Madilim man ang parte kung saan ako nakatago, napansin pa rin ako ng isang lalaki. Napaawang ang aking mga mata noong nagsimula siyang lumapit sa akin. Sa isang kisap mata lang ay nagawa niya agad na makarating sa aking pwesto. Marahan niyang hinawakan ang aking braso. Napatitig ako sa kaniyang kulay pula na mga mata. Pansin ko ang matalas niyang pagtingin sa akin. “Ginoong Padraig,” mahinang tawag ko sa kaniya. Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa aking braso. Napataas ang gilid ng labi ko dahil sa konting sakit na nararamdaman. “Ssshhh!” mahina niyang suway sa akin. Napatingin ako sa loob ng silid ni Prinsesa Zemira. Ang natural na tunog na likha ng kanilang katawan ang tanging naririnig sa bawat sulok ng silid. Naramdaman ko ang malakas na hangin na pumasok mu

