I moved along the corridor like I was running for my life. Walang patid sa pagtulo ang mga luha ko habang papasok ako sa loob ng elevator. Mabuti na lang at wala akong ibang kasakay.
I gritted my teeth. Pinaghalong galit at pagkadismaya ang nararamdaman ko ngayon.
Labis na pagkadismaya sa lalaking pinagkatiwalaan ko sa loob ng limang taon! Sa kabila noon ay nag-uumapaw rin ang galit ko sa ginawa niyang pagtataksil sa akin.
Huwag lang siyang magkakamaling sundan ako dahil babasagin ko talaga nang tuluyan ang pag-aari niya!
Laking pasalamat ko nang mabilis naman akong nakababa sa basement parking. Habang binubuksan ko na ang pinto ng aking kotse ay tumunog ang cellphone ko na nasa loob ng aking shoulder bag.
My anger aggravated when I saw that as$hole name appeared on the caller ID.
Sweetheart
Calling...
Tang!na niya!
Umagos na naman ang masagana kong mga luha. Sa tuwing naririnig ko ang tunog ng ringtone ko ay para akong mababaliw. Nanunumbalik na naman kasi sa gunita ko 'yung kalaswaang pinaggagawa ng taksil kong fiancé kanina!
Sa sobrang inis ko ay naihagis ko ang cellphone ko sa pader. Malakas ang naging impact ng pagtama nito hanggang sa tuluyan nang bumagsak sa semento. May nakita akong ilang crack sa paligid ng screen nito.
Ilang sandali pa ay umilaw na naman ang screen. Tinanaw ko ito gamit ang nanlilisik na mga mata. I clenched my fist, saka dali-daling sumakay sa loob ng aking sasakyan.
Pinaharurot ko ito nang mabilis at siniguradong masasagasaan ang cellphone na aking iniwan. I imagined that I was killing that b***h using my Mazda car!
***
Sa kahabaan ng aking byahe ay wala pa rin akong tigil sa pag-iyak. Panaka-naka kong pinapahidan ng tissue ang aking mga mata. Panay ang pagsinghap ko dahil hindi pa rin matanggap ng pagkatao ang pagtataksil ng aking nobyo.
Sa kabila noon ay pinili ko pa ring magpakatatag. I won't lock myself in my room and wallowed in self pity. I'm better than that!
I am Penelope Domingo Pascual! Heredera ng Island Pacific Airline! I was born to lead! I am a fighter!
Hindi ko hahayaang taluhin ako ng isang pipitsuging empleyado lang ng aming kumpanya.
I'll make sure that she will rot in hell!
Pagkapasok ko pa lang sa entrada ng aming building ay hindi na magkandatuto ang mga empleyado sa pagbibigay ng kortesiya sa akin.
"Good Afternoon Madam!" bati ng babaeng receptionist. I just stared at her impassively.
Magkasalubong ang aking magkabilang kilay habang papasakay na ako sa elevator. Sadyang nagsigilid ang mga empleyadong aking kasakay to give me space.
"Good Afternoon Ma'am!" nag-aalangang bati ng supervisor na aking katabi. I nodded to acknowledge him.
Maagap na tumayo ang aking executive secretary nang matanaw akong papasok sa loob ng aking opisina.
I heaved a heavy sigh as I rested my back on my swivel chair. The pleasant features of my secretary greeted me.
"Amelia, I have an urgent task for you!"walang pag-aalinlangan kong utas.
Amelia seemed astounded while standing in front of me. Hindi niya rin siguro akalain na babalik pa ako ngayon sa aking opisina. Past two o'clock na rin kasi.
Nagsabi na ako sa kanya na mag-ha-half day ako. Bibisitahin ko kasi si Noah sa kanyang condo because I haven't receive any message from him since this morning. Wala ring makapagsabi sa opisina nila kung nasaan siya.
Wala akong kamalay-malay na may ginagawa na pala siyang milagro kasama ang isa sa mga trainees ng kanyang opisina.
Maagap na umupo si Amelia sa visitor's chair na nasa gilid ng aking lamesa. She paid more attention to what I have to convey.
I pursed my lips before stating my demand. I composed myself in order to calm my trembling hands. Hindi dahil sa natatakot ako kundi sadyang nagngingitngit na sa galit ang kalooban ko.
"I want you to contact the HR Department." Napakurap-kurap si Amelia.
"I need the 201 File of a certain employee named Alexa." Pagkabanggit ko palang sa pangalan niya ay nag-umpisa na namang kumulo ang aking dugo.
Mabibikasan ng labis na pagtataka ang pigura ni Amelia. She creased her forehead. Parang gustong magtanong kung saan ko gagamitin iyong file na hinihingi ko. Ngunit nanatiling tikom ang kanyang bibig. Mataman siyang tumanaw sa akin.
"Empleyado siya ni Noah. I think bagong hired lang 'yon." Napatango-tango siya.
"I-email mo sa akin lahat ng impormasyon na mayroon ang HR tungkol sa kanya." I said with certainty.
Kanina pa nakaalis si Amelia at malayo na ang itinakbo ng utak ko. I was preparing for my sweetest revenge for that b***h-Alexa!
***
Mabuti na lang at hindi ako naisipang puntahan ni Noah sa bahay namin noong araw na iyon. He might also calling my cellphone non-stop. Hindi niya alam na basag-basag na iyon. Pasalamat na lang siya at hindi 'yung pag-aari niya ang binasag ko kahapon!
Huwag lang talaga siyang magkakamali na puntahan ako ngayon dito sa bahay. I might borrow a gun from one of my securities and shoot it straight to his manhood!
Kinabukasan, seven thirty palang ay nasa loob na ako ng aking opisina. My anticipation was killing me. Nakabukas na ang Employee's Attendance Data Base ng aming kumpanya.
Kanina ko pa ito binabantayan at hinihintay kong makapag-in ang haliparot na si Alexa!
Nang matanaw kong nakapag-in na siya ay tinawag ko na agad ang aking sekretarya.
"Exactly 9:00 AM Amelia!" Paninigurado ko pa rito.
I darted my irate eyes on the files on my desk. Pinasadahan ko pa ulit ng tingin ang print-out ng 201 File ni Alexa.
Habang pinagmamasdan ko ang larawan niya ay sadyang kumukulo ang dugo ko. Ang kapal talaga ng mukha niya para kalabanin ako!
Graduate siya sa isang pampublikong kolehiyo sa kursong Banking and Finance. Breadwinner ng pamilya. Lima silang magkakapatid; dalawa ang nasa kolehiyo samantalang ang dalawa ay nasa elementarya.
Hindi na nakakapagtrabaho pa ang tatay niya dahil naaksidente ito sa pinapasukang pabrika. Ang nanay naman niya ay nagtitinda ng isda sa talipapa.
I placed the tip of my Parker pen on my chin while I was busy studying Alexa Alviola's credentials.
Tatlong buwan pa lang siyang nagta-trabaho sa opisina ni Noah. Napailing na lang ako habang nag-uumpisa na namang magtagis ang aking bagang.
Kabago-bago palang umaambisyon na!
I shifted on my seat when I noticed that the door knob moved. Walang pagsidlan ang nararamdaman kong poot. Lumalakas ang kabog ng aking dibdib sa bawat segundo.
Pagkabukas ng pinto ay roon na tuluyang nagsalubong ang aking magkabilang kilay. Sinabayan pa iyon ng pag-aapoy ng aking pakiramdam. Siguro kung makakabuga lang din ako ng apoy ngayon ay tupok na tupok na sa sunog ang loob ng aking opisina.
Nang magtama ang mga mata namin ni Alexa napansin ko kaagad 'yung panginginig ng kanyang buong katawan. Her lips became pale. It was quavering non-stop as she stood up in front of me.
I shot a brow up.
"Please have a seat!" Ma-awtoridad kong utos. Sabay lahad ng isang kamay patungo sa gawi ng visitor's chair.
Kapansin-pansin ang pagtakas ng kulay sa balat niya. Sa tantya ko ay nanginginig din ang magkasalikop niyang mga palad.
"Do you have any idea why do we have this meeting Miss Alviola?"
May ilang butil ng luha akong nabanaag mula sa gilid ng kanyang mga mata. Tila hirap na hirap siya sa kanyang ginawang pagtango.
"Good! Hindi ka naman pala gano'n katanga!" I called the shot.
Mabilis siyang yumuko. I started to giggle.
"Bakit hindi mo ako matingnan ng deretso sa mga mata ko Miss Alviola?"
Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha. Halatang nanginginig pa rin.
"Bakit nahihiya ka ba?" I asked sarcastically.
Marahan lang siyang tumango.
Tinanaw ko siya nang matalim. "Tignan mo nga naman. Meron ka pala no'n?"
Napahalakhak ako habang tinatanaw ang kaawa-awang pigura niya.
Mayamaya pa ay hinampas ko ang ibabaw ng aking lamesa. Napapitlag siya at nagsimula na namang manginig.
"Ang lakas ng loob mong patulan ang boyfriend ko pagkatapos hindi mo ako kayang harapin?" She remained speechless. Ramdam ko na labis-labis na talaga siyang kinakabahan.
"Ano bakit hindi ka makasagot?" My eyes broadened, looking keenly at her.
"Tumingin ka sa mga mata ko!" Tinanaw niya ako gamit ang namumugtong mga mata.
Nang magkatitigan kami ay nanumbalik na naman sa gunita ko ang nasaksihan kong kahalayan nilang dalawa ni Noah.
"Ano? Masarap ba, ha? Masarap ba si Noah?" Rumagasa na ang mga luha ko habang sinasabi ko iyon. Pinilit kong kontrolin ang emosyon ko. Hindi niya dapat ako nakikitang umiiyak. I didn't want her to think that I am weak. I tried hard to compose myself.
"Ang kapal ng mukha mo! Kailan n'yo pa ako niloloko?"
Hindi na niya nagawang umimik, wala na ring tigil ang kanyang pag-iyak. Tila sising-sisi sa mga nagawa.
Ilang saglit pa ang lumipas nang mahimasmasan na ako. Naging kalmado na ang paraan ng pakikipag-usap ko sa kanya. Pinilit ko pa ring mapigilan ang nag-aalab kong emosyon.
"I called you into my office not to hear your apology. I think your apology is not enough. It will never be enough. Hindi na no'n mabubura ang pambababoy n'yo sakin!" Pirmi lang siyang nakayuko.
"Do you think I will fire you because of what you did?" Mabilis siyang nag-angat ng mukha at tinanaw ako gamit ang mga matang puno ng pangamba. She swallowed constantly with quickened breathing.
I flaunted a sardonic smile.
"Hindi naman ako gano'n kasama! Kahit na pinagtaksilan n'yo ako ni Noah hindi pa rin kita tatanggalan ng trabaho rito sa kumpanya ko!" may diin kong hayag.
"Sa kumpanya na pagmamay-ari ko. Kumpanya na pinagtatrabahuhan n'yong dalawa ni Noah!"
Nag-ipon ako nang sapat na lakas para ipagpatuloy ang mga nais kong sabihin sa kanya. My eyebrows furrowed.
"I decided to assign you in our Davao office!" She froze and stared at me with wide eyes. Napaawang din ang kanyang bibig.
"That's the only proposition that I can offer you. At least 'di ba employed ka pa rin naman dito sa Island Pacific Airline! Iyon nga lang mapapalayo ka na kay Noah!"
Hindi man maging maayos ang takbo ng relasyon namin ni Noah. Sisiguraduhin ko na hindi rin sila magiging masaya ng babae niya!
***
I tried to concentrate on my work all throughout the day but my mind was still occupied by Noah's infidelity. I didn't want to tell my parents about it. Lalong-lalo na kay Daddy na sa una palang ay hindi na talaga boto sa fiancé ko.
Noah was a self made man. Lumaki siya sa hirap. Dahil sa pagsisikap ay nagawa niyang umangat. He is now the Chief Finance Officer of our company.
Gaya ng nakagawian ng mayayamang mga negosyante ay ipinagkasundo rin ako noon ng aking mga magulang. I was partnered with sons of business tycoon and influential politicians. But in the end my heart still chose Noah.
Masaya na sana kami sa limang taon naming relasyon kung hindi lang nila ako pinagtaksilan ni Alexa. After office I drove straight home.
Naabutan ko si Mommy na nanonood ng TV sa aming sala. Hinagkan ko siya sa kanyang kaliwang pisngi. Napansin ko ang dagliang pagkunot ng kanyang noo.
"Hija tinawagan ako kanina ni Noah. Hindi raw siya pumasok sa opisina at hinahanap ka niya sa akin."
Dumiretso lang ako ng upo sa sofa at hindi masyadong pinagtuonan ng pansin ang sinasabi ng aking ina. Nasisira talaga ang araw ko sa tuwing naririnig ko ang pangalan ni Noah!
Matamang nakatingin sa akin si Mommy. Tila binabasa nang maigi ang bawat kilos ko. Umarko ang isa niyang kilay.
"Nag-away ba kayo ni Noah?"
Umayos ako nang pagkakasandal sa sofa pagkaraan ay humigit ng isang malalim na buntong-hininga. Mataman kong tinanaw si Mommy.
"Okay lang naman po kami Ma. Tatawagan ko na lang po si Noah mamaya." Walang kagana-gana kong tugon.
Pirming nakatuon pa rin sa akin ang mga mata ni Mommy. Hindi ko alam kung nararamdaman ba niya na pinagtatakpan ko ang totoong estado ng relasyon namin ni Noah.
"By the way, I've been calling your phone this whole afternoon hija! Pero bakit gano'n lagi kang cannot be reach? Nagpalit ka na naman ba ng number mo?"
Tila natauhan ako sa sinabing iyon ni Mommy. Ngayon ko lang naalala na hindi ko pala nabigay sa kanya iyong bagong cellphone number ko.
Kaagad kong kinuha mula sa loob ng aking bag ang bagong bili kong Iphone. Kanina ko lang ito pinabili kay Amelia. I had memorized my mother's number kaya hindi na mahirap na i-text ko ang numero niya.
Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ni Mommy na nakalapag sa kanyang tabi. Pinasadahan niya ng tingin ang bagong dating na mensahe.
"Okay. I had saved it. By the way I invited Noah for dinner. Magbihis ka na at baka parating na rin 'yon."
My mouth dropped open as my whole body was succumbed with astonishment.