EPILOGUE

2448 Words
            “YOU are married?” hindi interisadong tanong ni Clime sa kanya na abala sa pagtipa sa laptop nito. Ngumisi lang siya.             “Not yet pero malapit na kaya nga ako nandito.” She wanted Clime to fix her wedding. Gusto niya ng totoong kasal at hindi lang iyong basta-bastang civil wedding. Simula noong makita niya ang kasal ni Mason at ng asawa nito ay gusto niyang magkaroon din ng ganoong wedding. Hindi engrande, simple lang pero gusto niya nandoon ang mga kaibigan niya.             Napansin niya ang pagtingin ni Clime sa wedding ring niya at napabuntong-hininga ito. “Huwag mo akong kulitin Keegan ikakasal din si Sydney at si Ulysses, hindi ko alam kung ano ang uunahin ko.”             “Ako muna maiintindihan naman nina Syd at Uly iyon.” Pangungulit niya dito.             “Mag-usap muna kayong tatlo baka magkasabay-sabay ang kasal niyo.” Napakamot nalang ito ng ulo. “Ewan ko ba sa inyo kung bakit gusto niyo pang magpakasal samantalang wala namang forever.”             “Heh!” hinampas niya ito. “Bitter ka friend.” She crossed her legs and look at her friend.             “I am not bitter, realistic lang ako. Magkaibang bagay iyon.” Pagtatanggol nito sa sarili.             “Bitter ka pa rin wala ka kasing s*x life.” Sinulyapan lang siya nito. “Love life pala.” She bit her tongue. Nakalimutan niyang may pinagdadaanan pala ito. Pareho kasi silang nagulat ng malaman na ang lalaking lihim na minamahal nito ay ang traydor na muntik ng pumatay sa kanila.             Galit si Ulysses sa lalaking iyon at hanggang ngayon ay hindi nila alam kung nasaan ito. Wala itong alam at mukhang alam niya kung sino ang may alam kung saan ang taong iyon. Kahit siya ay ayaw sa lalaking iyon para sa kaibigan nila, it just happened Clime fell for someone who can’t be trusted.             “What type of wedding do you want to have?” Clime changed the topic.             “Forest wedding, sa may malapit na manor na tinitirahan namin ni Mau.” Mau told her she can do whatever she wants for her wedding.             “Forest huh? Hindi mo ba alam kung gaano karaming insekto at ahas ang pwedeng manirahan doon?”             “Don’t worry we’ve already checked it the place is safe, malapit siya sa river na may maliit na falls. The place is very enchanting.”             “How did you checked the placed? Did you hire someone to check it?”             Ngumisi siya at naalala kung paano niya dinala doon si Mau upang icheck kung safe baa ng lugar. “There’s no need to hire someone, I checked it myself with Mau of course. Pwede ka ngang mahiga sa damuhan at magpagulong-gulong.”             Nagdududang tiningnan siya nito. “Did you?” she knew what she meant.             “I did.” Bumungisngis siya. “I mean, we did.”             “Ang landi mo talaga.” Kinurot siya nito sa singit.             “Aww!” iniwas niya ang sarili mula dito. “Bakit ba? Masaya kayang magpagulong-gulong sa damuhan at saka kaming dalawa lang naman doon hindi kami nakikita kahit mag-ala Adan at Eba pa kami doon.”             “Shut up.”             “You should try.”             “Hush! Huwag kang maingay naririndi ang teynga ko sa iyo.”             “Okay fine.” She stopped teasing her friend. “I want a simple wedding with my friends with me. Hindi kailangan na engrande basta solemn and warm.”             “Sisingilin kita ng mahal.” Banta nito sa kanya.             “Huwag masyado alam mo namang tipid-tipid ako ngayon.” Lahat ng savings niya na nakuha niya mula sa sindikato ay ibinigay niya sa charity. Hindi na niya iyon kailangan, hindi dahil mayaman si Mau dahil kung tutuusin, ang halaga ng perang naipon niya ay mas marami pa sa meron ang lalaking pakakasalan niya. Pero hindi naman iyon importante at ayaw din niyang mabuhay sa perang galing sa masama. Mas gusto niyang magsimula sa malinis na paraan. May savings pa rin naman siya mula sa ipon niya sa pagiging furniture designer. At saka gusto ni Mau na magresign na siya sa trabaho niya at magsimula ng sariling negosyo pero umayaw siya.             Masaya siya sa kanyang trabaho at ayaw muna niyang magsimula sa isang bagay na nangangailangan ng buong oras niya. Ang bigyan ng maraming oras ang kanyang magiging asawa ang gusto niyang mangyari at hindi mangyayari iyon kung nahahati ang kanyang oras.             “Ano ang result ng check up mo?”             “Okay lang.”             “What do you mean by that?”             “Sabi ng doktor ay pareho kaming healthy ni Mau at makakabuo din kami.” Medyo nalungkot siya dahil gusto na talaga niyang magkaanak as soon as possible pero dahil na rin sa dami ng gamut na ipinasok niya sa katawan niya kaya nahihirapan siyang mabuntis. Naiintindihan naman iyon ni Maurice at sinabihan siya nitong maghintay kaya lang opposite nga talaga silang dalawa ni Maurice dahil wala siyang pasensya sa paghihintay.             “Just wait and pray Keegan.”             “Ang hirap palang maghintay.” Biro niya pero may halong katotohanan ang kanyang sinabi.             “Just be patience, good things come to those who wait.”             Napangiti siya sa sinabi nito para kasing sa sarili nito sinasabi ang bagay na iyon at hindi lang sa kanya.             “Your fiancé is here.” Turo nito kay Maurice na papasok sa opisina ng Ring and Bells.             “Hi.” Bati ni Mau kay Clime habang hinahalikan siya sa pisngi. “Napilit mo na ba si Clime para sa kasal na gusto mo?”             “Hindi pa pero malapit na.”             Clime rolled her eyes. “Wala si Ainsley dahil may family vacation sila ng asawa niya and she’s pregnant too. Ayaw ni chief na mapagod ang asawa niya kaya ako lang ang nandito. Tatlo kayong gustong magpakasal at hindi ko alam kung sino sa inyong tatlong pares ang gustong mauna. Kapag naset na kung sino ang mauna na tayo mag-usap?” Clime begs.             “May magagawa pa ba ako? Nasaan ba si Ulysses?”             “Jail.”             “What?”             “Sa bahay ng fiancé niya, hindi siya pwedeng basta-bastang umalis ng walang paalam mula kay attorney Lucas. Alam mo naman na masyadong mainit ang dugo ni attorney sa manok natin dahil sa ginawa ni Uly sa anak niya.”             “Uly saved her.”             “Iba pa rin ang may mga magulang Keegan dahil bantay sarado sila.” Sabi nito. Naramdaman niya ang paghaplos ni Mau sa likod niya. “Pero tatawagan ko siya para maasikaso na ang kasal.”             Ngumiti at tumango lang siya.  Nagpaalam na sila kay Clime dahil gusto na rin niyang magpahinga.             “Problem?” malumanay na untag sa kanya ni Mau.             “None.”             “Sure?”             “Course.” Maiiksing sagot niya. Inihinto ni Maurice ang sasakyan nila sa isang tabi at saka humarap sa kanya.             “I know you are not.” He really knows her.             “I am really fine sweetheart, come on I want to go home.”             Napabuntong-hininga ito at muling pinaandar ang kotse, hindi niya pwedeng sabihin ang nasa utak niya dahil nahihiya siya. Masyado na siyang matanda upang usisain ang bagay na iyon but she really wants to know it… to know something about it.             “I want you to meet some people.”             “Sino?”             “Basta.” Iniba nito ang routa nila hanggang sa makarating sila sa isang sementeryo.             “Sino ang nakalibing dito? Ex-girlfriend mo?” he just boredly look at her. Bumaba sila at naglakad hanggang sa makarating sa isang malaking musoleyo. The place is well-groomed dahil sobrang linis, may mga bulaklak din na alay doon. Nakatingin siya sa mga pictures na nakakabit sa bawat dingding ng musoleyo.             “They are my family Keegan.” He said. Binasa niya ang mga pangalan na nakalagay sa lapida, they are all Magallanes. “Kilala mo si lolo at lola hindi ba?” tumango siya sa sinabi nito. Hinila siya nito papunta sa dalawang puntod. “And meet my parents.”             Napatingin siya kay Mau, she wasn’t really expecting him to do this. Hindi rin nagmention si Mau tungkol sa mga magulang nito.             “My father died when I was twenty due to cardiac arrest, my mother followed two years after due to hypertension. My parents don’t love each other.” Nakatitig lang siya kay Mau habang nagsasalita. “Hindi ako naniniwala sa pag-ibig dahil hindi ko alam kung ano iyon.” Hinawakan niya ang palad ni Mau habang nagsasalita. “Subsob sa trabaho si daddy habang kasama ni mommy ang mga kaibigan niya. Ang lolo at lola namin ni Mason ang nag-aalaga sa amin at sa kanila ko Nakita kung paano magmahal ng walang hinihiling na kapalit.”             “Bakit nagpakasal ang mga magulang mo kung hindi nila mahal ang isa’t isa?”             “Because of me. Nabuntis ni daddy si mommy at napilitan silang dalawa na magpakasal, they tried to make it work but when it doesn’t it wouldn’t. Pakiramdam rin namin ni Mason ay wala kaming mga magulang kaya siguro ng mawala sila ay hindi kami masyadong nalungkot. nandoon ang mga lolo at lola namin para sa amin kaya masasabi kong sobrang swerte ko dahil sa kanila.”             Humilig siya sa balikat nito. “I don’t know what to say Mau, wala akong mga magulang.” Hindi niya sinabi kay Mau na nakipag-usap siya sa isang psychologist na kaibigan niya. Ang sabi nito sa kanya pwedeng kahit na sabihin niyang gusto niyang magkaanak ay may bahagi ng utak niya na pumipigil sa kanya na mangyari ang nais niya. Subconsciously ay natatakot siyang maging isang ina, ang maging isang magulang dahil hindi siya nagkaroon ng mga iyon. Natatakot siyang magkamali sa pagiging ina at hindi niya magampanan ng maayos ang kanyang mga responsibilidad.             “Paano kung maging katulad tayo ng mga parents mo Maurice?”             “That won’t happen.”             “Confident na confident ka, pero hindi ako nagbibiro. Paano kung mawala ang pagmamahal natin sa isa’t isa?”             “Again, that will never happen Keegan. Dahil kung nawawala ang pag-ibig ay dapat matagal ko nang nagawa. Noong una ko palang nalaman na ikakasal ka sa kapatid ko dapat ay hindi na kita minahal pero hindi ko magawa. Noong nagdivorce kayo ni Mason at alam kong galit na galit ka sa akin dapat ay pinatay ko na ang pagmamahal ko sa iyo pero sobrang imposible kaya alam kong kahit na anong mangyari hindi mawawala ang pagmamahal ko sa iyo. Are you doubting your love for me?”             She stepped forward and touch his parents tombs. “Ma’am, Sir. Your son is asking me if I am doubting my love for him. Alam kong hindi ako ang gusto niyong maging asawa ng anak niyo. I’m not a good person and I can’t promise to be a good wife too. I still have my fears about this thing. This is too new to me kahit na nagpakasal na kami ng bunso ninyo. I was never a wife to him but I am willing to be Maurice’s wife. Natatakot din akong maging ina ng anak niya dahil hindi ko alam kung magiging mabuting nanay ba ako. I have my fair share of fears and doubts, but I give you my words. I don’t have any doubt loving your son. I love him and will give my life just for him and our future. Please do give me your blessings and let me marry and take good care of him for the rest of our lives. I know in your own way you love him and Mason, hindi niyo man iyon naipapakita at hindi niyo man iyon nasasabi sa kanila alam kong mahal niyo sila.”             Lumapit sa kanya si Maurice. “Kee.”             “Infront of your parents Maurice I am telling you, I surrender all my everything to you.” she tilted her head so she can look him in the eyes. And she’s finally settled to see relief on his eyes as he stares at her with a loving emotion that warms her heart.             “Mom, Dad.” Anito. “My future wife doesn’t have parents, please allow me to present your daughter, the love of my life, Keegan Garces-Magallanes. Welcome her to our family.” All her life she doesn’t have parents. Wala siyang natatawag na nanay at tatay. “Keegan, call them mom and dad.”             “Eh? They are yours.”             “And what’s mine is yours. I can’t give you your parents presence yet so I am offering my parents to be yours. I don’t mind sharing my parents to the love of my life.”             Napayakap siya kay Maurice ng mahigpit. “Thank you Maurice for thinking about it, about my parents. Yes, I may not know them and yes I may have some urge to look for them and ask them why they had leave me alone. All my life I’ve been feeling so empty pretending that everything was fine.”             “Hush Keegan, hahanapin natin ang parents mo at itatanong natin kung bakit ka nila nagawang iwanan. Hindi ba sinabi ko sa iyo na kahit na anong mangyari ay nasa likod mo lang ako palagi? I changed my mind, ayokong sa likod mo lang. Gusto ko sa tabi mo mismo at sabay nating puntahan ang gusto mong puntahan, mangyari ang gusto mong mangyari. Nandito lang ako sa tabi mo handang umalalay sa iyo.”             “Anong gagawin ko para mapasalamatan ka?”             “Just make me happy, my happiness has no limit with you.”             “I will, I will make you happy.” She promised that.             “Now, how about finding your parents before we wed?” he asked her.             “Paano kung matagalan ang paghahanap natin? Can you still wait?”             Natigilan ito sa tanong niya at biglang napaisip. “May point ka.” Tumango-tango ito at saka kinuha ang cellphone nito. May kinausap ito sa cellphone bago bumaling sa kanya. “I have a bright idea, Kee.”             Tinaasan lang niya ito ng kilay. “That is?”             “I can’t wait, I am done waiting. Whether you like it or not we are getting married today. Tinawagan ko na ang uncle ng kaibigan kong judge, he’ll marry as today.”             “Eh?”             “I want us legally bind, don’t worry I am still going to give you the wedding of your dream. Ayokong mapagod na mag-explain sa magiging anak natin kung bakit wala tayong wedding picture.” Natawa lang siya sa sinabi nito. Ayaw na sana niya sa abrupt weddings pero ano pa ba ang magagawa niya kung ito mismo ang may gusto at gusto rin niya? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD