NAGNGINGITNGIT ang mga ngipin ni Edward sa sobrang inis nito sa kanyang lolo! Kung hindi lang party ng kanyang ina kanina, nasagot na niya ito ng pabalang! Kaya lumalayo ang loob niya sa matanda dahil hanggang ngayon ay gusto pa rin nitong kontrolin ang buhay niya. Kung anong mga dapat niyang gawin sa buhay. Ang profession nito na palaging panakot ng lolo niya na alisin siya sa serbisyo. At ngayon naman pati buhay pag-aasawa niya! Pinagbigyan niya na nga ito na sa kagustuhan nitong magpakasal na siya at bigyan ang matanda ng apo. Pero heto at kung kailan masaya na siya sa babaeng pinili niyang pakasalan, manggugulo na naman ang matanda sa kanilang masayang pagsasama. Naiinis ito dahil kahit lumalayo na nga siya sa kanyang lolo, nakasubaybay pa rin ito sa kanya at hinihintay siyang mag

