Kyla POV "Kyla? Ikaw ba iyan?" lumingon kaming dalawa ni Uno sa tumawag sa akin at laking gulat ko ng makita ko siya. Ang walanghiyang lalaki na nagpahirap sa buhay ko. Ang lalaking hinayaang mamatay sa harap ko ang nanay ko. Ang lalaking itinakwil ako dahil sa pagbubuntis ko ng maaga. "Ano ang ginagawa mo dito?" walang ekspresyong tanong ko. " I-ikaw nga, anak" " Anak?" ulit ko sa sinabi niya at sandaling napatawa. Napatahimik siya sa sinabi ko at hinawakan naman ako ni Uno sa kamay ko. " Uulitin ko, anong ginagawa mo ditong walanghiya ka?'' pigil na sigaw ko "Huwag mo sasaktan si Papa!" sigaw ng mumunting tinig. Napadako ang atensyon ko sa isang maliit na babae na may dala-dalang isang manika. Tumakbo ito palapit sa akin at binangga ako. "Masama ka. Inaaway mo si Papa." naiiy

