"DARK, GUSTO mong magswimming?" Narinig kong tanong ni Dimitri sa anak ko. "Sige po tatay" Gusto kong lumabas, para pigilan ang balak ni Dimitri na paglusong sa tubig. Pero sa iisipin kong makakaharap ko ang tubig natatakot na naman ako. "Hey Miss Yummy wala kang balak na lumabas?"tanong ni Dimitri. Pumasok pala ang dalawa para siguro magpalit. Tumakbo palapit sakin si Dark. "Nanay, maghuhubo po ako. Liligo daw po kami ni Tatay kong Pogi sa dagat"excited na sabi ni Dark. "Mamang maliit ko, pwede po wag ka na po maligo doon. Baka may pating doon, paano na si nanay"pigil ko sa kanya. Nilapitan ako ni Dimitri. "Thalia, walang pating dito. Hindi ko naman papabayaan si Dark, kung gusto mo panoorin mo kami. Kapag may makita kang malaking pating na papalapit samin sabihan mo kami para na

