“Ginang Helena, ano po ang maaari kong itulong?” tanong ko sa kaniya noong nakita ko siyang pumasok sa pintuan ng kusina. Ang kaniyang inaantok pang mukha ay biglang naglaho noong lumingon siya sa akin. Hindi makapaniwala na tumingin siya sa akin at kalaunan ay nakita ko ang kaniyang mataray na ekspresyon. Nakataas na naman ang kaniyang kilay. Ang kaniyang mga mata ay humahagod na naman sa aking buong katawan, ang una niyang tiningnan ay ang aking paa pataas sa aking ulo na wari mo’y hinuhusgahan ako. Ibinaba niya ang hawak niyang bakol (basket). Pansin ko na naglalaman ito ng mga sariwang gulay na galing pa sa pamilihan. Ibinalik ko ang aking atensyon sa kaniyang mukha at sinalubong ko ang kaniyang mapanghusga na tingin. Ang aking ekspresyon ay seryoso lang. Hindi na ako nag-ab

