-2-

2664 Words
            Beep… beep… beep… “Time to wake up beautiful! Time to wake up beautiful!”             Agad na bumukas ang kanyang mga mata at napangiti sa kanyang narinig, her alarm clock never fails to make her smile every morning. Umupo siya at nag-unat ng mga muscles at napahikab bago inabot ang alarm clock upang patigilin iyon sa pagpuri sa kanya. “Good morning too.” She greeted no one. She grabbed her phone and check her schedule for today. None so far.             “Good!” tuluyan ng tumapak ang kanyang mga paa sa sahig she tested her feet first before she added all her weight into it. Mahirap na baka matumba siya bigla kagaya ng dati. It has been two months since the car accident with her friends. Pumasok siya sa banyo at tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin, sabog-sabog ang kanyang buhok na tumakip sa kalahati ng kanyang mukha. Inayos niya ang ilang hibla na tumakip sa kanyang pisngi at tumitig sa salamin.             “Even with your scar you still look beautiful Keegan.” Hinawakan niya ang kalahating pulgadang tuwid na linya sa kaliwang bahagi ng kanyang noo. Hindi iyon halata kapag nalalagyan na ng make-up at kasing nipis din iyon ng kanyang balat. Agad siyang naligo at naghanap ng pwedeng maisuot pupuntahan niya si Sydney sa bahay nito alam niyang nandoon na sina Yvette at Clime.             She fixed herself and applied her daily dose of make-up and put her sketch pad and pencils inside her canvas bag. “Let’s go Keegan.” Utos niya sa kanyang sarili. Wala siyang sasakyan pero may biseklita siya na madalas niyang gamitin kapag umaalis siya. She actually finds it weird dahil sabi ni Ulysses sa kanya magaling siyang magbalanse ng biseklita dati pero noong una siyang sumakay ay ilang beses siyang natumba at nasugatan. Mukhang pati ang motor functions niya ay naapektuhan sa nangyaring aksidente.             Kasabay ng pagkawala ng kanyang alaala ay nawala rin ang ibang kakayahan niya kaya hindi na siya nagtanong pa ng kung anu-ano. Ayaw sabihin ni Ulysses kung sino ang nagmamaneho sa kotse na sinasakyan nila gusto niyang malaman kung sino ang may kasalanan sa aksidente. At saka maging ang mga kapatid niyang katulad niya na naaksidente ay may kung anu-anong pinagdadaanan.             Mabilis siyang nakarating sa bahay ni Sydney at tama siya sa kanyang hinala na nandoon na ang mga kapatid niya. She parked her bike on the side and carry her things to see her sisters.             “Good morning.” Masiglang bati niya.             “Good morning Kee, how’s your day?” she chuckled when Yvette asked her the same question. Nakabenda ang kaliwang braso nito kulang ang mahigit dalawang buwan upang maayos ang nabaling buto nito sa braso. Marami sa mga phalanges nito ang nadislocate at kinailangan pa na kumuha ng balat sa ibang parte ng katawan nito upang palitan ang natuklap na balat sa braso nito. May peklat siya sa mukha at sa kanyang likod, si Clime ay mukhang maayos pero hindi na nakakakita ang kaliwang mata nito. At si Sydney, nahihirapan pa ito hanggang ngayon na tumayo. Nakaupo ito sa wheelchair nito sabi ng mga therapist makakalakad pa ito kailangan lang maghilom ang mga nabaling buto sa binti nito dahil sa pagkakadagan ng mabigat na bagay ng matagal. Over all they look okay, their wounds and scars doesn’t affect them one hundred percent they were assured that they will be okay. And their kuya Ulysses are helping them quite well.             “Beautiful, what’s for breakfast?”             “Bacon and ham, you want something?” tumayo si Yvette upang ipagkuha siya ng pagkain agad niya itong pinigilan.             “Let me Yvette. Ako na ang kukuha ng food ko.”             Inilapag niya sa upuan ang kanyang canvass bag at pumasok sa kusina upang kumuha ng pagkain. Nasa kalagitnaan siya ng pagtitimpla ng kape ng may pumasok doon na hindi niya kilala. Masyadong matangkad ang lalaki sa kanya kahit na matangkad siya at nakasuot ito ng puting uniporme. Sinundan niya ng tingin ang lalaking prenteng kumuha ng tubig sa refrigerator. Bumaling ito sa kanya.             “Who you?” she asked calmly as she blew her coffee.             “Enrique ma’am, therapist ako ni Miss Sydney.”             “Ah, okay.” Bitbit ang tray na may lamang pagkain ay lumabas na siya sa kusina.             “Ako na ang magdadala ma’am, sa garden kayo hindi ba?” hinayaan niya itong agawin ang tray mula sa kanya. Bakit siya maghihirap sa pagbitbit kung may gustong mag-offer. “Iche-check ko rin si Miss Sydney.”             “Have we met before Enrique?”             “Ho?” tumawa ito. “Hindi pa ho.”             Tumango siya but he sounds different, nauna ito sa kanya kaya hindi nito Nakita ang paniningkit ng kanyang mga mata. She may lose her memories before the accident but her brain is still functioning very well, hindi siya bobo that’s for sure. She can even solve a chi-square problem manually within a minute. There’s something odd with this guy, kailangan niyang makausap si Ulysses tungkol dito.             “Good morning miss Sydney.” Masiglang bati ng lalaki sa kapatid. “How are you feeling?” sumimangot si Sydney.             “Get lost Riq.”             “That’s good to hear.” Baliw ba ang lalaking ito hindi ba nito ramdam na ayaw ng kapatid niya sa presensya nito. “I am going to massage your feet after your breakfast.”                   “Die.” If looks can kill Enrique should be dead by now but he just laughed instead. Inayos nito ang pagkain sa mesa habang ang ibang kapatid naman niya ay abala sa pagkain at pagkakalikot sa mga cellphones nila.             “Enjoy your breakfast ladies.” Paalam nito. Now it’s her turn to ask Syd about it.             “Sino iyon?”             “Her therapist, Uly hired him. I think his fine naman.” A small smile appeared on Clime’s lips as she adjusted her reading glasses.             “He is getting into my nerves.” Reklamo ni Sydney. “At feeling close din siya to think kagabi ko pa siya nakilala. It’s like he know me inside out I don’t even know the guy for goodness sake.”             “Baka naman sa inis mo sa lalaking iyan maging dahilan iyan kung bakit ka biglang makalakad now I get it why Uly hired him.” Binato ni Syd ng saging si Yvette sa biro nito.             “Baka ex-boyfriend mo siya Sydney.” Dugtong ni Clime.             “If he is I would remember him or he would be in my hospital bed holding my hands praying for me to wake up.”             May punto din si Sydney. Wala na siyang maalala tungkol sa mga taong nakakasalamuha niya noon, iilan lang ang kakilala niya. The owner of the furniture company where she is working right now doesn’t even know her personally. Uly and Gette told her what she does. She works as a furniture designer that’s all. Sabi ng mga katrabaho niya na nakakasalamuha na niya ngayon na masyado siyang seryoso dati and she doesn’t even have work friends. Kaya nacucurious siyang alamin kung ano siya dati. Gette said it’s better not to dwell on the past and just make happy memories again.             “Kailangan kong gumaling at makalakad agad sabi ni Uly hindi aalis dito si Riq hangga’t nakaupo ako sa wheelchair ko.” Muntik na niyang maibuga ang iniinom na kape sa narinig niyang sinabi ito dahil kahapon lang ay sinabi nitong mukhang wala na itong pag-asang makalakad pa. literal na nawalan ito ng pag-asa na makalakad pero ngayon iba na ang sinasabi nito.             “That’s good at least you already have a reason to walk.” Aniya. Mukhang idedelay muna niya ang pag-usap kay Ulysses dahil effective ang pagpapadala nito kay Enrique sa buhay ng kapatid nila. Sana ay kung anuman ang nasa isip nito ay magwork na talaga.             “Mauna na ako malelate na ako.” She kissed them on the cheeks.                “Hatid na kita, I am driving.” HInintay niyang matapos uminom si Clime. Along the way ang office nila at ido-drop siya nito. Most of the time she took a cab. Bitbit ang canvas bag ay nagtungo na sila sa sasakyan ni Clime. Clime is working as an event organizer and even if she only had an eye but she can still drive.             “Let’s go.” Clime maneuver her car from the parking lot. Habang nagmamaneho ay napasulyap siya sa kapatid niya.             “Okay ka lang ba Clime?”             “Hmn?” she didn’t glance at her, delikado. “Of course, why asked?”             “Nahihirapan ka bang gawin ang mga bagay ng isa lang ang… ang… you know.”             Tumawa ito sa sinabi niya. “I am coping with it malinaw pa ang isang mata ko.”             “Gusto mo ng eye transplant?”             “No need okay na ako dito.” Simpleng sabi nito sa kanya at binigyan siya ng ngiti. This is kind a weird, it feels so different. Para bang may isang bagay na dapat ginagawa niya o kaya nila pero hindi niya alam kung ano iyon. “Here you are, susunduin ba kita mamaya?”             “Oh no, mukhang matatagalan ako sa pag-uwi dahil may investors meeting kami mamaya.” Nagpaalam siya dito bago ito umalis. Pagpasok niya sa factory ay diretso siya hanggang makarating siya sa showroom. May ilang designs pa na hindi siya natatapos na naiwan niya bago siya umuwi last night.             “Good morning.” Napatingin sa kanya ang mga kasamahan niya ng batiin niya. She still finds their reaction amusing as if they haven’t heard her say a word before.             “Morning Kee.” Bati ng may-edad nilang boss.             “Hi tita Sara.” All of them calls the owner as tita Sara. She’s a single yet lovely lady at her late 40’s. “Here are the designs.” Inilabas niya sa canvas bag ang mga nagawa na niyang designs. “What do you think?”             She is anticipating for her good response, pinaghirapan niyang gawin ang design kagabi. Tita Sara might be the kindest woman she had ever known but she’s too strict when it comes to work and business.             “Let’s put this into reality Kee, follow me.” Lumapad ang ngiti niya sa sinabi nito, nagthumbs up naman ang mga co-workers niya at ngumiti sa kanya. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya habang nakasunod sa boss nila. Simpleng tao lang naman siya na kapag na-appreciate ang kanyang pinaghirapan ay sobrang tuwa ang mararamdaman.             Her day actually went well than she expected, napostpone ang meeting nila with a big client. However, they accepted a very big project that joys everyone.             “There’s something about today.” Napatingin siya kay Grace ng biglang nagsalita ito habang nasa drawing table silang lahat at busy sa pagske-sketch ng mga furnitures.             “What do you mean?” si Toni ang nag-iisang lalaki sa grupo nila.             “I don’t know parang may iba, parang kakaiba. Hindi ko mawari.”             She rolled her eyes and tapped her fingers. “Magkaka-lovelife ka na Grace.” Biro niya.             “Magdilang anghel ka sana Kee, hoy Toni sabihin mo diyan sa kapatid mo na ligawan na ako.”             “My brother is sixteen years old.”             Tumawa ang mga kasama nila sa sinabi ni Toni. “Ang ganda ng wife mo sabihin mo sa kanya ireto ako sa mga ex-boyfriend niya.”             “Okay.”             “Yes!” bumaling si Grace sa kanya. “Sa tingin ko sa iyo ang nafefeel kong something Kee.”             Nagtatakang itinuro niya ang kanyang sarili. “Sa akin? Why?” natatawang tanong niya. “This is an ordinary day I think.”             “Masyadong malakas ang radar ni Grace, Kee. May lahing manghuhula yata iyan.”             “Tama si Josephine sa tingin ko may lahi akong manghuhula,”             “Sablay nga lang sa lovelife.”             “Iyon na nga pero darating din iyang lalaking iyan.” Nailing na ibinalik niya ang pansin sa pagdedesign. But true, may kakaiba siyang nararamdaman. Napakaweird ng nararamdaman niya parang may mali… parang may something talaga. ---             “SORRY.” Hingi niya ng paumanhin sa matangkad na lalaking nabangga niya. Napatingin ito sa kanya na tila ba may gulat sa mukha nito habang nakatitig sa kanya. “Is there something wrong?” takang-tanong niya sa lalaki.             “Hun, Mason, why are you-.” Isang magandang babae ang lumapit at humawak sa braso nito. Natigilan at napatingin sa kanya ang babaeng kasama ng lalaki. Kung ano ang naging reaksyon ng lalaki ng makita siya ay ganoon din ang kasama nitong babae. At nang hindi nagsalita ang dalawa ay saka niya naisipang may tama ang mga ito.             “Weird.” Bulong niya at iniwan na ang mga ito. Napakamot nalang siya ng ulo dahil sa mga taong nakakasalamuha niya. Pumunta siya sa counter upang mag-order ng lemonaide. Her day won’t be completed without her favorite lemonaide. After taking it out ay napagdesisyunan niyang umuwi na wala na doon ang dalawang nilalang na weird.             When she got home using her bike a car was parked outside her humble abode. Tiningnan niyang Mabuti ang kotseng iyon dahil hindi iyon pamilyar sa kanya. Wala si Uly dahil may inaayos ito sa Cambodia at hindi si Uly ang tipo ng taong bibili ng sobrang mahal na kotse kuripot iyon. Hindi mayayaman ang lugar nila, simpleng subdivision lang iyon na ang iba pa nga ay nasisira na hindi pa tapos bayaran buwan-buwan kaya nakapagtatakang may kotseng naligaw na ganoon.             “Nagkamali lang siguro ng parking.” Usal niya at pinagwalang-bahala iyon. Tinakpan niya ang bibig niya ng napahikab siya sa antok. Pagkatapos isandal at ilock sa tabi ng bahay ang bike ay hinanap niya ang susi sa ilalim ng mga paso. Madalas niyang nakakalimutan ang susi niya kaya mas minabuti niyang maghanap ng perfect spot pero iba-iba everyday baka may makatunog at malooban pa siya ng wala sa oras. Pagkapasok niya sa kanyang bahay ay naupo lang siya sa kanyang sofa habang nakatingin sa kawalan. Madalas niya itong ginagawa, natagpuan niya ang sariling nalulunod sa malalim na pag-iisip. Ang problema nga lang niya ay nakatulala lang siya sa kawalan ng walang iniisip. Ngayon lang niya napatunayan na possible nga talaga na nakatulala sa hangin ang isang tao na walang iniisip.             Ding… dong…             “Huh?” Kusang gumalaw ang leeg niya sa kanyang pintuan ng may marinig na doorbell. Tatayo na sana siya ng mapagtanto na wala nga pala siyang doorbell. Natawa nalang siya sa kanyang sarili at muling napatingin sa kisame ng may marinig na naman siyang katok. “Sino na naman ito?” tanong niya sa kanyang sarili.             “Sino iyan?” malakas na tanong niya. Impossibleng ang mga kapatid niya ang kumakatok sa kanya dahil kusang tatawagin ng mga iyon ang kanyang pangalan. Kaya lang wala itong nagging sagot maliban sa katok. Napilitan siyang tumayo at dahan-dahan na naglakad papunta sa pintuan, tinatamad siya gusto lang niyang silipin kung sino iyon. At kung hindi niya ito kilala ay hindi niya ito pagbubuksan.             Sumilip siya sa bintana kaya lang nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya mabistang masyado ang hitsura ng kumakatok maliban sa matangkad ito at may magandang likod. Lumipat siya sa kabilang bintana at muntik ng mapamura ng mapagtantong may malaking halaman na nakaharang doon kaya hindi niya ito makita.             “Sino sabi iyan kapag hindi ka sumagot hindi kita pagbubuksan.” Banta niya pero walang sagot mula sa taong nasa maliban sa katok. “Bahala ka! Wala dito ang may-ari ng bahay balik ka na lang sa susunod.” Sigaw niya para sa taong iyon.             “Keegan.” Natigilan siya at biglang napatingin sa nakapinid na pintuan. This is the first time after her accident her body suddenly reacts to something or someone—some voice.             “Who are you?” seryosong tanong na niya. It’s a man’s voice, lalaking-lalaki ang boses, hindi iyong sobrang laki na galing sa sobrang laking tao. It’s sounds so manly and suave.             “I am your ex-husband.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD