Pagmulat ng mga mata ko ay nasa loob na ako ng sasakyan ni Noah. He was driving fast, bakas ang labis na pag-aalala sa kanyang pigura. Napalingon siya sa gawi ko nang mapansin ang ginawa kong pagkilos. “Just take a rest Phene. We're going to the nearest hospital. Nahimatay ka kanina. I want you to get check.” Napahawak ako sa aking kanang sentido. Nahimatay siguro ako dahil sa naging mainit na pagtatalo namin ni Noah kanina. Labag man sa loob ko ay wala na rin naman akong nagawa. Sa tantya ko ay hindi ko na rin naman kakayanin pa na mag-drive ng mag-isa. Nakakaramdam ako nang labis na panghihina. Pirming itinuon ko na lang ang mga mata ko sa mga nadaraanan naming establisyemento sa labas. Pagkadating namin sa ospital ay agad akong pinag-fill up ng patient's record. Mayamaya pa ay nat

