NANGINGITING nakikinig si Lalyn sa maingay na kwentuhan, asaran at tawanan ng apat na magkakaibigan sa sala nila. Nang hindi kasi magtagumpay si Edward na palayasin ang tatlo, inihatid na nito si Lalyn sa silid nila at hinatiran na lamang ng pagkain. Magkasalo silang dalawa sa silid at walang kasabay si Lalyn na kumain. Naiiling naman ang tatlong kaibigan nito na napaka-possesive ng kaibigan nila sa asawa niya. Alam kasi nitong kukulitin lang ng tatlo si Lalyn at baka kung ano-ano pa ang sabihin dito. Nagsisimula pa lang siyang magpa-cute sa asawa pero baka sirain na kaagad ng tatlo ang pagpapa-cute niya. Lalo na't nandidito si Russel na pinagseselosan nito. Kaya gan'on na lamang kung makabakod sa asawa. Matapos nilang kumain, kaagad na itong nag-shower at bihis ng pambahay bago lumabas

