Napakamot ng ulo si Cyrus dahil sa itinanong ko. Napalinga pa siya sa kung saan. After few seconds he dragged his stare back to my face then he flaunted a mischievous grin. “Bakit pakiramdam ko kausap ko ngayon ang Nanay ko?” A low chuckle rose from his throat. Mataman ko siyang tinanaw. “May mga tanong na kahit yata si Kim Atienza o NatGeo hindi kayang sagutin.” Pagpapatuloy pa niya. “Then why don't you tell me your own reason?” My sincere reply using a soft voice. He gritted his teeth. Halatang pinipilit niyang habaan ang pasensya dahil sa ginagawa kong pang-i-interrogate sa kanya. Pinisil pa niya ang aking ilong, kagaya ng madalas niyang gawin sa tuwing iniinis niya ako noon. Sinaway ko siya pagkaraan ay sinapak sa balikat. Umayos siya ng upo sa sofa upang mas maharap ako nang mai

