4 - Memories

2568 Words
    "Ano iyan?" taking tanong niya habang nakikipanood sa news sa TV. Kanina pa kasi abala ang mga tao sa panonood ng TV sa office. "May sumabog na bomba ba?"     "Mas worse Kee, tingnan mo may bagong disease na nag-spe-spread ngayon."     "Talaga?" kinabahan naman siya sa narinig niya. "Iba na talaga ang panahon ngayon marami ng mga sakit na lumalaganap. Saan daw galing ang sakit?"     "Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng department of health kung saan galing ang sakit at nahihirapan din silang maghanap ng lunas." Sagot naman ng kausap niya.     "Ano ba ang symptoms? Ilan na ba ang natamaan ng sakit na iyan?"     "Ayon sa balita may dalawang pasyente na nasa quarantine."     "Saan naquarantine?" "I don't know where hindi sinabi sa news. Bigla nalang kasing nanginig ang mga pasyente at walang tigil sa pagsusuka. Mabilis din na bumabagsak ang immune system nila at sobrang taas ang lagnat. Namumula din ang buong katawan na parang namamantal at kapag nagpatuloy at hindi naagapan pwedeng huminto ang body functions. Iyon ang sinasabi ng doktor sa interview." Tiningnan niya ang doktor na nasa TV. "Gwapo no?" "Yeah, ano ang name?" gwapo naman talaga ang doktor na nasa TV. "Single pa ba iyan?" "Iresearch natin sa f*******: later. Ang gwapo talaga ng doktor na iyan. Oh yeah, I remembered his name. Doctor Ramses Carillas." Muli niyang tinitigan ang mukha ng doktor dahil parang Nakita na niya ito dati. Linapitan niya ito ng husto hanggang sa--. "I think that's too much wife." "Oh... Mau." Gulat na ani niya ng makilala ang humila sa kanya mula sa TV. "What are doing here?" taking tanong niya. "Bad mood ako ngayon." Tumikhim ang kausap niya kanina at nakangising umexit. "Why?" she asked innocently. "I'm here cutting my meeting too early because I missed my wife and from what I saw she was ogling at the TV screen." Nag-init ang kanyang pisngi sa sinabi nito. "Is that doctor too handsome you can't even resist him?" kunot-noong tanong nito sa kanya. Teyka lang bakit ba feeling guilty siya samantalang hindi naman talaga sila mag-asawa. They broke up, divorced na nga ang status nila hindi ba? Nagkibit-balikat siya at tinaasan ito ng kilay, "I am single and I can ogle anyone I like especially when I found them fascinating." Mas lalong naningkit ang mga mata nito sa sinabi niya sa isang iglap lang ay natagpuan nalang niyang nakayakap ang braso nito sa beywang niya. "Fascinating? Let me remind you sweetie you are no longer single." "The last time I heard from you we were divorced so I am single." She pushed him strong enough to break their linking. "Ang bilis mo naman yata kung iisipin mong makukuha mo lang ako agad ng ganoon kadali." Prenteng-prente lang itong nakatayo sa harap niya habang ang mga kamay ay nasa magkabilang bulsa ng suot nitong pantalon. Hindi man lang ito natinag sa kanyang sinabi at para bang feel na feel nito ang mga nangyayari ng mga sandaling iyon. "And the last time we talked I told I am going to get you back I hope you remembered that." "And do you really think you can win me back that easy?" papatalo ba naman siya dito. Ano siya easy to get? "Do you want--." Napahawak siya sa kanyang ulo ng biglang may narinig siyang nakakabinging ingay. "Keegan!" agad itong umalalay sa kanya lalo pa at napaupo na siya sa sahig. "Patigilin mo ang ingay Mau. Ang sakit sa teynga." "Anong ingay? Wala namang maingay." Tinakpan niya ang teynga niya dahil mas lalong tumitindi ang ingay na naririnig niya. Parang kahalintulad iyon ng matinis na ingay ng microphone kapag nagkakaroon ng static. "Keegan..." "Ang sakit hindi ko kaya ang sakit. Please patigilin mo." Naiiyak na ani niya dito. Kahit anong gawin niyang takip sa teynga niya ay hindi nagbabago ang intensidad ng sakit na nararamdaman niya. "Masakit." Sa ibabaw ng palad niya ay ipinatong din nito ang palad nito, when she felt his skin on hers ay unti-unting humihina ang ingay. Hanggang sa tuluyan na iyong nawala pero naiiyak pa rin siya at natatakot na baka bumalik ang ingay na iyon. "Naririnig mo pa rin baa ng ingay?" nag-aalalang tanong ni Mau sa kanya habang pinupunasan ang pawis sa kanyang noo at ang luha sa kanyang pisngi. "Nawawala na." humihikbing sagot niya. She saw relief from his face when she told him that. "Pero masakit ang ulo ko." Dinama nito ang kanyang ulo at marahang minamasahe. Bahagyang gumaan ang naramdaman niyang sakit. "Do you have your medicines? May nakalimutan ka bang inumin?" Umiling siya. "Hindi na ako umiinom ng gamut dahil hindi na naman kailangan." "Ang nangyari sa iyo kanina lang palagi mo bang nararamdaman iyon?" Umiling uli siya. "Ngayon lang." nanginginig ang mga labi niya sa naging sagot niya. "It hurts, I don't want to experience that again." She shivered remembering that pain. "Don't worry sweetie I am here hindi kita pababayaan. Hindi ko hahayaan na masaktan ka uli." and she believed him. Naniniwala siya sa mga salitang sinambit nito. Sana nga ay hindi siya nito saktan dahil nakakatakot masaktan ng paulit-ulit. --- "Mukhang nandito na si Uly." Masayang balita niya kay Mau ng makita ang kotse ng kapatid na nakapark sa bahay ni Sydney. "Kilala mo siya hindi ba?" hinawakan niya ang palad ni Mau at hinila papasok ng bahay ng kapatid niya. "You need to tell them the truth Ulysses, this won't help. Hiding them in the shado-." "Uly...Gette, what are you doing here?" nagtatakang tanong niya. Hindi niya akalain na makikita dito sa Gette. Mukhang seryoso ang naging usapan ni Gette at ni Ulysses. Napakunot ng noo si Gette ng makita ang kasama niya samantalang si Ulysses ay wala siyang mabasang kahit na anong reaksyon. "Anong pinag-uusapan niyo?" "Wala." Mabilis na sagot ni Ulysses at lumapit sa kanya. Guguluhin sana nito ang buhok niya pero maagad na nahawakan iyon ni Mau. "Don't." agap ng dating asawa. "Sumakit ang ulo niya kanina at may malakas na tunog siyang narinig baka lalong lumala." Kunot-noong tumitig sa kanya si Ulysses. "Ilang beses na nangyari iyon sa'yo?" "Kanina lang." "Uly." May halong babala sa boses ni Georgette tila may gustong sabihin. "Magpahinga ka muna Keegan habang hinihintay natin si Yvette, kakausapin ko muna si Maurice." Kilala nga nito ang dating asawa niya. "If that's okay with you?" baling nito kay Mau. "Rest." Bulong ni Mau sa kanya. Pumasok siya sa loob ng silid ni Sydney dahil iyon lang naman ang silid sa bahay na iyon. Gusto rin niyang magpahinga pero mas curious siyang malaman kung ano ang sasabihin o pag-uusapan ni Ulysses at ni Mau. Kinakabahan siya pakiramdam niya ay may dapat siyang malaman o kaya naman ay may importanteng bagay siyang nakalimutan. "Sasabihin nila kung anuman ang kailangan mong malaman Keegan they won't keep you in the dark." Sabi niya sa kanyang sarili. "Just trust them." Right now they are the only people whom she needs to trust. Malalaman din niya ang totoo sooner or later. She stripped off her clothes and found that funny mark on her right arm. It wasn't an ordinary mark na mula sa tinta o ano. Para bang sadyang may idinikit na mainit na bagay sa balikat niya upang magkaroon talaga ng marka doon. Kung pagbabasehan ang tagal ng peklat sigurado siyang matagal na iyon. Pero ano ang bagay na iyon? Itinapat niya ang braso sa harap ng salamin and it reads... K.E.G 373. --- "WE need to return their memory." Napatingin siya sa babaeng kasama ni Ulysses. Nasa garden sila ng bahay at sinigurado ni Ulysses na hinid makakalabas ng bahay si Sydney. "Ulysses, listen to me. Hindi ikakabuti na hindi nila alam ang tunay na nangyari." "At ano ang mas nakakabuti Geeorgette? Ang malaman nila na lumaki sila sa isang sindikato at gumagawa ng masama? They were given another chance, another life, let's give them a normal life." Sagot naman ni Ulysses, nanatili siyang nakamasid sa dalawa. "Maurice, don't you want Keegan to remember you and your past?" napamulagat siya sa sinabi ni Gette, habang si Uly naman ay maangas na napatingin sa kanya. Sa dalawang ito alam niya kung kanino siya kakampi. "I don't want her to remember our past, I want to built a good future for us." Malakas na napabuntong-hininga si Georgette sa sinabi niya. Alam niyang hindi sinabi ni Ulysses ang totoo sa kaibigan nito. At alam din niyang hindi sila magkakapatid. Pareho silang miyembro ng sindikato at pareho sila ng apelyido pero hindi sila magkadugo. "Paano kung ang nangyayari kay Keegan ngayon ay side effect ng gamut na isinasaksak natin sa kanila? Paano kung mas lumala pa ang nararamdaman niyang sakit sa ulo at kung anu-ano ang kanyang naririnig. Erasing her memories won't help her." "We weren't erasing her memories Gette, we are blocking all the memories. All their previous memories and yes, that tingling sound is a side effect of the drug." Pag-amin ni Ulysses. "I am going to retest the drug before we injected it to them." Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Gette sa sinabi ni Ulysses. "And besides before we blocked their memories we had their approval." Tumingin sa kanya si Ulysses. Iyon ang hindi niya alam kaya kunot-noong tumingin siya kay Ulysses. "Noong nagising siya sa coma may naaalala ba siya?" tanong niya. "Everything, she remembered everything. Lahat sila naaalala ang nangyari bago at pagkatapos ng aksidente. It's their choice we didn't force them to do it." Bumaling ito sa babaeng katabi. "Choice nila na malimutan ang lahat ng nangyari kaya huwag na nating guluhin ang pinili nila. Masaya na sila ngayon dapat ito ang buhay na kinagisnan nila at hindi ang buhay dati." He doesn't want her to remember him as well... their past... because if she did it would ruin everything. "I want her this way now, don't return her memories. I don't want her to hate me and how I ruined her life and her heart before." He is almost begging. "The disease. We don't know who created it, we don't know who among the four owned it. Hangga't hindi nababalik ang alaala nilang apat hindi natin malalaman kung ano ang antidote ng viral infection na lumalaganap ngayon sa hangin. Mas maraming buhay ang mapapahamak habang tumatagal Uly." "Ako na ang bahala sa viral infection, madali lang iyan." "At kailan mo mahahanapan ng antidote?" "Sa lalong madaling panahon." Naglakad si Uly palayo sa kanila. Hindi naman maipinta ang mukha ni Georgette habang pinapanood ang kausap nila na umalis. "And Ulysses." Huminto si Uly sa paglalakad at tumingin kay Georgette. "Kung gusto mo lang namang malaman. Dalawang tao na ang nasa bingit ng kamatayan ang buhay ngayon. Ang isa ay isang sibilyan na napadpad lang sa lugar na iyon, at ang pangalawa." Huminto si Gette sa pagsasalita at napalunok habang magkadugtong na ang kilay ni Ulysses. "Her." "You're lying." Uly immediately snapped. "I don't lie when it comes to this, nasa isang quarantined island siya ngayon. Kanina noong tumawag si Ramses he told me that her chance of survival is close to thirty percent. Her brain is functioning slowly, her heart stops every five minutes. Every time counts. Now it's your choice. If you really care for her return the life she deserves as well even without you in her life." Naiwan na nakatayo si Ulysses sa gitna ng garden habang nakatitig sa papalayong kausap. Alam nilang pareho na hindi nagsisinungaling si Georgette they can both see the truth. And the man whom he knew who doesn't show any feeling seems to be human at all... He would do everything, huwag lang maibalik ang alaala ni Keegan. Hindi ngayon at hindi kailanman kahit na anong mangyari. Kailangan niyang mailayo si Keegan dito sa lalong madaling panahon and he knew the best place to hide her momentarily... or forever. --- "KEEGAN." A voice of an angel is calling her from her deep slumber. "Wake up sweetie, it's time for us to go." "To go?" she asked sleepily. "Where to?" "Kailangan nating magbakasyon. Nasabihan ko na si Ulysses at si Georgette pati na rin ang iba mo pang mga kapatid. Ang sabi ni Ulysses na baka side effect ng nangyaring aksidente ang nangyari sa iyo kahapon. You need to rest somewhere more relaxing." "I have work." "You can always take a vacation leave, huwag kang mag-aalala ako na ang bahala." Sobrang gentle ng boses nito kaya siguro mabilis siya nitong napasunod. "Saan tayo pupunta?" inalalayan siya nitong umupo ng maayos at saka yumuko upang isuot ang sapatos niyang hinubad niya kanina bago siya sumampa sa kama ni Syd at matulog. "Where to go Mau?" "It's a surprise but I know you will love the place." Dahan-dahan siya nitong hinatak patayo at alalay na alalay sa kanya na para bang lumpo siya kaya siya natawa. "Kaya ko namang maglakad bakit parang lumpo akong inaalalayan mo." "Mahirap na baka madapa ka." Nagtataka siya kung bakit hindi sila sa front door dumaan. Gusto sana niyang magpaalam ng maayos sa mga kapatid niya pero parang nagmamadaling masyado si Mau. Tatawagan nalang siguro niya kapag nakarating na sila kung saan man siya dadalhin ng lalaking ito. Habang naglalakad sila ay hindi niya maiwasan na mapatitig sa mukha ng dating asawa. He is really handsome, his eyes were piercing, her noses looks so sexy and his lips, just like in her dreams, it feels so full and hot. "What's with the look?" tudyo nito sa kanya. "Ang gwapo mo pala Mau." Dahil ba sa medyo inaantok pa siya kaya niya nasabi iyon pero iyon naman ang totoo. And he laughs as well, ang sarap pakinggan ang tawa nito. Masarap sa teynga at sa puso. Parang nakikiliti ang puso niya sa malambing na tawa nito. "Minahal mo ang mukhang ito Kee." Umismid siya at nagpout. "I doubt it. Kahit na may amnesia ako sigurado akong hindi ako mahuhulog sa mukha lang. Baka may nakita ako sa iyo dati na naging dahilan kung bakit nagpakasal ako sa iyo." "Siguro nga, nakikita mo na ba ngayon kung ano iyon?" may double meaning ang salita nito. Ngumiti lang siya sa tanong nito. "I don't know... yet." "Huwag mong madaliin ang pagfall sa akin Keegan. Take your time I am not rushing you into this. I want you to fall in love with me slowly but surely." Tumikwas lang ang kilay niya sa sinabi nito. "At bakit naman?" "If you fall in love with me slowly, it would be harder for you to forget your feelings when you got mad at me. Mas mangingibabaw sa iyo ang pagmamahal mo keysa sa galit." "Parang hindi ko gusto ang sinabi mo. May balak ka yatang paibigin ako ng husto sa iyo." "Oh you know my plan?" he joked. "I am telling you my plans baka kasi magalit ka sa akin kapag gumising ka isang araw na hindi mo na kayang wala ako sa tabi mo." "Baliw ka hindi naman siguro manyayari iyon. Is it even possible?" "Lady there's nothing impossible in this world." "Hindi nga?" possible ba iyon. "I know its possible because I woke up one day wishing that you are beside me." Napatitig lang siya dito. "And I would do anything and everything for it to happen. So, fall in love with me Keegan. I will be waiting for us to happen." He held her chin he kiss the tip of her nose slowly and tenderly. Would it take her long to fall for him slowly?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD