bc

The Mafia Boss' Rejected Wife

book_age18+
537
FOLLOW
6.3K
READ
dark
love-triangle
contract marriage
BE
family
HE
fated
forced
opposites attract
second chance
friends to lovers
pregnant
arranged marriage
badboy
neighbor
boss
mafia
gangster
heir/heiress
drama
tragedy
sweet
bxg
lighthearted
serious
kicking
bold
city
office/work place
cheating
disappearance
enimies to lovers
lies
cruel
musclebear
love at the first sight
affair
surrender
addiction
assistant
like
intro-logo
Blurb

Simula pa noong bata ay minahal na ni Emma si Kaisel kahit paulit-ulit siyang itinaboy nito. Nang naging mag-asawa sila sa isang arranged marriage, tiniis niya ang malamig na pagtrato ng lalaking matagal na niyang minamahal.

Ngunit nang bumalik ang childhood sweetheart ni Kai, napagod na si Emma sa paghihintay. Habang unti-unti niya itong pinapakawalan, saka naman napagtanto ni Kai na maaaring mawala sa kanya ang nag-iisang taong tunay na nagmahal sa kanya.

Pero kapag huli na ang lahat at kapag pinili nang umalis ni Emma, kaya pa ba siyang pigilan ni Kai?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1:The Wedding
Kung may isang kasalang pag-uusapan ng buong bansa, iyon ay ang kasalang nagaganap ngayong gabi mismo sa Grand Ballroom ng Ibarra Estate. Sa ilalim ng naglalakihang crystal chandelier ay nagsisiksikan ang pinakamayayaman at pinakamakapangyarihang tao sa bansa, lahat ay nakabihis ng mamahaling gown at tuxedo habang ang buong bulwagan ay amoy champagne at mahihinang bulungan. At iisa lang ang pinag-uusapan ng lahat habang hinihintay ang seremonya. Si Kaisel Knoxx Ibarra, ang CEO ng Ibarra Group, at si Emma Herrera. Si Emma ang probinsyanong apo, ang long-lost apo ni Don Emilio Herrera na ngayon lang ulit lumitaw. Nag-iisa lang siyang apo dahil nag-iisang anak lang ni Emman, ang anak ni Don Emilio, kaya nang mawala ang nanay at tatay niya, siya na lang talaga ang natitirang Herrera. At kung bakit nauwi sa biglaang kasal ngayong gabi, iyon ay dahil matalik na magkaibigan sina Don Emilio at Don Alejandro Ibarra, kaya isang kasunduan lang ng dalawang matanda ang nagdala sa kanilang dalawa sa altar. Para sa media ay isa itong perpektong pagsasanib ng dalawang imperyo, pero para sa mga taong nasa loob ng ballroom ay may halong tensyon at pagtataka ang ganda ng kasal, lalo na nang marinig nilang probinsyana raw ang mapapangasawa ni Kai. Nakatayo si Kai sa harap ng malaking bintana ng private suite niya habang nakatanaw sa ibaba kung saan sunod-sunod ang pagpasok ng mga mamahaling sasakyan at kumikislap ang mga camera. Maya-maya ay kumatok ang secretary niya at nagsalita mula sa pinto. "Sir, two minutes na lang po, naghihintay na po kayo sa altar." Hindi agad gumalaw si Kai at nanatili lang siyang nakatingin sa baba bago mahinahong sumagot. "Alam ko. Susunod na ako." Napansin ng secretary ang bigat sa mukha niya, kaya hindi na niya ito kinatiisan na magtanong. "Sir, okay lang po ba kayo? Hindi po kasi kayo mukhang masaya." Ngumiti si Kai, pero mababaw lang ang saya sa mukhang iyon. "It's my wedding. Hindi naman kailangang maging masaya para matuloy." Nang makaalis ang secretary, dahan-dahan niyang kinuha mula sa bulsa ng tuxedo niya ang isang maliit na heart-shaped pendant na luma na pero halatang iniingatan nang mabuti. Hinaplos niya ito nang marahan at isang pangalan lang ang pumasok sa isip niya. "Sofia." Kung ibang gabi lang sana ito ay ibang babae ang hinihintay niya sa altar, hindi si Emma, hindi ang babaeng ipinagkasundo lang sa kanya ng lolo niya. Matapos ang ilang segundo ay ibinalik niya ang pendant sa bulsa niya, inayos ang manggas ng amerikana, at lumabas na ng kwarto. Samantala, sa kabilang bahagi ng mansion, abala naman si Emma sa huling ayos ng stylist niya habang inaayos ang mahabang belo niya. "Ang ganda niyo po talaga, Miss Emma, bagay na bagay po sa inyo ang gown," sabi ng stylist habang nakangiti. "Thank you po," sagot ni Emma nang mahinahon habang nakatingin sa salamin. "Sigurado akong hindi makakapagsalita si Mr. Ibarra mamaya kapag nakita kayo." Tumawa nang bahagya si Emma, pero may kaba sa likod niyon. "Sana nga po, sana hindi siya matulala sa gulat." Natawa nang bahagya ang stylist bago magpaalam at iniwan siyang mag-isa sa kwarto. Nang tuluyang sumara ang pinto, unti-unting nawala ang saya sa mukha ni Emma, at napatingin siya sa sarili niyang repleksiyon na nakasuot ng puting gown at diamond earrings. Perpekto ang lahat sa panlabas, pero alam niyang hindi siya mahal ng lalaking pakakasalan niya ngayong gabi. Binuksan niya ang drawer ng vanity at kinuha ang isang maliit na encrypted phone at tinawagan si Kevin. Isang ring pa lang ay sinagot na agad ito. "Boss, kamusta ka diyan sa loob ng palasyo?" tanong ni Kevin sa kabilang linya. "Okay lang ako, medyo kinakabahan lang," sagot ni Emma habang pilit na pinapakalma ang sarili. "Report ko na, ha. Nailipat na ang funds, stable ang operations ng law firm, at naka-standby na rin ang clinic na pinabantayan mo. Lahat under control." "Good, thank you, Kevin." Natigil sandali si Kevin bago muling nagsalita nang mas seryoso. "Emma, last chance na to. Kung gusto mong umatras, puwede pa. Sabihin mo lang at gagawa tayo ng paraan." Umiling si Emma kahit hindi siya nakikita nito. "Hindi na, Kevin. Ngayong gabi na ang kasal, hindi na pwedeng umatras. Nandito na ako." "Alam kong hindi ka niya mahal, Emma. Alam kong si Sofia pa rin ang nasa puso niya." "Alam ko," mahinang sagot ni Emma habang hinahawakan ang wedding ring sa kamay niya. "Pero may dahilan ako kung bakit ako pumayag, at hindi ko pa pwedeng sabihin kahit sa'yo." "So, magtitiis ka?" "Magtitiwala ka ba sa akin?" tanong ni Emma. May pagkabigat sa tinig ni Kevin nang muling magsalita. "Fine. Pero pag nasaktan ka niya, hindi ko siya palalagpasin." "Ano ka ba, Kevz. Huwag kang mag-alala, kaya ko 'to." Matapos patayin ang tawag ay humarap ulit si Emma sa salamin at huminga nang malalim. "Let's do this." Mabilis na lumipas ang seremonya, pero para kay Emma ay mabagal ang bawat hakbang niya sa aisle habang lahat ng mata ay nakatingin sa kanya. Naririnig niya ang mahihinang bulungan ng mga bisita tungkol sa pagiging probinsyana niya at kung bakit ngayon lang siya lumabas bilang Herrera, pero diretso lang ang tingin niya sa dulo kung saan nakatayo si Kai na nakasuot ng itim na tuxedo at nakatayo nang matikas. Habang papalapit siya, mas lalo niyang napansin na hindi man lang siya tinitingnan ni Kai, ni isang sulyap ay wala, at ang lamig ng mukha nito ay parang may ibang taong hinahanap sa gitna ng maraming tao. Bahagyang nanginig ang kamay niya nang tumapat siya sa harap nito, pero pinilit pa rin niyang ngumiti at huwag ipakita ang kirot. Pagdating sa reception ay mas naging maingay ang bulungan lalo na mula sa mesa ng mga babaeng nakasuot ng mamahaling gown. "Si Sofia pa rin talaga ang mahal niyan, everyone knows that," sabi ng isa. "Kung hindi lang nawala si Sofia, wala sana 'yang probinsyanang gold-digger dito," dagdag pa ng isa habang tumatawa nang mahina. Narinig iyon ni Emma at napahigpit ang hawak niya sa wine glass, at alam niyang narinig din iyon ni Kai dahil nasa tabi lang niya ito. Pero hindi man lang siya nito nilingon o ipinagtanggol at nagpatuloy lang ito sa pakikipag-usap sa isang business associate na parang walang narinig, kaya mas masakit pa iyon kaysa sa mismong sinabi ng mga babae. Hatinggabi na nang matapos ang reception at sa loob ng sasakyan papuntang Ibarra Manor, ang tahanan ni Kaisel, ay magkalayo silang nakaupo sa backseat habang walang nagsasalita. Si Emma ay nakatingin sa bintana habang si Kai ay abala sa kanyang telepono, at pagdating sa mansion ay unang bumaba si Kai nang hindi man lang siya hinihintay o inaalalayan. Sumunod si Emma sa loob at pagpasok nila sa napakalaking sala ay huminto si Kai sa paanan ng hagdan at tinawag siya. "Emma, we need to make things clear." Tumingin si Emma sa kanya at tumango. "Okay, sige, makikinig ako." "Ang kasal na 'to ay para lang sa mga lolo natin, wala nang iba, kaya sana malinaw sa'yo 'yon," sabi ni Kai habang diretso ang tingin sa kanya. "Alam ko, Kai, malinaw sa akin simula pa lang," sagot ni Emma nang mahinahon. "Good. Kaya huwag kang mag-e-expect ng kahit ano mula sa akin." "Katulad ng ano?" tanong ni Emma kahit alam na niya ang sagot. "Love. Wala akong maibibigay na ganoon sa'yo, Emma. Wala akong mararamdaman para sa'yo," sabi ni Kai nang walang pag-aalinlangan. Kumirot ang dibdib ni Emma, pero pinanatili niya ang maayos na ngiti. "Okay, naiintindihan ko." Kumunot ang noo ni Kai dahil tila hindi iyon ang inaasahan niyang reaksyon. "That's it? Hindi ka magagalit? Hindi ka iiyak?" "May magbabago ba kung magalit ako?" tanong ni Emma pabalik. "Gusto mo bang umiyak ako dito para may eksena? Hindi ko gagawin 'yon." Umirap si Kai bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi kita pipilitin sa kahit ano, pero huwag mo rin akong pakialaman. Huwag mo akong sundan, huwag mo akong tanungin kung saan ako pupunta, at huwag kang pupunta sa opisina ko nang walang pahintulot ko." Tumango si Emma sa bawat sinabi nito. "Okay, sige, noted lahat. Hindi kita susundan, hindi kita tatanungin, at hindi ako pupunta sa opisina mo nang walang paalam. Got it." Lalo pang kumunot ang noo ni Kai. "Bakit parang wala lang sa'yo lahat ng sinasabi ko?" Ngumiti si Emma at sumagot nang kalmado. "Kasi mas gusto kong maging malinaw tayo kaysa mag-away pa tayo sa unang gabi pa lang. Mas okay na yung alam ko kung saan ako lulugar." Sandaling natahimik si Kai bago muling nagsalita nang mas malamig. "May isa pa, wala akong balak na maging tunay mong asawa, Emma. Sana malinaw din sa'yo 'yon." Sa pagkakataong iyon ay bahagyang natigilan si Emma pero mabilis din siyang nakabawi at ngumiti pa rin. "Okay, malinaw sa akin, Kai. Wala kang dapat ipag-alala." "Yan lang ang sasabihin mo?" tanong ni Kai na halatang nagtataka sa pagiging kalmado niya. "Ano pa ba ang gusto mong sabihin ko? Nasabi mo na lahat, at sinabi ko na rin na naiintindihan ko," sagot ni Emma. Tinitigan siya ni Kai nang matagal na parang sinusubukang basahin kung ano talaga ang nasa isip niya pero wala siyang makita kundi kalmadong mukha. Sa huli ay sinabi na lang nito na ang kwarto niya ay nasa East Wing. "At saan naman ang sa'yo?" tanong ni Emma. "Wala kang pakialam doon," malamig na sagot ni Kai. "Fair enough," sagot ni Emma habang pilit pa ring nakangiti. Tumalikod na si Kai at nagsimulang umakyat sa hagdan, at bago pa ito tuluyang makalayo ay tinawag siya ni Emma. "Kai." Huminto ito pero hindi lumingon. "Congratulations," sabi ni Emma nang mahina. "For what?" tanong ni Kai. "For surviving your own wedding," sagot ni Emma na may bahagyang ngiti. Hindi na sumagot si Kai at nagpatuloy na sa pag-akyat, hanggang sa tuluyan itong maglaho sa dulo ng hagdan. Mag-isa siyang natirang nakatayo sa gitna ng malaking sala, nakadamit pa rin sa kanyang wedding gown. Sa unang gabi nila bilang mag-asawa, doon niya unang tunay na naramdaman kung gaano kalayo ang agwat na kailangan pa nilang tawirin. May sarili siyang dahilan kung bakit siya pumayag sa lahat ng ito, isang dahilang hindi pa niya kayang sabihin kahit kanino, at habang nakatingin sa walang-laman na hagdan, muli niyang pinatibay sa sarili na anuman ang mangyari, hindi siya babagsak nang ganito kadali.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
13.0K
bc

In Bed With Kuya Red

read
47.9K
bc

The Heartless Don's Angel

read
78.8K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.1K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
834.1K
bc

DESIRING THE BADBOY (SSPG/ Dark Romance)

read
157.1K
bc

Kuya Andrew

read
74.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook