Amethyst "Congratulations Miss Cepeda you are three weeks pregnant " ani ng doctor na tumingin sa akin. " Salamat po doktora Cruz " nakangiti ko namang saad sa kanya. " Nagreseta ako ng mga vitamins at gatas para sa pagbubuntis mo para healthy si baby, bumalik ka sa akin every month para sa check up mo" sabi pa nito habang iniaabot sa akin ang reseta. Pagpasok ko sa aking sasakyan ay napahimas ako sa aking tiyan. " Salamat baby sa pag dating mo mahal na mahal kita " naka ngiti kong bulong sa aking sarili. Napagpasyahan kong dumeretso sa bahay ni Dylan dahil gusto ko sana sabihin kay Jacob. Tumawag muna ako sa mansion para alamin kung naroon si Jacob at isa sa mga kasambahay ang naka sagot at sinabing naroon nga ang bata. Dumaan muna ako sa isang bakeshop at bumili ng cheese

