Episode 3

1731 Words
Amethyst Naguguluhan akong tumingin kay Liam at naghihintay nang sagot. Nang biglang tumahimik ang dance floor at magsalita si Mark sa taas nang stage. Hindi ko namalayan kung kelan siya nagpunta dun. " Good evening ladies and gentlemen I hope you are all enjoying your night here in PARTNERS IN CRIME.Okay since its friday night... And we always do this here in our club..for those who are new here we have this special request time..." si Mark in his DJ voice mode. " Okay let get its started.. Our first special performance will come from VIP table 1. Ms. Amethyst and Mr Liam. May we have them on the stage please." pagpapatuloy ni Mark. Nagulat ako ng tawagin ang pangalan ko. Nagtataka akong napalingon kay Liam na nakangiti lang sa akin. " Like the old times... Shall we.." Anito sa akin. Naririnig ko ang mga kaibigan ko na sige ang pag cheers sa akin na pumunta na sa stage. Napalingon ako kay Carl na nakatitig pa din sa akin at naka kunot noo. Biglang pinagsalikop ni Tasha ang mga kamay nila ni Carl na nakatitig pa din sa akin. " Do you know how to sing? " tanong niya na di pa din natitinag ang titig sa akin. Nagsmile lang ako sa kanya at saka inubos ang pang anim na bote ng beer bago humawak kay Liam na tinulungan akong tumayo. Hinapit ako ni Liam sa bewang at bumulong... "I missed this". Sabay smile sa akin. Inalalayan pa ako nito maka akyat s mini stage. Lumapit si Liam sa DJ at may binulong saka bumalik sa akin sa harap ng stage at inabot ang wireless na mic. " Good evening everyone. We hope you will like this song " si Liam " After all" bulong niya sa akin. Napasmile naman ako bigla nang may maalala ako. This is the first song na kinanta namin together ni Liam. Napatingin ako sa table namin at nakita kong nakakunoot pa din ang noo ni Carl at nakatitig sa akin. Nagsimula nang iplay ng Dj ang kanta. Si Liam ang unang kumanta... Well, here we are again I guess it must be fate We've tried it on our own But deep inside we've known We'd be back to set things straight Napatingin ako sa kay Liam habang kumakanta ito. Naalala ko noon we use to sing together sa mga programs at kahit sa family gatherings namin. Then I start to sing... I still remember when your kiss was so brand new Every memory repeats Every step I take retreats Every journey always brings me back to you Hinawakan ni Liam ang kamay ko at saka nagsmile. Sabay kami... After all the stops and starts We keep comin' back to these two hearts Two angels who've been rescued from the fall After all that we've been through It all comes down to me and you I guess it's meant to be, forever you and me, after all Hinapit ako ni Liam sa bewang na kinabigla ko ng bahagya.. Nilingon ko muli si Carl na ngayon ay parang gusto nang pumatay ang kanyang mga titig sa amin. Dala siguro nang alak kinawit ko ang isang kamay ko sa leeg ni Liam. Nagpatuloy kami sa pagkanta sa ganung posisyon. Naghihiyawan at palakpakan ang mga nanuod sa amin. Hindi ko na nilingon si Carl pero ramdam ko pa din ang matalimna tingin  niya sa amin. Nang matapos ang ang kanta ay dinampian ako ng mabilis na halik ni Liam sa noo. " Thank you... I missed singing with you " bulong nito sa akin habang pabalik kami sa table namin. Magkahawak kamay kaming nakabalik sa pwesto namin saka niya ako inalalayan para makaupo. Panay pa din ang tukso sa amin ng mga kaibigan namin. Inabutan ako ni Liam ng tubig na palagi niyang ginagawa noon matapos kaming mag perform. Ininom ko yun at saka tumingin kay Carl na masama pa din ang tingin sa aming dalawa. Habang si Trisha naman ay nakikita kong hinahagod ang likod nito na parang pinapakalma niya. Inakbayan muli ako ni Liam at saka isinandal sa sofa. " That was awesome. Walang kupas talaga" si Trisha na nakayakap na kay Ralph at halatang lasing na. " Yeah I remember nung highschool madalas kayong mag perform sa mga school program diba " si Josh. Inabutan ulit ako ni Liam ng beer at nakinig kaming lahat sa mga sumunod na nagperform. Nang matapos ang last na kumanta napatingin ako sa harap ko nang biglang kabigin ni Tasha ang mukha ni Carl at halikan ito sa labi. Ramdam ko na lahat ng atensyon ng mga kaibigan ko ay nasa akin. Nanlaki ang mga mata kong bigla ngunit nagulat ako ng hawakan ni Liam ang mukha ko at hawiin paharap sa kanya. Pinagdikit niya ang aming noo at dahan dahan niyang inilayo at tumitig sa akin. " Focus... Look at me... Wag kang iiyak... Kapag umiyak ka sasapakin ko siya sigurado magkaka gulo dito." Mahinang sabi ni Liam na kahit malakas na ang tugtog ng Dj ay dinig ko pa din. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kamay ni Liam na naka hawak pa din sa aking mukha. Ngumiti ako sa kanya at pinilit kong pigilan ang pag sabog ng aking emosyon. Humigit ako ng malalim na hininga at saka nagsalita. " Do you want to dance with me? " naka ngiting sabi ko sa kanya. Nagsmile din siya sa akin. At saka ako muling inakbayan. " Ayaw mo sige kami na lang ni Stef " tanong ko habang inaabot ko ang bote ng beer ko. " Okay lets go " maiksing sagot nito sabay tayo at hawak sa kamay ko. Alam kong ramdam niyang nangingig pa din ang kamay ko dahil hinigpitan nyang lalo ang hawak. Bago kami pumunta sa dance floor tinungga ko ulit ang laman ng bote ng beer. " Stef want to join us. Lets go " tanong ko kay Stef. Saka ako hinatak ni Liam papunta n sa dance floor. Nakita kong sumunod sina Josh at Stef, maging si Ava at Mark. Hindi ko na nilingon pa si Carl at Tasha. Malakas ang disco music ng Dj kaya nagsayaw kaming lahat sa gitna. Pinilit kong sumayaw ng sumayaw para mawala ang sakit na nararamdaman ko. Feeling ko ang daming nangyayari sa araw na ito.  Hanggang sa hindi ko na kayanin at bigla akong yumakap kay Liam saka umiyak sa dibdib niya. Nakita ng mga kaibigan ko ang nangyayari kaya pinalibutan nila ako, siguro para hindi makita ng kahit na sino. Hinayaan lang ako ni Liam na umiyak ng umiyak hanggang sa kusa na din akong tumigil. Pag angat ko ng mukha ko ay pinunasan niya ang naghalong luha at pawis ko gamit ang kanyang panyo. " Its okay.. You will be fine. I'm here now " sabi ni Liam habang yakap yakap pa din ako. " Okay ka lang ba Amz " si Stef na nag aalala ang boses. " Amz we will send you back home now okay " si Ava " I'm okay don't worry napuno na lang siguro kaya umapaw " naka ngiting sagot ko sa kanila. " Okay ka na ba ayusin mo na sarili mo babalik na tayo sa table natin " si Josh. Muling pinunasan ni Liam ang aking mukha at siniguradong maayos na ako bago kami bumalik sa pwesto namin. Buti na lang at madilim ang ilaw ng bar at hindi makikita ang mapulang mata ko dahil sa pagiyak. Hinawakan ni Liam ang kamay ko at saka lumakad pabalik sa table. Nakasunod lang kami sa mga kaibigan namin. Pag kaupo namin ay inabutan ako ni Liam ng tubig at saka umupo sa tabi ko. " Drink more water napapadami ka na nang inom " bulong ni Liam saka inayos ang takas na buhok ko pabalik sa likod ng aking tenga. Napasulyap ako sa pwesto ni Carl at nakita kong nakayakap si Tasha sa kanya. Dala siguro nang alak kaya nagiging emosyonal ako, parang gusto na namang kumawala nang mga luha ko. Pinilit kong pigilan kaya napa hawak ako ng kamay kay Liam. Kasalukuyan ito umiinom beer kayat natigilan siya at nilingon ako. Nagsmile lang siya at bahagyang hinawakan ako ng mahigpit. Unti unti akong kumalma, nagulat ako nang iabot niya sa akin ang bote ng beer na ininuman niya. Kinuha ko iyon at saka nilagok lahat ng laman. " Woah.. Dahan dahan lang sa paginom mahaba pa ang gabi.. At saka share tayo hindi ko sinabing ubusin mo " bulong niya sa akin sabay tawa ng mahina. Natawa din ako ng bahagya at saka ibinaba ang bote sa lamesa. " Akala ko bottoms up" bulong ko din sa kanya. Nagtagal pa kami nang saglit nang makaramdam ako nang pagkahilo, marahil sa ininom ko simula pa kaninang hapon. "Uuwi na ko" bulong ko kay Liam " I will take you home " sagot niya. " Its okay.. I can still drive " bulong kong muli sabay smile. " Nope.. I insist.. Isa pa hindi ako nagdala ng car kasi alam kong malalasing ka ngayon." Nakangiting sagot niya sa akin. Tumayo siya at saka ako inalalayan patayo. " Guys mauuna na kami ni Amz" paalam niya sa mga kaibigan namin. Isa isa kong hinalikan sa pisngi ang mga kaibigan ko maliban kay Tasha at Carl na kinawayan ko lng. Nakatitig lang si Carl sa akin. Tumayo na din ang dalawa at nagpaalam na din sa iba. " Kami din mauuna na madami pa kaming lalakarin bukas for the wedding " sabi nito na nakatingin lang sa akin ng derecho. Nakipag kamay na din sila sa iba pa naming mga kaibigan. " Ang bilis namang matapos ng show" pahabol ni Trisha bago kami makalayo. Nagsmile lang ako sa kanila. Nauna kaming lumabas ni Liam at derecho sa sasakyan kong sports car na naka park lang sa harap ng bar. Pinagbuksan ako ni Liam ng pinto nang marinig kong nagsalita muli si Carl. " Sasakyan mo ba yan Liam? Nice car huh? " tanong nito. " Nope its Amethysts' car. Hindi ko dinala ang sasakyan ko "sagot nito. " Oh I see. Ihahatid ka niya? " tanong nitong muli "We stay in the same place "si Liam. " Sige Carl mauna na kami Bye" dugtong pa ni Liam saka ako pinapasok sa loob at siya naman ay umikot sa drivers side. Agad niyang binuhay ang sasakyan at umalis na kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD