Kabanata 76 Napatingin siya sa bintana ng tore. Mula sa itaas ay nakita niya ang pauli-uli na mga kawal. Napabuntong hininga siya habang hinahawakan ang kaniyang braso. May naramdaman siyang sakit ngunit ipinagsawalang bahala niya na lang ito. Napatingin siya sa mga buwan. Tsaka niya napagtanto kung ilang araw na ang lumipas. Napahugot siya ng paghinga. “Tatlong araw na pala niya akong ikinulong dito,” wika ni Azalea. Ang mga sugat niya ay unti unti nang naghihilom ngunit may ilang pasa pa rin siya sa katawan. Napabaling ang kaniyang tingin noong bumukas ang pinto ng silid na kaniyang kinalalagyan. Nakita niya si Dramon na walang emosyon na nakatingin sa kaniya. “Pinapatawag ka ni Prinsesa Zemira,” wika nito kaya napakagat siya sa ibaba niyang labi. “May nais ba siyang ipagawa sa aki

