"s**t! Noah, Make it faster baby please!"
Nagpuntahan na yata sa ulo ko ang lahat ng dugo ko sa katawan. Natigalgal ako dahil sa naririnig kong walang tigil na pag-ungol at paghalinghing ng isang babae. Nanggagaling ang matinis niyang tinig mula sa loob ng silid ni Noah-ang aking fiancé. Buong tapang kong hinakbang ang mga paa ko papunta sa kinarooonan ng ingay.
Halos lumuwa ang mga mata ko sa naabutan kong mainit na tagpo...
Hubo't hubad ang aking nobyo habang nakapatong sa isang babaeng nakabuka ang magkabilang hita; nakataas ang mga iyon at pirming nakaipit sa magkabilang tagiliran ni Noah.
Walang tigil sa pag-ulos si Noah ng sandata niya sa p********e ng kaulayaw niya. Pirming nakapikit pa siya habang nakatingala. Bakas sa kanyang pigura na labis siyang nasisiyahan sa ginagawa nilang dalawa.
Hindi ko mapigilan ang pag-usbong ng mga luha sa aking magkabilang mga mata. Napahawak ang isang kamay ko sa aking bibig. Labis pa rin akong natutulala sa mga nasasaksihan ko ngayon.
Patuloy na yumuyugyog ang katawan noong babae dahil sa rahas na paraan ng pagpapaligaya ni Noah sa kanya. Patuloy sa pag-alog ang mayayamang dibdib niya habang sinasabayan ang malakas na pag-uga at paglangitngit ng kama.
Mukhang sarap na sarap ang babae sa ginagawa sa kanya ng aking nobyo. Nakapikit ang kanyang mga mata habang madiin ang paraan ng pagkakakagat sa kanyang pang-ibabang labi.
Walang kamalay-malay ang dalawa na kanina ko pa sila pinapanood habang sarap na sarap sila sa pagtataksil sa akin!
Napakasakit... Hindi ko alam na magagawa ni Noah sa akin 'to!
Limang taon! Limang taon na ang relasyon namin! Dalawang buwan mula ngayon ay idadaos na ang kasal naming dalawa! Paano niya 'to nagawa sa akin? Ano ba 'yong mga pagkukulang ko sa kanya? Bakit pa siya naghanap ng iba?
Hindi ko na namalayan dahil sa labis kong pagkataranta na nabitiwan ko na pala ang hawak kong susi. Gumawa ng malakas na ingay ang pagkakahulog noon sa sahig.
Mabilis na napahinto ang dalawa sa kahalayan nilang ginagawa. Dahan-dahang ibinaling ni Noah ang buong atensyon niya sa direksyon ko.
His eyes nearly went out from its socket upon seeing my presence inside his bedroom. Maagap siyang umalis mula sa pagkakaibabaw roon sa babae. Kaagad niyang itinapis sa kanyang hubad na katawan ang kinuha niyang kumot mula sa ibabaw ng kama.
Inilang hakbang niya ang pagitan naming dalawa. Hinila niya ang isang braso ko.
"Sweetheart let me explain!" Isang matunog na sampal ang iginawad ko sa kanya.
"F*ck you!" I cussed.
"Phene, pag-usapan muna natin 'to!" Panay ang pagso-sorry ni Noah mula sa aking likuran samantalang ako ay mabilis na sumugod sa kinaroonan noong babae.
Mabilis kong hinila ang kulot at mahabang buhok ng haliparot.
"Tang!na n'yo mga taksil kayo! Ang bababoy n'yo!"
Nagkandaiyak na iyong babae sa tindi ng pagsubunot ko sa buhok niya. Wala na akong pakialam kung makalbo ko siya o mabakbak ko pa ang anit niya.
Panay naman ang pagsaway ni Noah sa akin. Siya naman ulit ang binalingan ko.
"F*ck you ka! Huwag mo akong pigilan! Wala kang pakialam kong patayin ko man itong babae mo!"
Sinabayan ko iyon ng mabigat na pagtadyak sa p*********i ni Noah. Namilipit siya sa sakit habang sinasapo ng kamay ang nabasag ko na yatang ari niya.
Muli ko na namang itinuon ang tindi ng galit ko roon sa babae.
"Ma'am Phene, tama na po!" panay pagmamakaawa sa akin ng hitad. Napatigil ako.
Medyo pamilyar sa akin ang boses niya. Bahagya kong inangat ang pagkakahawak ko sa buhok niya upang mabikasan ang babaeng sinasabunutan ko.
Hindi ako maaaring magkamali! Siya si Alexa... Ang bagong trainee sa opisina ni Noah!
"Walanghiya ka! Kabago-bago mo pa lang nilalandi mo na ang boss mo!" Dahil sa umusbong ko na namang inis ay lumakas ang paraan ng paghila ko sa buhok ni Alexa, nabalibag ko na siya sa sahig.
Sabog na sabog ang buhok niya sa kanyang mukha habang nakalupasay na siya sa flooring. Mukhang nakabawi na ng lakas ang aking nobyo; kaagad niya akong nilapitan.
"Sweetheart, tama na! Baka kung ano pang magawa mo kay Alexa! Lalayuan ko na siya Sweetheart. Please patawarin mo na ako!" Panay ang hawi ni Noah sa magkabilang kamay ko at pinipigilan akong makalapit sa nakahandusay na babae niya.
Niyakap ako nang mahigpit ni Noah kaya naman wala na akong nagawa nang mabilis na nagtatakbo palabas ng silid ni Noah si Alexa. Mukhang tumakas na ito palabas ng unit niya.
Dahil sa nangyari ay maagap akong kumalas mula sa mga bisig ni Noah. Inundayan ko na naman siya ng mag-asawang sampal sa magkabila niyang pisngi. Halos mamanhid na ang kamay ko dahil sa tindi ng pagtama nito sa kanyang mukha.
"Pinagtiwalaan kita! Paano mo nagawa sa akin 'to?" sigaw ko kay Noah gamit ang basag ko ng boses. Kanina pa ayaw paawat sa paglalaglagan ang mga luha ko.
Nakayuko lamang si Noah habang patuloy na sinasalo ang mga pang-aalipusta ko. Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Akala ko mabait ka! Iyon pala napakawalanghiya mo! Nakakadiri ka!" utas ko pa. Hindi ko na napigil ang mga kamay ko sa paghampas ng pauli-ulit sa dibdib niya. Nahulog na sa sahig iyong kumot na nakatapis sa katawan ng aking nobyo.
Wala siyang imik, hindi man lang niya iniiwas ang sarili niya sa bawat pananakit ko sa katawan niya. Mabilis kong hinubad ang suot kong Tiffany diamond ring. Pabalibag ko itong ibinato sa katawan niya habang nahihilam na ako sa bumubuhos kong mga luha.
"Wala ng kasalang magaganap. Kung gusto mo ibigay mo na lang 'yang engagement ring na 'yan sa babae mo, coz we're done! Magsama kayo ng babae mo hanggang impyerno!"
Pagkasabi ko noon ay dali-dali na akong lumabas ng kanyang silid, padarag kong isinara ang pinto.