Dylan Nagbigay na nang signal ang mga tauhan ni Blake na lulusubin namin ang bahay kung saan tinago si Amethyst. Nagpapalitan ng putok ang grupo namin at ang grupo ni Rhod. Sa gilid kami ng bahay dumaan ni Liam kasama ang iba pa. Pagpasok sa veranda at may tatlong lalaking nakaabang sa amin. Walang awang pinaulanan ng bala ng mga tauhan ni Blake ang mga ito kaya tuluyan kaming nakapasok sa loob. Umakyat agad ako sa ikalawang palapag kasunod si Liam. Isang kwarto na bukas ang pinto ang una kong tinignan at napatigil ako dahil isang katawan ang naka higa doon na tinabunan ng isang puting kumot. Si Liam ang pumasok para tignan ito dahil hindi ako makagalaw dahil natatakot akong baka si Amethyst iyon. Nang tignan ni Liam ay umiling siya. " Si Chris ito, patay na siya " aniy

