Kabanata 73 Unting unting nakita ang mga alaala ni Ginoong Padraig. Ang alaala niya noong pagkabata ay nasubaybayan. Malinaw ang bawat pangyayari. Ang lahat ay nalaman at mas tumatak sa isipan. Pumunta si Prinsipe Padraig sa Kaharian ng Azea. Tumakas lang ito sa palasyo upang mamasyal sa kahariang may kagandahang taglay. Maraming makikitang mga bukal at ilog sa Kaharian ng Azea. Ito ang mga lugar na gustong gustong puntahan ni Prinsipe Padraig. Mahilig siya sa tubig. Mayroon namang karagatan sa silangang bahagi ng Kaharian ng Noris ngunit iba pa rin ang kapreskohan ng tubig na galing sa mga bulubundukin. Sa pagdaan nila sa Kabisera ng Azea ay nainganyo siyang manood ng mga nagtatanghal sa kalsada. Masayang nanood siya. Napasimangot na lang siya noong bigla siyang tinawag ng nakatalaga s

