Kabanata 73.4 Nakita si Binibining Azalea na naglalakad sa daan na papunta sa kaniyang bahay panuluyan. Napaayos siya sa pagkakaupo sa loob ng karwahe. Hinawakan niya ang manipis na kurtina upang mas makita pa ang babaeng laging laman ng kaniyang isip. “Hindi po ba at si Prinsesa Azalea iyon?” rinig niyang tanong ni Fedio sa kaniya. Malayo pa naman sila sa kinaroroonan ni Binibining Azalea kaya hindi sila naririnig nito. “Matagal nang nawala ang mga kaharian namin. Hindi mo na dapat siyang tinatawag na Prinsesa dahil baka may makaalam pa noon. Kailangan nating mag-ingat,” suway niya kay Fedio. “Pasasakayin mo po ba siya?” rinig kong tanong niya. Ilang segundo siyang nag-isip ngunit kalaunan ay napabuntong hininga siya. Baka matakot na naman ito sa kaniya at mapagkamalan siyang sumusu

