Episode 2

1199 Words
Amethyst  Sa isang Japanese Restaurant kami nagkita ni kuya Rhod. Nagpark ako nang sasakyan ko at isinuot ang aking cardigan na dala para patungan ang black spaghetti body con dress na suot ko. Habang papasok ako sa lugar ay malakas ang kabog ng aking dibdib. Sa isang private room ako inakay ng isa sa mga staff. Napatayo si Kuya Rhod ng makita niya ako pag pasok ko ng pinto. Pinaghila nya ako nang upuan katapat sa kanya. " Shall we order first? " tanong niya sa akin habang nakatingin sa menu book. " Lets get straight to the point. Bakit? " ani ko habang nakatitig sa kanya. " He is back " sagot niya. " I know " maiksing sagot ko. Binaba niya ang libro at humigit ng malalim na hininga. " I've been wanting to talk to you for so long, but you are just ignoring me. I wanted to warn you about this. I want to tell you about him and the wedding "mahina niyang sabi. Nanatili akong tahimik at nakatingin lang sa kanya. " You have to do something para hindi matuloy ang kasal. He must know everything. I will help you.. " Pag papatuloy niya. " Bakit mo ito ginagawa? Di ba dapat matuwa ka dahil natupad na ang gusto mong mangyari? " tugon ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at nakipag titigan. " Alam mo ang dahilan. Alam mo kung bakit " si Rhod. " Yun nga sana alam ko na lang lahat, para hindi na ko nakipag kita sa iyo." sabi ko. " Hanggang kelan ka ba magiging ganyan Amethyst. Its been a year hindi mo pa ba ako mapapatawad? I've suffer a lot dahil sa mga nangyari. Alam ko kasalanan ko lahat and ilang beses na ba akong hihingi ng tawad?"si Rhod. Napangisi ako ng mapait sa sinabi nya. Saka tumayo at nagsalita. " Walang kapatawaran ang nagawa mo. It cause an innocent life." Sabi ko sabay talikod. Nakita kong kumunot ang noo niya at tila nagtataka sa huling sinabi ko sa kanya. Stef calling... " Hello Stef? " " Amz saan ka na. Okay ka lang ba? " " I'm on my way " " Do you need a ride? " " No I'm fine, i will be there soon " " Okay see you " ***PIC ( PARTNERS IN CRIME ) Nakarating ako ng PIC na pag aari ni Mark at Ava. Dahil kilala ako ng mga staff niya hinayaan lang nila akong iparada ang sasakyan ko sa harap ng bar. Mahaba na ang pila sa labas at mukhang punuan na din sa loob siguro dahil friday night. Tinulungan ako ng isa sa mga bouncer na makapasok sa loob at sinamahan na din ako sa private lounge kung nasaan lahat ng mga kaibigan ko. " Finally your here " si Stef na sumalubong sa akin at yumakap. Humalik at yumakap din ako sa iba pa naming mga kaibigan. Nagulat din ako ng bahagya ng makita ko si Liam na naka upo at nakatingin lang sa akin. Inakay ako ni Stef paupo sa gitna kung saan naka upo na din ang mga kaibigan ko. Nakagawian na namin simula nung mag fourth year highschool kami na every second and fourth friday night of the month na mag-get together. Nung una girls night lang pero kalaunan ay nadagdagan kami hanggang makatapos ng college at magkaroon ng kanya kanyang career. Magkatabi si Kath at ang boyfriend nyang si Ralph sa bandang dulo. Si Mark at Ava naman ay nasa kabilang dulo. Si Stef at Trisha ay pinagitnaan ako habang si Liam at Josh naman ay nasa harap namin. Malakas ang tugtog kaya halos magsigawan na lang kami para magkarinigan. " How is your dinner meeting? " tanong ni Trisha. Nagsmile lang ako ng kaonti at saka umabot ng beer na nasa bucket. " Kumain ka na ba? " Si Stef. Umiling lang ako sabay lagok ulit ng beer. " Gumaganda ka yata lalo Amz. " Si Josh nakasandal lang sa sofa habang may hawak ding bote ng beer. Tinaas ko lng ang bote ko na parang nag cheers sa kanya. Napatingin ako kay Liam na hindi pa din ako pinapansin. Tahimik lang na naka masid sa akin si Kat at Ava. Minsan may mga binubulong sa akin si Trisha at Stef pero hindi ko din halos madinig kaya tango at smile lang ang tugon ko. Naka apat na bote na ko ng beer nang makaramdam ako ng medyo pagkainit at bahagyang pagkahilo. Tuloy tuloy pa din sila sa pag kwentuhan habang ako ay naksandal lang at nakatingin sa dance floor na punong puno ng mga taong nag sasayaw. " What the h*ll !Bakit andito ang mga yan?" malakas na sabi ni Stef na kinagulat namin kaya lahat kami ay naka tingin sa kanya. " Oh may gosh " si Trisha sabay hawak sa aking kamay at nilingon ako. Napatingin ako kung saan napako ang kanyang mga mata. Napapitlag ako nang makita ko kung sino ang mga dumating. Si Carl na naka akbay kay Tasha at si Kuya Rhod na nasa likod nila. Feeling ko nagtaasan lahat ng dugo ko sa mukha at ramdam kong ano mang oras ay para akong bulkang sasabog. " Hi! its nice to see you alive " si Liam na tumayo pa nakipagkamay sa mga bagong dating. Ganun din ang ginawa nang ibang mga lalake pero hindi ang mga girls. Tumayo si Josh sa harap namin para ibigay ang upuan sa mga bagong dating. Nagkatinginan naman ang mga kaibigan ko na para bang naghihintay ng reaksiyon sa akin. Lumipat si Josh sa tabi ni Stef at nakita ko naman sinenyasan ni Mark si Liam na tumabi sa akin. Inakbayan ako ni Liam at binulungan " Don't worry I will protect you ." Sabay smile. Napangiti na lang din ako sa sinabi nya at uminom ulit ng beer. Napatingin ako sa mga nasa harap at nakita kong kunot noong nakatitig si Carl sa akin. " Kamusta ka na Amethyst? "maarteng tanong ni Tasha. " I'm good " maiksing sagot ko sa kanya. Napadako ang tingin ko sa kamay niya at nakita ko ang singsing. " Boyfriend mo ba si Liam? " biglang tanong ni Carl na kinalingon ng lahat sa kanya. Naka kunot pa din ang noon nito habang tinutunga ang beer. Nagulat ako sa tanong niya sa akin. Dahil siguro sa tama ng beer sa akin kaya ngising nakaka inis lang ang sinagot ko sa kanya. Saka ko tinunga lahat ng laman ng beer na hawak ko. " The devil is back " mahinang sambit ni Trisha na kinalingon ni Ralph na naka hawak sa bewang nito. " Uhuh.. I think i will like this show " si Mark. Agad naman naka tikim ng mahinang siko sa tagiliran niya galing kay Ava. Napatingin ako kay kuya Rhod na nagmamasid lang sa aming lahat. Nakikita ko ding paminsang nakatitig sa akin. Nagkanya kwentuhan at kamusta ang mga lalake tungkol sa mga kanya kanya negosyo nila. Habang ang mga babae naman ay tahimik lang ding nakikinig. Bigla ulit bumulong sa akin si Liam na kinalingon ni Carl. " Ready for a show? " si Liam. " Huh?"takang tanong ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD