Episode 5

1363 Words
Carl's POV Dumaan ang ilang pang araw na hindi na nagpakita si Amethyst sa akin. Napag alaman ko ding nagkaroon ako ng amnesia. Na ang tanging na aalala ko lang ay mga unang taon ko sa highschool. Kinakailangan ko ding lumipad patungo sa America dahil may bukol sa loob ng aking utak na kailangang alisin.Kaya kailangan kong dumaan sa opersyon. Ang mga magulang ko at si Natasha ang kasama kong umalis papunta sa America dahil dun isasagawa ang operasyon. Tumagal din ng higit dalawang taon akong na natili dun, natanggal naman ang bukol pero hindi pa din bumalik ang alaala ko. Kaya pinili kong bumalik nang Pilipinas. Napabalik ako mula sa malalim na pag alala ng nakaraan nang marinig ko ang cellphone ko na mag ring. Kuya Rhod calling... " Hello kuya napatawag ka?" " Wala naman ayain sana kitang lumabas mag bar" " Susunduin ko si Natasha nag aaya ding lumabas " " Mas okay eh di isama na lang natin siya." " Saan naman tayo pupunta?" " Sa palagi mong pinupuntahan noon baka sakali may maalala ka sa lugar na iyon" " Sige kuya message me the location dun na tayo magkita" " Okay sige see you then" PARTNERS IN CRIME. " Partners in Crime" mahinang basa ko sa pangalan nang bar. " Honey mukhang maganda dito. Sino ang turo sa iyo dito? " si Tasha. " Si Kuya Rhod " maiksing sagot ko sa kanya. Nakita ko si Kuya Rhod na naka tayo malapit sa may entrance. Nagulat na lang ako nang batiin ako nang bouncer at alalayan kami papasok sa loob hanggang makarating kami sa VIP lounge. Naroon ang mga kaibigan ko na nakilala ko sa hospital noon kasama si Amethyst. Nakita kong nabigla silang lahat sa pag dating namin ngunit isa isa pa din silang lumapit at nakipag kamay. " Hey bro kamusta kana? " si Josh na nakipag kamay sa akin. " I'm good " tugon ko. "Hi ! its nice to see you alive." Si Liam na yumakap sa akin at nag tungo sa tabi ni Amethyst. Naupo kami sa upuang naka harap sa kanila. Ramdam ko ang pagka tense ng mga kasama namin sa paligid pero hindi ko alam kung bakit. Nakita ko ang pagbulong ni Liam kay Amethyst na ikinangiti naman niya. " Boyfriend mo ba si Liam? " wala sa loob kong tanong kay Amethyst. Ngiti lang ang sinagot niya saka tinunga ang laman ng bote ng beer na hawak niya. Nagpatuloy ang kwentuhan at kamustahan namin...Paminsan minsan ko ding sinusulyapan si Amethyst at Liam na naka akbay na sa kanya. Nakakaramdam ako nang inis kapag nakikita ko silang nagbubulungan at nagtatawanan na parang sila lang ang tao sa mundo. Nabaling ang atensyon naming lahat ng magsalita si Mark sa mini stage ng bar. Tinawag niya ang pangalan ni Liam at Amethyst paglingon ko sa gawi nila ay magkahawak kamay na silang patungo kay Mark. " Do you know how to sing? " tanong ko kay Amethyst. Nilingon niya lang ako at nag smile sa akin At sabay silang nagtungo sa stage. Nakatitig lang ako kay Amethyst nang magsimula silang kumanta. May mga imahe na biglang nagflash sa aking isip pero hindi malinaw kaya napakunot noo akong bigla at paglingon ko sa kanila ay halos magkayakap na sila habang kumakanta. Nanginginig ako sa galit pero hindi ko maintindihan kung saan at bakit. Marahil naramdaman ni Tasha ang panginginig ko kaya't hinawakan niya ang kamay ko. " Carl are you okay? Do you want to go back home?" tanong niya sa akin. " I'm okay baka napadami lang ng inom at naninibago ako " sagot ko sa kanya. Nagpalakpakan at hiyawan ang mga kaibigan namin at mga tao sa loob pagkatapos nilang kumanta. Nang lingunin ko sila sa stage ay nakita kong hinalikan ni Liam si Amethyst sa noo. Na kuyom ko ang aking mga kamay dahil sa naramramdaman kong di ko maipaliwanag. " Huh... Someone is pissed off " dinig kong sinabi ni Stef ngunit hindi ko siya nilingon. " Uhuh.. I can see that " si Kat. Magkahawak kamay silang bumalik sa pwesto namin. Habang ako ay mabilis ang pag hinga ng malalim, naramdaman kong hinahagod ako ni Tasha sa likod para kumalma. Nagpatuloy ang mga sumunod na kumanta at tahimik lang kaming lahat na nakikinig. Panaka naka kong tignan si Liam at Amethyst na panay ang bulungan. " Carl we should go home.Kailangan mo nng magpahinga" bulong ni Tasha sa akin. " I still can manage don't worry" malamig na sagot ko sa kanya. Natapos ang huling performance at nagulat ako ng biglang siilin ako ng halik ni Tasha sa harap ng aming mga kaibigan. Bahagya ko siyang naitulak at lumingon kay Amethyst. Laking gulat ko na hawak ni Liam ang mukha nito na ikinatagis nang aking mga panga. Gusto kong tumayo at hilahin si Amethyst ng hawakan ako muli ni Tasha sa kamay at titigan. Binalikan ko ng tingin si Amethyst at nakita ko na nakatayo na sila ni Liam hawak pa din niya ang kamay nito. Sinundan ko ng tingin ang mga ito, naka sunod din ang iba naming kaibigan nagtungo sila sa gitna ng dance floor. " We should go, gabi na masyado bawal sa iyo ang mapagod ng husto " bulong ni Tasha sa akin. Nilagok ko ng derecho ang laman ng bote ng beer na hawak ko saka kumuha ng isa pa. " I told you I'm okay " madiing pabulong kong sagot kay Tasha. Pumihit ako paharap sa dance floor at pilit hinanap ng aking mata kung nasaan sila. Nasa bandang gitna sila at natatakpan ng mga taong nagsasayaw. Maya maya ay nakita kong magkayakap na si Liam at Amethyst sa gitna. Natakpan ito ng mga kaibigan namin kaya hindi ko na makita sina Liam at Amethyst. Umayos na ako nag upo at saka uminom muli. "Carl ayos ka lang ba? " tanong ni Kat sa akin na naka ngisi na mukhang lasing na. Tumango lang ako sa kanya. " Carl I need to go something came up , I just see you tomorrow okay?" paalam ni Kuya Rhod sa akin sabay talikod palabas ng bar. " Saan pupunta ang kuya mo? " Tanong ni Tasha. " Mauna na daw siya umuwi may aasikasuhin daw " sagot ko sa kanya. " Hey Carl how was the preparation for the wedding? " si Trisha na nakasandal sa sofa habang umiinom ng beer. " Inaayos na namin ang lahat.. Medyo madami dami pang need na gawin." sagot ni Tasha sa kanya. " I see... Do you need any help from us?" tanong ni Ralph. " No thanks its fine. We can handle everything right Honey " sagot muli ni Tasha. " But if we need anything just incase we will inform you guys" dugtong niya sabay yakap sa akin. Maya maya ay bumalik na sa table namin sina Amethyst at Liam kasama ang iba pa naming kaibigan. Napansin kong parang namumula ang mga mata ni Amethyst na parang galing sa pag iyak. Nagmamasid at nakikinig lang ako sa usapan ng mga kaibigan namin at ni Tasha. Ngunit ang atensyon ko ay naka Amethyst. Napa kunot ako ng noo nang makita kong tinunga niya ang bote ng beer na ininuman ni Liam. Pinagmamasdan ko lang ang bawat kilos nilang dalawa habang si Tasha ay abalng nakikipag usap kay Mark. Panay ang bulungan nilang dalawa na lalo kong kinaiinis. Biglang tumayo si Liam at nagpaalam na sa amin. Tumayo na din ako at nagpasyang umuwi na lang din, naramdaman ko ang pagkabigla ni Tasha ngunit tumayo na din ito at nagpaalam. Paglabas namin nang pinto ng bar ay nakita kong papasok na sa loob ng sasakyang sports car na pula sina Liam at Amethyst. Nalaman kong kay Amethyst pala ang sasakyan.Nagusap pa kami ng sandali bago tuluyang umalis ang mga ito. May mga imahe na naman akong nakita ng umandar palayo ang sasakyan nila.. Hindi masyadong malinaw kaya't pinilig ko na lang ang aking ulo at inaya na si Tasha sa aking sasakyang black na sports car. Napansin kong pareho kami nang sasakyan ni Amethyst kaya lihim akong napangiti. Inihatid ko na si Tasha sa condo niya bago umuwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD