MABILIS lumipas ang mga araw. Naging magkasundo din sina Lalyn at Edward sa mahigit isang linggo nilang pananatili sa Japan. Hanggang sa nakabalik na sila ng Pilipinas. Tumuloy ang mga ito sa condo ni Edward. Mag-isa lang dito ang binata dahil nasa poder na ni Luke na kaibigan at stepfather niya ang ina at nakababatang kapatid nitong si Matteo. "Siya nga pala, Edward. Okay lang namang mag-sideline ako ng trabaho online 'di ba? Hwag kang mag-alala. Sisiguraduhin kong malinis muna ang buong unit at wala na akong gagawin bago sumideline online." Pagbibigay alam ni Lalyn dito na nangunotnoo. "Bakit? Hindi ba sapat ang fifty thousand monthly mo para sumideline ka pa?" nagtatakang tanong ni Edward habang inaayos ang butones ng uniform nito. Papasok na kasi ito sa trabaho kaya maiiwan si La

