Kyla POV "Miss, paanong nangyari iyon? Bakit hindi alam?" Naiinis na sabi ko sa isa sa mga staff ng fastfood na ito. "Miss pakiusap po. Huminahon lang po kayo." pagpapakalma niya sa akin. Huminahon? "Huminahon?" pag-uulit ko. "Miss, nawawala ang anak ko tapos gusto mo akong huminahon?" Sigaw ko. Hinawakan ako ni Uno sa braso ko kaya napatingin ako sa kaniya. "Kyla please, walang mangyayari kung magsisigawan lang tayo dito." sabay tingin nito sa staff. "Where's the Manager?" Tanong ni Uno. "Sige po, Sir. Tatawagin ko lang po." excuse ng babae. Kanina pa ako umiiyak dahil pati ang restroom ng mga babae ay tinignan ko na pero wala pa din si Andrei. Pero napaka-imposible dahil nakita ko na pumasok siya sa restroom so how come na wala syia? "Kyla, iyong cellphone mo nag ri-ring." pukaw s

