Sky POV "Zyne, ano ba talagang nangyayari sa'yo? Hindi na kita maintindihan!" naiinis na sabi ko kay Zyne. Araw-araw na lang na laging wala dito sa bahay si Zyne, kung uuwi man siya ay madaling araw na at pagkatapos ay maaga na namang aalis. "Aalis na ako Sky. Please hayaan mo muna ako." sabi sa akin at nilagpasan ako para buksan ang pinto pero pinigilan ko siya. "No Zyne. Hindi ka aalis ng bahay. Look at you, nag-iba ka na at hindi ako t*nga para hindi mapansin na nagsimula iyan sa pag-alis ng babaeng iyon" Tumingin sa akin ng diretso si Zyne at nagsalita. "Puwede ba tumahimik ka muna, Sky at hayaaan akong umalis?" pagpupumilit nito dahilan para sigawan ko na siya. "No!" Sigaw ko sa kaniya. "You will never leave this f*cking house not until you admit it!" "Admit what?" "Admit th

