Napatigil ako sa pagpupunas sa isang estatwa nang maramdaman ko ang pagdating ng isang bampira. Napalingon ako upang tingnan ang nasa likod. Agad na bumungad sa aking paningin si Dlenar—siya ang kasama ko sa paglilinis sa pangatlong palapag. Bumaba lang siya upang kumuha ng mga bagong basahan. Piniga ko muna ang basahan na hawak ko at pagkatapos ay muli kong ibinalik ang atensyon ko sa pinupunasan ko na estatwa. “Binibining Azalea, nais kang makausap ni Ginoong Padraig,” mahinhin na pagbibigay alam sa akin ni Binibining Dlenar. Napatigil ako sa aking pagpupunas at hindi ko mapigilan na makaramdam ng kaba. Unti unti ko ring naramdaman ang paglakas ng t***k ng aking puso. Kagat labi na napahigpit ang hawak ko sa basahan na kulay puti kanina ngunit ngayon ay kulay abo na. “N-nasaan s-siya

