“Binibining Azalea,” tawag ni Ginoong Padraig sa akin noong lampasan ko siya. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Itinuloy ko lang ang paglalakad ko papunta sa kuwadra ng mga kabayo. Nakahanda na ang kalesa pati na rin ang kabayo na gagamitin sa pag-alis namin. Ilang minuto lang ang aming pag-uusap ngayon. Ilang palitan lang siguro ng mga salita. Maiiwasan ko pa naman siya dahil alam kong malapit nang dumating si Ginoong Afredo. “Pasensya na ngunit wala akong sapat na oras upang makipag-usap sa’yo nang matagal. Ilang minuto lang at aalis na rin kami,” wika ko habang itinataas ang laylayan ng aking saya upang hindi ito sumayad sa maputik na daan. Kakatapos lang kasi nang malakas na ulan kaya ang buong kalupanan ay basang basa. Sa daanan ay sobrang putik. Sa gilid ng aking paning

