MAGHAPONG nakahilata sa kama si Lalyn. Naiwan itong mag-isa sa unit dahil kailangang pumasok ni Edward sa trabaho. Ipinagluto naman siya ni Edward ng makakain sa maghapon. Iinitin na lang niya sa oven kapag kakain na siya. Binilin din ito ni Edward na magpahinga na muna. Malinis naman ang unit nila at walang labahin kaya sumunod na lamang ito. Isa pa, ang magaling niyang asawa ang dahilan kaya nanghihina siya at hindi makalakad ng maayos. Itinuloy na lamang niya ang isinusulat niyang story. Natutuwa ito dahil kahit baguhan siya ay may mga nag-follow na sa kanya at nagbabasa sa story niya. Nae-excite ito at masayang binabasa ang mga komento ng kanyang mga reader na nag-aabang sa ginagawa niyang story. Ang iba at pinupuri ang akda nito. Nae-excite sa mga magaganap sa dalawang main characte

