Kabanata 41

2774 Words

Napatigil ako sa pagsalok ng tubig sa balon nang biglang lumapit sa akin si Emily. Ibinaba ko ang maliit na balde bago ako tuluyang humarap sa kaniya. Nakita ko na marahan niyang sinipa ang batiya na nasa kaniyang daraanan. Bahagyang gumalaw ang tubig dahil sa kaniyang ginawa. Hindi ko na lang siya sinuway dahil ayaw kong magsimula nang away.   “Azalea, pinapatawag ka ni Prinsesa Zemira,” wika niya habang nakatayo sa aking harapan. Ang kaniyang mga braso ay magkasalikop sa tapat ng kaniyang dibdib.   Muli kong naalala ang nangyari noong nakaraan. Sinabihan niya rin ako na gusto akong makausap ni Prinsesa Zemira ngunit hindi naman iyon totoo. Paniniwalaan ko nga kaya ang kaniyang sinabi?   Ang aking noo ay kumunot habang pinagmamasdan siya. Tinitigan ko nang maigi ang kaniyang mukha.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD