NAGPATULOY ang masayang pagsasama nila Lalyn at Edward sa paglipas ng mga araw. Sa iisang silid na rin sila natutulog. Maging ang mga damit ni Lalyn ay si Edward mismo ang nagdala sa silid niya ng mga iyon. Hindi rin maiwasang may mamagitan sa kanila palagi. Umaga man o gabi. Kapag nasa trabaho si Edward, panay ang tawag nito sa asawa. Kinakausap si Lalyn habang may ginagawa ito. Palagi niyang pinapaalalahan ang asawa na hwag magpapagod sa unit dahil ilalaan daw ni Lalyn ang lakas niya para sa sagupaan nila pag-uwi nito. Unti-unting nakakasanayan na rin ni Lalyn ang kakulitan ng asawa. Nasasanayan na rin niya ito sa mga dirty jokes nito at kung ang tatag ng mga tuhod nito pagdating sa kama. Naging mas open up ang dalawa sa isa't-isa. Palagi silang nagkukwentuhan ng mga nangyari sa kani

