Malalim na ang gabi ngunit kami’y nasa labas pa rin upang magliwaliw. Hindi inaalala ang kapamahakan na maaaring mangyari, ang tanging naiisip ay makakapagbigay ito sa amin ng aliw. Marahan kaming naglalakad sa makipot na daan na parang isang lagusan. Ang daan na ito ay nababalutan ng mga puno’t halaman, sa paligid ng aming dinadaraan ay ang mga punong kahoy na mayroong malalapad na katawan, ang makikita naman sa itaas ay mga sanga at mayayabong na mga dahon na sa paningin ay mayroong kagandahan. Mas pinagmasdan ko ang itaas. Doon ko napagmasdan ang nakakahanga na kagandahan nito. Kahit kaunti na sinag ng liwanag na galing sa buwan ay hindi nakakalampas. Ang mga dahon sa taas ay marahang pumapagaspas. Ang hangin ay naging sanhi ng pagkakahulog ng mga dahon sa aming paligid. Lubos kong ik

