Zyne POV Kausap ko si Dad dito sa bahay nya at tuwang tuwa naman si Mommy ng makita niya ako. "I'm very glad at naisipan mong umuwi dito, anak." sabi ni mom at humalik sa akin. "Walang problema, Mom. Besides, namiss ko na rin na umuwi." nakangiting sabi ko. Naalala ko na naman ang pag-uusap namin ni Dad noon. Iyong tungkol sa pag iwan niya sa dati niyang asawa para kay Mom. "Mom, mahal mo ba si Dad?" Tanong ko at nagulat naman siya. "Oo naman. Bakit mo naitanong?" "Wala naman, Mom." simpleng sagot ko. Ngumiti sa akin si Mom bago nagpaalam na pupunta sa kusina. Umakyat ako ng hagdan at pinuntahan ang office ni Dad. Dito sa bahay nina Mom at Dad ay may sariling office si Dad para mag trabaho. Kumatok ako nang tatlong beses bago binuksan ang pinto at pumasok. Napalingon sa akin si Dad

