PARANG binuhusan ng malamig na tubig si Edward sa narinig! Tiyak na malalaman ni Lalyn na may gumalaw sa kanya sa oras na magtungo sila sa doctor! "A-ano ka ba? Mabigat na accusations ang sinasabi mo. May ebidensya ka bang si--si Russel ang humalay sa'yo?" wika ni Edward na nautal pa ang boses. Napasapo sa ulo si Lalyn na kita ang halo-halong emosyon sa mga mata nito. Nanghihinang napaupo ng silya na nakatulala at nakalarawan ang kakaibang lungkot at takot sa mga mata nito. "A-alam ko naman iyon. Kaya nga gusto kong magpa-check-up e. Para malaman ko kung anong dahilan na dalawang beses nang namaga ang kaselanan ko. Tandang tanda ko pa, sobrang kirot nito noong nasa Japan tayo. Na parang hiniwa sa loob niya. Ni hindi nga ako makalakad ng maayos no'n, 'di ba? Inalagaan mo pa nga ako e.

