-3-

3565 Words
            DAPAT ay hindi niya binuksan ang pintuan dahil baka delikado ang buhay niya, sinabi ni Ulysses na hindi siya pwedeng magtiwala sa hindi niya kilala o kaya ay sa hindi niya kakilala. Kaya lang masyadong nakuha ng lalaking nakatayo sa harapan niya ang kanyang pansin. Sino ba ang hindi? Sino ba ang hindi magugulat kung isang gabi ay may kakatok sa bahay mo at sasabihin na may asawa ka, mali, dating asawa.             At ngayon natagpuan niya ang kanyang sarili na ang pakiramdam ay linoloko lang siya ng lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Kung susumahin kasing mabuti masyado naman yatang gwapo ang lalaking ito para malingkis sa pangalan niya. Alam niyang maganda siya, given na iyon, pero alam din niya ang limitasyon ng kanyang kagandahan at alam niyon hindi iyon ang babagay sa lalaking nasa kanyang harapan.             She can’t even define him properly, tatlong salita lamang… drop dead gorgeous.             “Mukhang namali ka ng bahay mister.” She dismissed him, feeling a little bit threatened she held the door tightly. Anuman ang gawin nito madaling ibalibag since nakalock na iyon.             “What happened to your forehead?” nagulat siya ng bigla nitong hawakan ang kanyang noo, bigla siyang nakaramdam ng insecurity sa puting guhit na nasa kanyang noo kaya napaatras siya ng isang hakbang at tinakpan niya ang kanyang noo habang nakatingin dito. “Is it true then?” kumunot ang noo nito at biglang tumiin ang tingin nito sa kanya. “The accident.”             “Sino ka ba talaga?” natatakot na tanong niya, dahan-dahan niyang sinara ang pinto upang matakpan ang kalahati ng kanyang mukha sa bandang may peklat.             “I told you I am your ex-husband.” Nagdugtong ang dalawang kilay niya habang nakakunot ang noo na nakatingin dito.             “Impossible.” Sagot lang niya. “Linoloko mo ako! Alam mong wala akong maalala tapos sasabihin mo sa akin na may asawa ako, mali dating asawa? How could you?”             Bumuntong-hininga ito at tila naiinip na napatitig sa kanya. “I am not fooling around Keegan.”             “Me too, wala akong panahon para sa ganito mister. Hindi kita kilala.” Pag-amin niya.             She can’t read him that fears her more, she can read people’s action, she woke up with that kind of ability but this one is an exception. She can’t read his actions, she can’t read his mind. Magaling itong magtago ng iniisip at ng nararamdaman.             “Keegan, I’m your ex-husband here’s our marriage certificate as proof and I want you back.” May kinuha ito mula sa likod ng suot nitong pantalon at ibinigay sa kanya. Curiosity is killing her so she grabbed the paper without touching him. Tiningnan niya ang papel, it was an old copy with seals and signatures. It was real. “Naniniwala ka na ba?”             Tiningnan niya ang papel at ang mukha nito, hindi ito nagsisinungaling, totoo ang sinasabi nito. Kung ganoon ay nag-asawa siya?             “Mas--.”             “Mau, you always call me Mau.” Sansala nito ng binasa niya ang pangalan na nakasulat sa marriage certificate. Kinuha nito sa kanya ang papel bago pa niya mabasa ang lahat ng detalye. “I am going to keep this you might rip it this is my only memories of our past.” Gumalaw ito at itinulak siya papasok ng kanyang sariling bahay. Wala na siyang nagawa dahil sa gulat niya sa bilis ng mga pangyayari. “Ito ba ang sinasabi mong bahay? Not bad, pero mas maganda pa rin sa dati nating bahay Kee. Let’s go back.”             “Teyka lang.” itinukod niya ang dalawang palad sa may bandang dibdib nito. “Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi mo.” Natatarantang tulak niya dito.             “I showed you the proof.”             “No! that could be fake, pwede ng makagawa ng fake na marriage certificate ngayon.” Tiningnan niya ito sa mukha. Nabuwisit siyang bigla dahil sobrang gwapo ng taong kaharap niya ang sakit sa mata.             “Pwede nating ipa-check ang authenticacy ng marriage certificate natin sa abogado, they knew better.”             Napa-isip siya sa sinabi nito. “I know someone who can check it better than a lawyer.”             “Call him.” ---                         HINDI niya masisisi ang mga kapatid niya na tahimik na nakatingin kay Mau na nakaupo sa sofa ng sala ng bahay ni Sydney.             “Husband mo talaga siya Kee?”             “I don’t know Yvette kaya nga dinala ko siya dito baka sakaling may maalala kayo sa knaya.”             Napakamot lang ng ulo ang mga ito at tiningnan siya ng nakakaloko. “Pareho tayo ng sitwasyon ngayon Kee dapat si Ulysses ang tanungin natin.”             “Wala si Uly nasa Cambodia siya hindi ba? I don’t—I mean--.”             “You can trust him Keegan.”             Napatingin siya kay Sydney. “Gwapo kaya pwede mong pagkatiwalaan.”             “Hindi lahat ng gwapo ay pwedeng pagkatiwalaan Sydney, bakit nagtitiwala ka ba kay Riq.”             “Ibang usapan ang pangit na iyon, gwapo ng hindi hamak iyang nagsasabing ex-husband mo keysa sa kanya.” Parang hindi naman ganoon. She didn’t trust Enrique but he’s good looking too, not her type though.             “Sino ba ang pwede nating pagtanungan?”             “Si Gette!”             “Tama, siguro alam ni Georgette.” Sabay silang napatingin sa orasan, pasado alas diyes na nga gabi. Nagdadalawang-isip siya kung tatawagan ba nito ito baka magalit si Ashton sa kanila dahil disturb sila sa pamamahinga ng asawa nito. “Pero tulog na siguro iyon ngayon.”             “Try lang natin.”             “Paano si Ashton?”             “Maiintindihan niya iyan it’s between life and death.”             Wala siyang nagawa kundi ang sundin ang gusto ng utak niya, she needs a clear answer, iyong galing sa mas nakakakilala sa kanya. If she’s married her sisters should have know it, they could have attend her wedding and was introduced to her husband. After a few rings Gette answered it.             “Kee? Bakit?”             “Gette, pasensya ka na kung nadisturbo namin kayo may gusto lang sana akong itanong.”             “It’s okay nagpapatulog pa ako sa bunso namin. May problema ba?”             “Uhm, am I married?”             Tiningnan niya ang screen ng kanyang phone ng mapansin na hindi ito agad umimik, akala niya ay namatay ang tawag pero konektado pa rin siya dito. “Gette?”             “Yes.”             Malakas siyang napasinghap na naging dahilan kung bakit napatingin ang lahat sa kanya. “Totoo ngang kasal ako.”             “Pero divorced na kayo ng ex-husband mo. Paano mo nalaman? Nagbalik na ba ang alaala mo?”             “No, may isang lalaki kasing umaangkin na ex-husband ko at nahihirapan akong maniwala. Sobrang gwapo kasi ng lalaki para sa akin it’s impossible. Siguro kaya kami naghiwalay dahil narealized niyang hindi kami bagay.” Tumawa siya sa sinabi niya but a little pang of pain hit her. “Do you know his name?”             “No, I don’t. Hindi mo sinabi sa amin ang dahilan ng paghihiwalay niyo, we just assumed, basta umuwi ka lang dito sa Pilipinas at sinabi mong nag-asawa ka pero naghiwalay agad kayo dahil hindi ka niya matanggap.”             Mas lalo siyang naguluhan sa sinabi ni Gette, bakit hindi siya tanggap? May nagawa ba siya bago ang kasal o kaya ay pagkatapos ng kasal. Kung hindi masagot ni Georgette ang kanyang mga tanong ang tanging pwedeng makaalam lang ay si Mau mismo. Ito lang ang pwedeng maging kasagutan sa lahat ng kanyang tanong.             “I forgot his name, you mentioned it once, but I remembered his last name.” tila nabuhayan siya ng loob sa sinabi nito.             “What’s his last name?”             “Magallanes.” She almost dropped her glass. Mau Magallanes. He is telling the truth then, he was her ex-husband.             “Thanks Georgette I can deal him, thank you for the information.”             “You’re welcome but please be careful. Huwag kang magtiwala kaagad baka masamang tao iyan at saktan ka na naman.”             “Thank you.”             Mukhang hindi na niya kailangan pang sabihin sa mga kasama ang napag-usapan nila ni Georgette dahil alam na ng mga ito.             “I was married.”             “Well,” panimula ni Clime. “Ano baa ng balak mo? Do you want him again?”             “I don’t even know if I still wanted him before the accident.”             “Baka this is your second chance in life it rarely happens.”             “Tama si Sydney baka nga ito na ang pangalawang pagkakataon na ibibigay ni Lord sa iyo. kung sa unang try hindi nagwork out maybe magwowork-out na ngayon.”  Suporta ni Yvette.             “I don’t know pag-iisipan ko pa at saka tama din si Gette hindi ako dapat magtiwala ng husto. Hindi ko siya kilala curious lang ako sa nangyari kung bakit kami naghiwalay.”             “Mukhang siya lang ang makakasagot sa mga tanong mo. Ganito nalang keep your friends close and your enemies closer. Alamin moa ng totoo at ang tunay na nangyari. Dahil kung hindi alam ni mother goose I mean ni Gette ang tungko sa inyo siguradong may hindi nga magandang nangyari dati.” May punto si Yvette sa sinabi nito. Baka nga may mas malalim na dahilan ang kanilang paghihiwalay at ito ang pwedeng makasagot sa tanong niya.             “Icheck mo muna kung hiwalay na nga kayo baka isang araw magising ka na lamang na kasal pa pala sa lalaking iyan.”             “Tama si Sydney.”             “Hayaan mo kapag nagkita o kaya ay dumating na si Uly itatanong ko kaagad kung may alam siya.”             Pagkatapos makausap ang mga kapatid ay nilapitan niya si Mau na naghihintay sa kanya, agad itong napatingin at inisang hila ang manggas ng suot niyang cardigan. “Naniniwala ka na?” hinawakan nito ang kanyang palad ng sobrang higpit. “I was your husband.”             Dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakahawak nito sa kanyang palad. “Was. Iyon ang keyword doon Mau, dating asawa. Wala akong maisip na rason kung bakit gusto mo akong balikan kung naghiwalay na pala tayo.”             At muli nitong hinawakan ang palad niya, “I love you I think that’s enough reason.” He loves her? Parang foreign word sa kanya ang mga salitang iyon, pero masarap pakinggan.             “Why?” Kumunot ang noo nito sa tanong niya. “Kung mahal mo ako bakit tayo naghiwalay?”             “There are things that didn’t work out.”             “Kung mahal mo ako siguradong makakahanap ka ng paraan para magwork out ang kasal natin pero hindi, is it my fault?” wala itong sagot sa tanong niya. “Kasalanan ko ba? May lalaki ba ako? Am I a nagging wife? Nananakit ba ako? Tell me I want you to tell me everything.”             Hinila siya nito at hindi niya napaghandaan iyon kaya napaupo siya sa kandungan nito, pilit niyang umalis pero mabilis siya nitong niyakap.             “It’s my fault.” He whispered to her. And when his breath hits her neck she shivered and she knew he felt it. “I still affect you just like before.”             “Bitiwan mo ako Mau.”             “Hindi na kita muling bibitawan pa Keegan. Nagawa ko na iyon dati at iyon ang pinakamaling desisyon na nagawa ko.” Hinapit nito palapit sa kanya hanggang sa tumama ang tungki ng ilong nila. Bigla siyang kinalibutan ng magtama ang ilong nila at marahan nitong kiniskis iyon. May kung anong kiliti siyang naramdaman sa kung saang-saang bahagi ng katawan niya.             “This is wrong.” She said pushing him away but she can’t.             “There’s nothing wrong with this. We were married.”             “Were nga, past na iyon. And besides I don’t even know if you are still single or married.”             “Wala ako dito kung may asawa na ako at wala akong pwedeng maisip na maging asawa kundi ikaw lang.”             “Naguguluhan na ako.” Sa wakas ay hinayaan na siya nitong makawala sa hawak nito. “Sumasakit na ang ulo ko.” Pagsisinungaling niya. Her head is okay she just want to interrupt him from making her feel something unwanted.             “Huwag mong pilitin ang kapatid ko.” Hinila siya ni Clime mula dito.             “I’m sorry I just want her to remember.”             “Sorry to say this Mr. ex-husband, hindi na maaalala ng kapatid ko ang nangyari bago ang aksidente. May permanent amnesia siya, sabi ng doktor imposibleng bumalik na ang alaala niya sa dati.” Napahawak siya kay Clime may bahagi kasi ng pagkatao niya ang nakakaramdam ng takot sa biglang pagsulpot ni Mau sa buhay niya. “Huwag mo siyang takutin.”             “Hindi ko siya tinatakot.”             “Sa ginagawa mo tinatakot mo siya at kung seryoso ka ayusin mo ang kilos mo.”             Napabuntong-hininga si Mau sa sinabi ni Clime. “Liligawan ko si Keegan.”             “Ayusin mo.” Wika ni Clime.             “But can I talk to her?”             “Kausapin mo siya.”               Bahagya siyang itinulak ni Clime papunta kay Mau, traydor din itong kapatid niya. Lumapit si Mau sa kanya at hinalikan siya sa noo na ikinagulat niya.             “I’ll be back sweetheart.”             Nakatanga lang siya hanggang sa makalayo na ito sa kanyang harapan. “Kinikilig ako Keegan, huwag mong masyadong pahirapan si Mau.” Hinampas lang niya ito dahil kahit siya ay sumasang-ayon sa sinabi nito. But still there’s a big part of her that tells her that she shouldn’t trust him too much.               ISANG malakas na ungol ang pinakawalan niya ng maramdaman niya ang paglandas ng labi ng kanyang asawa sa kanyang leeg. Dahil madilim ang buong paligid kaya mas ramdam niya ang intensidad ng bawat dampi ng labi nito sa kanyang katawan. Unti-unti nitong tinanggal ang strap ng suot niyang nighties habang pinapasadahan ng labi nito ang kanyang mga balikat.             This is their first night together, finally, she can give her husband the best gift she can ever give. Her first time. Dahan-dahan ang bawat galaw nito hanggang sa tuluyan ng naialis sa katawan niya ang manipis na suot niya.             “Ma-.” Mabilis na tinakpan nito ang kanyang labi ng labi nito, mas naging mapusok ang pag-angkin nito sa kanyang labi. Hindi ito ganito humalik samantalang ngayon parang gutom na gutom itong maangkin siya. “Uhm,” she yelled when his lips found her n****e and his fingers were playing the other one. It’s driving her crazy—crazier. It feels so good.             His fingers slowly travelling down from her breast to her tummy and gently caressing that part between her legs. She’s still wearing her lacy panties yet she can already feel his skin as if there’s no barrier between her skin and his fingers.                         HUMAHANGOS at pawis na pawis siya ng magising, biglang nanuot sa kanyang katawan ang lamig ng aircon. Nasa kanyang silid siya at natutulog at nagising dahil sa kakaibang panaginip na iyon. Nayakap niya ang kanyang sarili dahil pakiramdam niya ay damang-dama pa rin niya ang init ng palad at labi ng lalaki sa kanyang panaginip. She can’t remember who that guy is she can’t even remember the words she said or that man said. All she can remember or her body remembers is his hot kisses and warm hands all over her body.             “Darn.” Mahinang mura niya ng nag-iinit ang kanyang pakiramdam. Ngayon lang niya naramdaman ang ganitong klaseng init. She felt so uneasy and bothered. Kinuha niya ang kanyang cellphone upang tingnan kung anong oras na. Ala-una ng madaling araw pa. Muli siyang nahiga at napatingin sa madilim na kawalan. Pinilit niyang muling matulog pero ayaw na siyang dalawin ng antok ng magvibrate ang cellphone niya.             Napatingin siya sa kanyang caller, walang pangalan na nakaregister pero sinagot pa rin niya. “Hello?” medyo paos pa ang boses niya dahil kagigising lang niya.             “You still sound so lovely with your hoarse voice.” Napapitlag siya ng makilala ang boses na iyon.             “Mau.”             “And I am glad you haven’t forgotten me sweetheart.” Sweetheart. Bigla siyang kinabahan at iyong kaninang pakiramdam ay unti-unting bumabalik ng marinig niya ang boses nito. He sounds so sexy and alluring to her. It affects her greatly. “Bakit gising ka pa?”                “Saan mo nakuha ang number ko?”             Tumawa ito sa kabilang linya at napakagat siya ng labi ng marinig ang tawa nito, akala niya ay boses lang nito ang sexy pati din pala ang tawa nito. “You should answer first my question before you ask me one, but since it’s you I’ll answer you first. I have my ways Keegan.” Iyon lang ang sagot nito? “Now, answer me. Bakit ka pa gising?”             “I woke up.” Pag-amin niya. Pero hindi niya sasabihin na nagising siya dahil sa may napaniginipan siyang kakaiba.             “I also woke up, I had a dream.” Kumabog ang dibdib niya. “Too bad I woke up before it was finished. I would love to finish the dream.”             “What dream?”             “You would like to know?” he is teasing her. “I dreamt our first night together.” Kumunot ang noo niya at napatingin sa paligid. Baka kasi nasa silid lang niya ito—no impossible. “I can’t forget it, it’s always haunting me sweetheart. Your soft skin on mine, your scent, your taste, I can never forget it.”             “S-stop that Mau.” Aniya dito.             “Your long legs around my hips.”             “Tama na sabi.”             “I would love to feel you again Keegan.”             “Stop.”             “I can hear your heavy breathing I know you are affected.” Agad niyang pinatay ang cellphone niya dahil naapektuhan nga siya sa mga sinasabi nito. If they have the same dream, that dream must be a fragment of her past. Kung naaalala niya iyon sa knayang panaginip Malaki pa siguro ang posibilidad na maalala niya ang lahat. Maybe the doctor was wrong, pwede pang ibalik ang alaala niya. And she wants it back, she wanted to remember what happened to her or to him… to them. ---             “ANG aga pa bakit ka nandito?” halos hindi na niya mabuka ang kanyang mga mata dahil sa sobrang late na siyang nakatulog dahil sa panaginip na iyon. Tapos pagising niya ay sobrang sakit ng ulo niya dahil kulang siya sa beauty sleep, kahit ang malamig na tubig na ginamit niyang panligo ay hindi nakatulong sa antok na nararamdaman niya. Pero iyong pagbukas mo ng pintuan ng bahay mo at may sumalubong sa iyo na nakangising lalaki at gwapong-gwapo pa sino ba ang hindi maaasar.             “Good morning too.” At kung gaano ito kabilis sumulpot sa buhay niya ay ganoon din ito kabilis na humalik sa gilid ng kanyang labi.             “What the hell Mau? You don’t have to kiss me.” Nagulantang ang brain cells niya sa ginawa nito. Pero aminin niya nabuhay ang leucocytes at erythrocytes niya. Pati ang mga nerve endings niya ay kusang nagsigalawan sa kanyang buong sistema.             “Gusto lang kitang batiin.” Ngumiti ito kaya lumabas ang dalawang dimples sa pisngi nito na mas lalong ikinaasar niya. “Flowers for my wife.” Naglabas ito ng bouquet ng blue roses. Ayaw sana niya iyong tanggapin pero nacurious siya sa blue rose. “Your favorite flower, rose.”             “I don’t like blue.”             “But you like rose and you don’t have any specific color.” Totoo ang sinabi nito wala talaga siyang specific na favorite color. “Sabi ng mga kapatid mo hindi ka nagbe-breakfast dito sa bahay mo. I think we should live together again so I can cook your breakfast.”             “Masyado kang mabilis mister alam mo ba iyon?”             “I need to kung babagal-bagal ako baka matagalan din ang pick-up mo na gusto kitang makasama sa buhay ko.”             “Are you insinuating that I am slow? For your information nawala lang ang ala-ala ko pero hindi ako bobo.” Ihahampas na sana niya ang bulaklak sa mukha nito ng marahan siya nitong hinila at hinaplos ang pisngi niya.             “You are blushing when you are mad. Don’t make me fall for you too hard Keegan ikaw rin ang mahihirapan dahil hindi na ako aalis sa tabi mo.”             “Hindi ka na nakakatuwa at saka hindi na kita asawa hiwalay na tayo hindi ba?”             “Kaya nga nandito ako para maging asawa ka ulit.”             “Bakit ngayon lang Mau? Bakit ngayon ka lang bumalik? Bakit hindi noong nasa hospital at naaksidente ako? Bakit ngayon lang?”             Marahan nitong hinaplos ang pisngi niya. “Because he told me to wait until you are safe. He doesn’t want me to risk your health because of my presence. He told me to wait and I waited so long before I can finally approach and talk to you.”             “Sinong ‘he’?”             “Ulysses, he wanted to protect you and I agreed with him. I might not be with you all along but I was there in a distance.” Dahan-dahang lumambot ang puso niya sa sinabi nito. Hindi niya maikakailang iba ang dulot ng mga salita nito sa kanya. If Ulysses knew him maybe she can trust him… maybe she can.             “May kailangan pa ba akong malaman Mau?”             “Wala na.”             “Sana hindi ka nagsisinungaling sa akin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD