Episode 1
Amethyst
" Good morning Ms.Cepeda, so far no meetings this morning, just review lang po ng mag files na yan then please sign na din po. 3pm my meeting ka with Mr. Cruz of the design department, 5pm with Mr Flores regarding sa proposal nila for the new project and 7pm with Mr. Sebastian" bungad na sabi ng aking secretary na si Christine.
" Thank you Chris " naka ngiting sabi ko sa kanya.
Patalikod na sana ito nang lumingon at tila hindi mapakali.
" Anything else Chris? " tanong ko sa kanya.
Binuksan nito ang hawak na black na binder at saka inilabas ang isang white envelope, inabot niya ito sa akin at saka ko binuksan at binasa.
NATASHA ANDERSON AND CARL JAMES SEBASTIAN
INVITING YOU TO THEIR WEDDING
" Dinaan po yan kanina sa table ko " saad nito.
Palabas na ito nang bumukas ang pinto at pumasok ang aking mga kaibigan.
" I called Ms Stef nang matanggap ko yan." dugtong nito.
Ngumiti lang ako sa kanya at saka siya tuluyang lumabas ng pinto.
" Hi Amz! naka tanggap din kami kanina lang." si Ava na lumapit sa gilid ko at humalik sa aking pisngi.
" Amz okay ka lang ba? " si Trisha na umupo naman sa harap ng aking table.
" Tinawagan ako ni Ralph nagtatanong sila kung alam daw ba natin ang tungkol dito. I just said that we don't know anything." is Stef na umupo sa pulang sofa na nasa loob ng aking opisina.
" Naka balik na pala sila ni Tasha galing America, di man lang ako nainform " saad ko at nagsimulang magbukas ng isang file na nasa ibabaw ng lamesa ko.
" Amz wala ka bang gagawin man lang" tanong ni Trisha.
" Anong gusto niyong gawin ko?" nakangiting tanong ko sa kanila.
" I knew it !.That b*tch! She planned everything. From pagpunta ng America para magpagamot si Carl. Kapag nakita ko yang bruha na yan manghihiram yan ng mukha sa aso " gigil na sabi ni Stef.
" Hmmm.. I think hindi niya plano " si Kat na nakatutok sa cellphone niya simula ng dumating sila.
" What do you mean by that? " tanong ni Trisha.
" Go and check he IG account, she posted it 2 days ago " nagaalangang sabi ni Kat.
Dali daling nag labas ng cellphone at nag browse sina Stef at Ava.
" Omg ! the ring " nanlalaking matang sabi ni Trisha saka inabot sa akin ang cellphone niya.
Napahigit ako ng malalim na hininga ng makita ko iyon, maya maya ay binalik ko din ang cellphone ni Trisha.
" Wala ba kayong mga work ngayon? " biglang tanong ko sa kanila at nag simulang magbukas ng file na nasa ibabaw ng aking lamesa.
" Amz, you don't need to hide it. We are all here for you" si Ava na hinawakan pa ako sa kamay.
" Amz we have to do something hindi pwede ito " si Stef na naiinis na ang boses.
" Wala na tayong magagawa, mukhang masaya naman na sila " sagot ko kay Stef.
" We need to get out here. Para makapag isip ka ng maayos at maka buo tayo ng plano. Lets go." Naiirita pa ding sabi ni Stef.
" I'm okay Stef and marami akong meetings today I can't go" sagot ko sa kanya habang nakatingin sa file na nakabukas sa harap ko.
" Okay fine. Babalikan ka namin after work " saad ni Kat.
" I have dinner meeting with Kuya Rhod? " sagot ko.
" Why?" si Ava.
" He's been asking for months na makausap ako. Maybe importante talaga at may paguusapan din kami about sa business " sagot ko sa kanya saka binuksan ang laptop ko.
" 9PM sa PIC kapag hindi ka pumunta kaming lahat susugod sa iyo." si Stef.
" Okay I will see after ng dinner meeting ko " nakangiting tugon ko.
Isa isa nang nagtayuan at nagpaalam ang mga kaibigan ko.
Nang maiwan na akong mag isa ,kinuha ko ang invitation card at binasa.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko habang nakatitig sa card.
Maya maya at may kumatok sa aking pinto dali kong pinunasan ang aking mga luha.
Pumasok si Chris na may dala dalang tea.
" Ma'am tea nyo po " saad nito.
" Thank you Chris " nakangiting sabi ko dito.
" Chris, can you move my meeting this afternoon on Monday except the 7pm. Tatapusin ko lang itong mga papers" dugtong ko pa.
Magtatanghalian na ng matapos ko lahat ng file ay kinuha ko ang bag ko at laptop ko.
Lumabas na ko ng pinto at saka inabot kay Chris ang mga papers
" Chris you can go home now. I will be out " saad ko kay Chris.
Malungkot itong nakatitig sa akin saka inabot ang mga files.
Nagtungo ako sa elevator saka bumaba sa lobby.
Halos liparin ko ang daan pauwi sa aking condo yunit sakay ng aking pulang sports car.
Nang makarating ako sa bahay ay agad akong nagtungo sa mini bar saka nagsalin ng whisky sa baso.
Huminga ako nang malalim at saka nilagok ang laman ng baso at muling nag salin.
Nagtungo ako sa sala dala dala ang alak at baso tsaka naupo sa mahabang sofa at nag bukas ng cellphone at nag browse.
Nakita ko ang mga post ni Natasha, napalunok ako ng makita ko muli ang singsing.
Pinilit kong wag maiyak ngunit kusang pumatak ang aking mga luha.
Pinanuod ko ang video na inupload niya.
Nakita ko kung paano kumislap ang mga mata ni Natasha ng lumuhod sa harap niya si Carl.
Mapait akong napangiti. Kagat labi kong pinigilan ang patuloy na pagluha ko.
Ininom kong lahat ang laman ng aking baso saka nagsalin muli.
Biglang nag ring ang cellphone ko.
" Hey, how are you? " tanong ng nasa kabilang line.
"He's back" sabi ko saka muling uminom.
" Are you okay?" tanong niya muli.
" I don't know, honestly hindi ko alam kung anong nararamdaman ko " sabi ko habang pigil ko ang pagtulo ng aking luha .
" Umiiyak ka ba?" tanong niya.
" I want to see you now" may diin niyang sabi.
" I need to go maybe some other time na lang, i meet ko pa si Kuya Rhod " sagot ko.
" Bakit? Are you sure? I will send someone to go with you?" aniya.
" I will be fine. I have to go now. I see you when your back okay?" paalam ko.