Chapter 30 - Heart NAPAPIKIT si Heart nang sa pagmulat niya ng mga mata ay napakaliwanag ng ilaw na bumati sa kanya. She groaned. What happened? "Thank God, you're f*****g awake!" Bulalas ng boses ni Lux kaya kahit na nasisilaw man ay natingnan niya ang pinagmulan ng boses nito. Ganun na lang ang pag-itsa nito ng hawak na magasin at agad na tumayo mula sa isang sofa. Nakatunghay lang siya rito at nagtataka kung bakit wala sila sa condo. Nang makalapit ito ay sinalat siya nang paulit-ulit at saka inilapat ang pisngi sa noo niya. She passed out. That was what happened and she already remembered. Yun lang ang huli niyang natandaan pero ang dating sa kanya ngayon ay isang panaginip lang, na hindi niya mawari kung totoo bang nangyari o hindi. Kumurap siya kay Lux nang mag-angat ito ng

