero hinayaan ko na lang. Rina gave me the budget for the decorations. Sasamahan naman ako ni Cherry na mamili bukas ng mga gagamitin. Imbes na umuwi after our meeting, I decided to tour myself around and familiarize myself with the new environment. Plus, I'm also liking the stares and glances I'm getting from the people I passed by. Para akong artista dahil sa mga tingin nila. I was walking akong the paved road nang mapansin ko ang lalaking nakatayo sa tapat ng tindahan malapit sa nilalakaran ko. I can't be wrong. It's him. It's Andrew! My first love! He still looks dreamy. Back then, he was the campus heartthrob. He's two years older than us at lahat ng babae nagkakagusto sa kanya, including me. I won't deny it, I was head over heels for him before. I did everything I could back then para mapansin nya but nothing happened. I remained as one of the girls who admired him from afar. He knows my existence, though. He also knew that I liked him. Paano bang hindi eh yung second cousin ko ay pinsang buo nya. At minsan kong naikwento sa pinsan nya na pinsan ko rin na gusto ko sya. Pero dahil nga pangit at wala pa akong kaalam-alam noon sa pagpapaganda, he didn't like me. He probably felt the weight of my stare dahil napalingon sya sa direksyon ko. Tumalikod ako at saka dali-daling lumakad pabalik. Di pa ako handang makaharap sya. Mabilis akong pumara ng habal para umuwi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook